Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:

Available in 72 languages
«Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang pinakamainam na pag-alaala [kay Allāh] ay Lā ilāha illa -llāh (Walang Diyos kundi si Allāh) at ang pinakamainam na panalangin ay Alḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh)."}»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Nagpapabatid sa atin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakamainam na pag-alaala [kay Allāh] ay: Lā ilāha illa -llāh (Walang Diyos kundi si Allāh) – na ang kahulugan nito ay walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh – at na ang pinakamainam na panalangin ay: Alḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh) – ang pagkilala na ang Tagapagbiyaya ay si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya), ang Karapat-dapat sa paglalarawang lubos na marikit.

Source
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy sa Al-Kubrā, at Imām Ibnu Mājah
Download image

Saved at original quality