Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Ayon kay Abu Al-Ḥawzā' As-Sa`dīy na nagsabi: {Nagsabi ako kay Al-Ḥasan bin Alīy (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): "Ano ang naisaulo mo mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)?" Nagsabi ito: "Naisaulo ko mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

Available in 62 languages
«Ayon kay Abu Al-Ḥawzā' As-Sa`dīy na nagsabi: {Nagsabi ako kay Al-Ḥasan bin Alīy (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): "Ano ang naisaulo mo mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)?" Nagsabi ito: "Naisaulo ko mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Iwan mo ang nagpapaalinlangan sa iyo patungo sa hindi nagpapaalinlangan sa iyo sapagkat tunay na ang katapatan ay kapanatagan at tunay na ang kasinungalingan ay pag-aalinlangan."}»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pag-iwan ng nagpapaduda kabilang sa mga sinasabi at mga ginagawa – kung ito ba ay sinasaway o hindi, kung ito ba ay bawal o pinahihintulutan – tungo sa walang duda roon kabilang sa anumang nakapagtiyak ka sa kagandahan nito o pagkaipinahihintulot nito. Tunay na ang puso ay napapanatag doon at natatahimik. Ang anumang may pag-aalinlangan, nababagabag ang puso roon at naliligalig.

Source
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, at Imām Aḥmad
Download image

Saved at original quality