Hadith for the World

All hadiths

The complete card collection, filter by chapter

655 hadiths

عن عائشة رضي الله عنها ، قالت: «قامَ النبي صلى الله عليه وسلم بآيةٍ مِنَ القرآن ليلةً».رواه الترمذي
عن ابن عباس رضي الله عنهما قال: «بُعِث رسولُ الله صلى الله عليه وسلم لِأَربعين سَنَة، فَمَكَثَ بِمكة ثلاثَ عشرة سنة يوحَى إليه، ثم أُمِرَ بالهِجْرة فَهاجَر عشر سِنِين، ومات وهو ابنُ ثَلاثٍ وستِّين».متفق عليه
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong mag-alipusta sa mga Kasamahan ko sapagkat kung sakali na ang isa sa inyo ay gumugol ng tulad sa [laki ng] Uḥud na ginto, hindi sana ito umabot sa mudd ng isa sa kanila ni kalahati nito."Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Al-Masūr bin Makhramah-malugod si Allah sa kanya-sa Hadith na Marfū-:(( Si Fātimah ay bahagi ko,sinuman ang nagpagalit sa kanya,ay pinagalit niya ako))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:((Sinuman ang magmahal kay Hasan at Husayn tunay na minahal niya ako,at sinuman ang mamunghi sa kanilang dalawa tunay na namunghi siya sa akin))Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya; Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(( Ang pinaka-mainam sa inyo ay ang pinaka-mainam sa inyo sa aking Pamilya, pagkatapos ng pagpanaw ko)) Nagsabi siya:Kaya`t ibininta ni Abdurrahman bin `Awf ang Harden niya ng Apat na raang libo at hinati niya ito sa mga asawa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.Isinalaysay ni Ibnu Abī Aasim - Isinalaysay ito ni Imām Al-Ḥākim
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya-nagsabi siya: Wala akong pinagselosan sa mga Asawa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-maliban kay Kahdijah,at tunay na hindi ko siya inabutan,Nagsabi siya:At ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay nagkatay ng Tupa,Sinasabi niyang:((Ipamigay ninyo ito sa mga kaibigan ni Khadijah)) Nagsabi siya: Nagalit ako sa kanya isang araw,at sinabi kong: Khadijah,Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan (( Tunay na biniyayaan ako sa pagmamahal niya)).Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay A-ieshah-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi:Hindi nag-asawa ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,sa (panahon na buhay pa) si Khadijah,maliban ng siya ay namatay na.Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Mula kay Aisha -kalugdan nawa siya ni Allah-, Katotohanan ang Jibreel ay dumating sa hitsura ni Aisha sa isang bahagi ng berdeng sutla patungo sa Propeta -Pagpalain siya ng Allah at pangalagaan- at sabi niya: ((Ito ay ang asawa mo sa mundo at kabilang buhay)).Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy
عن أبي موسى رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «كَمُل من الرجال كثير، ولم يَكمُل من النساء: إلا آسية امرأة فرعون، ومريم بنت عِمران، وإنَّ فضلَ عائشة على النساء كفضل الثَّرِيد على سائر الطعام».متفق عليه
Ayon kay `Abdurahman bin Abe `Umayrah,at siya ay kabilang sa kasamahan ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Katotohanang sinabi niya kay Mu`awiyah;((O Allah, ibilang niyo siya sa puma-patnubay, at napatnubayan at makapag-patnubay dahil sa kanya))Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Abē 'Uzzah Al-Hudhalīy-malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi:Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag ninais ni Allah na bawian ng buhay ang kanyang alipin sa isang lugar,Gagawa si Allah ng pangangailangan niya dito))Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud At-Tayalusiy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Tunay na ang isa sa inyo, kapag namatay siya, ay ilalahad sa kanya ang upuan niya sa umaga at gabi. Kung siya ay naging kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso, kabilang siya sa mga maninirahan sa Paraiso; at kung siya ay naging kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno, kabilang siya sa mga maninirahan sa Impiyerno; saka sasabihin: Ito ang upuan mo hanggang sa bumuhay sa iyo si Allāh sa Araw ng Pagbangon."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay 'Usāmah bin Zayd malugod si Allah sa kanilang dalawa-Nakita ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa isang kastilyo mula sa mga kastilyo sa Madinah, Nagsabi siya:( Nakikita ba ninyo ang nakikita ko?))Nagsabi sila: Hindi,Nagsabi siya:((Sapagkat tunay na nakikita ko ang Sedisyon,na mangyayari sa loob ng bahay ninyo tulad ng pagbuhus ng ulan))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nagduda ang isa sa inyo sa ṣalāh niya, kaya hindi siya nakaalam kung nagdasal ba siya ng tatlo o apat [na rak`ah], ibato niya ang pagdududa at ibatay niya sa natiyak niya. Pagkatapos magpatirapa siya ng dalawang patirapa bago magsagawa ng taslīm; sapagkat kung nakapagdasal siya ng limang [rak`ah], gagawing tukol (even) ng mga ito para sa kanya ang ṣalāh niya; at kung nakapagdasal naman siya ng isang paglubos sa apat [na rak`ah], ang dalawang ito ay magiging isang pag-aaba para sa demonyo."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abe Rafi,Na si Abe Hurayrah ay nagbasa sa kanila:{ Kapag ang langit ay lansag-lansag na mabiyak} nagpatirapa siya rito,at nang siya ay umalis,sinabi niya sa mga tao na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagpatirapa ritoNapagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abe Bakrah,buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Katotohanang siya ay:((Kapag dumating sa kanya ang bagay na nakakapag-pasaya ( sa kanya) o magandang balita sa kanya lumulugmok siya sa pagpapatirapa bilang pagpapasamat sa Allah))Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Hafsah, malugod si Allah sa kanya.((Katotohanang ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-siya ay nagdadasal ng dalawang tindig na magaan pagkatapos ng pagsikat ng Bukang-liwayway)) at sa isang salaysay: Bago iganap ang pagtindig sa dasalIsinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nag-iiwan noon ng apat na rak`ah bago ng ṣalāh sa tanghali at ng dalawang rak`ah bago ng madaling-araw.}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Ummu Ḥabībah (malugod si Allāh sa kanya) na maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang nangalaga sa apat na rak`ah bago ng ṣalāh sa tanghali at apat na rak`ah matapos nito, magkakait sa kanya si Allāh sa Impiyerno."}Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad
Ayon kay `Abdullah bin `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa- Nagsabi siya: Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:((Kinakaawaan ni Allah ang isang taong nagdasal bago ang dasal ng Asr nang apat na tindig))Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Abdullah bin Al-Maznie,nasabi siya,Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-( Magdasal kayo bago sumapit ang Maghrib ng dalawang tindig))pagkatapos ay nagsabi siya;((Magdasal kayo bago sumapit ang Maghrib ng dalawang tindig,sa sinumang mag-nais)) Pagkatakot na baka gawin ito ng mga Tao na Sunnah.Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay 'Āishah malugod si Alla sa kanya-Nagsabi siya:(( Ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag natapos ang Nagtatawag ng Āzān sa unang beses mula sa dasal ng Fajr,titindig siya,at yuyuko sa dalawang tindig na magaan bago ang dasal ng Fajr,pagkatapos na maging hayag (tiyak) ang dasal ng Fajr,pagkatapos ay hihiga siya banda nitong kanan,hanggang sa dumating sa kanya ang nagtatawag ng Azan upang itindig ang dasal.Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): Nagtanong ang isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang siya ay nasa pulpito: "Ano po sa tingin mo ang salah sa gabi?" Nagsabi siya: "Dala-dalawahang [rak`ah]; ngunit kapag natakot siya na umabot sa madaling-araw, magdarasal siya ng iisang rak`ah saka magiging witr para sa kanya ang dinasal niya." Tunay na siya noon ay nagsasabi: "Gawin ninyo ang kahuli-hulihan sa salah ninyo bilang witr. Tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-utos nito.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito