Hadith for the World
Ang Pananampalataya sa Huling Araw

Ang Buhay sa Kabilang-buhay

15 hadiths

15 hadiths

Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)': "Ang una sa huhusgahan sa mga tao sa Araw ng Pagbangon ay kaugnay sa [pagpapadanak ng] mga dugo."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Mu`ādh bin Anas, malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu:- (( Sinuman ang pumigil sa pagkagalit,na siya ay may kakayanan sa pagpapatupad nito,tatawagin siya ni Allah,napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas,sa harap ng mga nilalang sa Araw ng Pagkabuhay,upang papiliin siya mula sa magagandang babae [na mapapangasawa sa Paraiso],sa sinumang kanyang magustuhan))Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Abē Hurayrah malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu-((Katotohanang si Allah-Pagkataas-taas Niya-ay magwiwika sa Araw ng Pagkabuhay:Nasaan ang mga nagmamahalan sa Kadakilaan Ko?Sa araw na ito ay pasisilungin ko sila sa Aking Silong,Araw na Walang masisilungan maliban sa Silong Ko))Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Mu`ādh bin Jabal, malugod si Allah sa kanya.Buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Siya ay nagsabi:((Nagsabi si Allah-Kamahal-mahalan siya at Kapita-pitagan-Ang mga Nagmamahalan sa Kadakilaan ko,Sa kanila ay may matataas na antas mula sa liwanag,Kina-iinggitan sila ng mga Propeta at ng mga Martir.))Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Tunay na sa Paraiso ay may isandaang antas na inihanda ni Allah para sa mga nakikibaka sa landas Niya, na ang pagitan ng dalawang antas ay gaya ng pagitan ng langit at lupa."Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagpalugit sa nagigipit o nagpatawad sa utang nito, maglililim sa kanya si Allāh sa Araw ng Pagbangon sa ilalim ng lilim ng trono Nito, sa Araw na walang lilim kundi ang lilim Nito."}Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Aḥmad
Ayon kay Abū Barzah Al-Aslamīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi matitinag ang dalawang paa ng isang tao sa Araw ng Pagbangon hanggang sa matanong siya tungkol sa buhay niya kung sa ano siya umubos nito, tungkol sa kaalaman niya kung sa ano siya gumamit nito, tungkol sa yaman niya kung mula saan siya kumita nito at kung sa ano siya gumastos nito, at tungkol sa katawan niya kung sa ano siya lumaspag nito?"}Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy
Ayon kay Abū Umāmah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Narinig ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsasabi: Bigkasin ninyo ang Qur'an sapagkat tunay na ito ay darating sa Araw ng Pagkabuhay bilang tagapamagitan sa mga tagatangkilik nito."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Jarīr bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kami noon ay nasa piling ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka tumingin siya sa buwan sa gabi – tumutukoy siya – ng kabilugan saka nagsabi siya: "Tunay na kayo ay makakikita sa Panginoon ninyo gaya ng pagkakita ninyo sa buwan na ito; hindi kayo mahihirapan sa pagkakita sa Kanya. Kaya kung makakaya ninyo na hindi kayo mapanaigan sa isang dasal bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog nito ay gawin ninyo." Pagkatapos bumigkas siya (Qur'ān 20:130): {at magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog nito;}}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang Oxus, ang Jaxartes, ang Yufrates, at ang Nilo ay lahat mula sa mga ilog ng Paraiso."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya: "Tunay na ang tumatangging sumampalataya, kapag gumawa siya ng isang magandang gawa, ay pinatitikim dahil dito ng isang gantimpala sa Mundo. Tungkol naman sa manananampalataya, tunay na si Allah, pagkataas-taas Niya, ay nag-iimpok para sa kanya ng mga magandang gawa niya sa Kabilang-buhay at nagkakaloob sa kanya ng panustos sa Mundo ayon sa pagtalima niya." Sa isang sanaysay: "Tunay na si Allah ay hindi lalabag sa katarungan sa isang mananampalataya sa isang magandang gawa na bibigyan siya dahil dito sa Mundo at gagantihan siya dahil dito sa Kabilang-buhay. Tungkol naman sa tumatangging sumampalataya, patitikimin siya ng mga magandang gawa na ginawa niya para kay Allah, pagkataas-taas Niya, sa Mundo. Kapag humantong siya siya sa Kabilang-buhay, wala na siyang magandang gawang gagantimpalaan siya dahil dito."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Mu`āwiyah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang mga mu'adhdhin ay ang pinakamahaba sa mga tao sa mga leeg sa Araw ng Pagbangon."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nagsabi, kapag naririnig niya ang panawagan, ng: Allāhumma rabba hādhihi -dda`wati -ttāmmāti wa-ṣṣalāti -lqā’imah, āti muḥammadani -lwasīlata wa-lfaḍīlah, wa-b`athhu maqāmam maḥmūdani -lladhī wa`attahu (O Allāh, ang Panginoon nitong panawagang lubos at ṣalāh na isasagawa, ibigay Mo kay Muḥammad ang kaparaanan at ang kalamangan at buhayin Mo siya sa katayuang pinapupurihan, na ipinangako Mo), dadapo sa kanya ang Pamamagitan ko sa Araw ng Pagbangon."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi kay Bilāl sa sandali ng ṣalāh sa madaling-araw: "O Bilāl, magsanaysay ka sa akin ng pinakamagantimpalang gawaing ginawa mo sa Islām sapagkat tunay na ako ay nakarinig ng yabag ng sandalyas mo sa harap ko sa Paraiso." Nagsabi ito: "Ang ginagawa kong isang gawaing pinakamagantimpala sa ganang akin ay na ako ay hindi nagpapakadalisay ng isang pagdalisay sa isang oras sa isang gabi o isang maghapon malibang nagdarasal ako dahil sa pagkadalisay na iyon ng naitakda sa akin na dasalin ko."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «مَنْ آمَنَ بِاللَّهِ وَبِرَسُولِهِ، وَأَقَامَ الصَّلاَةَ، وَصَامَ رَمَضَانَ كَانَ حَقًّا عَلَى اللَّهِ أَنْ يُدْخِلَهُ الجَنَّةَ، جَاهَدَ فِي سَبِيلِ اللَّهِ أَوْ جَلَسَ فِي أَرْضِهِ الَّتِي وُلِدَ فِيهَا»، فَقَالُوا: يَا رَسُولَ اللَّهِ، أَفَلاَ نُبَشِّرُ النَّاسَ؟ قَالَ: «إِنَّ فِي الجَنَّةِ مِائَةَ دَرَجَةٍ، أَعَدَّهَا اللَّهُ لِلْمُجَاهِدِينَ فِي سَبِيلِ اللَّهِ، مَا بَيْنَ الدَّرَجَتَيْنِ كَمَا بَيْنَ السَّمَاءِ وَالأَرْضِ، فَإِذَا سَأَلْتُمُ اللَّهَ فَاسْأَلُوهُ الفِرْدَوْسَ، فَإِنَّهُ أَوْسَطُ الجَنَّةِ وَأَعْلَى الجَنَّةِ -أُرَاهُ- فَوْقَهُ عَرْشُ الرَّحْمَنِ، وَمِنْهُ تَفَجَّرُ أَنْهَارُ الجَنَّةِ».رواه البخاري