TL
Ang Fiqh ng mga Pagsamba
Ang Pag-aayuno
40 hadiths
Ang Pagkatungkulin ng Pag-aayuno at ang Hatol sa Nagwawaksi Nito
1
Ang Kalamangan ng Pag-aayuno
5
Ang mga Sunnah ng Pag-aayuno
7
Ang Pagkakita sa Hilāl (Gasuklay sa Buwan ng Pag-aayuno)
2
Ang Pag-aayuno sa Araw ng Pagdududa
2
Ang Pag-aayuno ng mga May Kadahilanan
1
Ang mga Nakasisira sa Pag-aayuno
2
Ang Kinakailangan sa Nag-aayuno
1
Ang Pinapayagan Para sa Nag-aayuno
1
Ang Pag-aayuno ng Pagkukusang-loob
12
Ang I`tikāf
1
Ang Sampung Huling Araw ng Ramaḍān
4
رمضان
2
40 hadiths
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): "Ang bawat gawain ng anak ni Adan ay para sa kanya maliban sa pag-aayuno sapagkat tunay na ito ay para sa Akin at Ako ay gaganti sa Kanya." Ang pag-aayuno ay kalasag. Kapag araw ng pag-aayuno ng isa sa inyo, huwag siyang humalay at huwag siyang mag-ingay; saka kung nakipag-alipustaan sa kanya ang isa o nakipag-away ito sa kanya, magsabi siya: "Tunay na ako ay nag-aayuno." Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, talagang ang amoy ng bibig ng tagapag-ayuno ay higit na mabango sa ganang kay Allāh kaysa sa halimuyak ng musk. Ang tagapag-ayuno ay may dalawang tuwa, na natutuwa siya sa dalawang ito: Kapag tumigil-ayuno siya, matutuwa siya; at kapag nakipagkita siya sa Panginoon niya, matutuwa siya dahil sa pag-aayuno niya.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Sahl (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: {Tunay na sa Paraiso ay may pintuan na tinatawag na Ar-Rayyān. Papasok mula roon ang mga tagapag-ayuno sa Araw ng Pagbangon; walang papasok mula roon na isang iba pa sa kanila. Sasabihin: "Nasaan ang mga tagapag-ayuno?" Kaya tatayo sila; walang papasok mula roon na isang iba pa sa kanila. Kaya kapag nakapasok sila, isasara ito saka walang papasok mula roon na isa man.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsisipag sa huling sampung araw [ng Ramaḍān] ng hindi niya ipinagsisipag sa iba pa rito.}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nag-ayuno sa Ramaḍān dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang anumang nauna na pagkakasala niya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagdasal sa Gabi ng Pagtatakda (Laylatulqadr) dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang anumang nauna sa pagkakasala niya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang nag-ayuno ng isang araw sa landas ni Allāh, magpapalayo si Allāh sa mukha niya sa Impiyerno ng pitumpung taglagas."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Sahl bin Sa`d (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi matitigil ang mga tao sa pagiging nasa kabutihan hanggat nagmamadali sila sa pagtigil-ayuno."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Zayd bin Thābit (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kumain kami ng saḥūr kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Pagkatapos tumindig siya papunta sa ṣalāh. Nagsabi ako: "Gaano katagal sa pagitan ng adhān at saḥūr?" Nagsabi siya: "Singtagal [ng pagbigkas] ng limampung talata [ng Qur'ān]."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh dito), na maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasagawa noon ng i`tikāf sa huling sampung araw ng Ramaḍān hanggang sa nagpapanaw sa kanya si Allāh. Pagkatapos nagsagawa ng i`tikāf ang mga maybahay niya noong matapos niya.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kumain kayo ng saḥūr sapagkat tunay na sa saḥūr ay may pagpapala."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Jābir bin `Abdullāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay minsang nasa isang paglalakbay saka nakakita siya ng isang siksikan at isang lalaking nililiman nga iyon. Kaya nagsabi siya: "Ano iyan?" Nagsabi naman sila: "Nag-aayuno." Kaya nagsabi siya: "Hindi bahagi ng pagsasamabuting-loob ang pag-aayuno sa paglalakbay."
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong manguna sa Ramaḍān ng pag-aayuno ng isang araw ni ng dalawang araw, maliban sa isang taong dating nag-aayuno ng isang pag-aayuno kaya mag-ayuno siya nito."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Aishah at Umm Salamah-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Hadith na marfu:(( Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay muntik na siyang inaabutan ng Fajr at siya ay nasa kalagayan ng Junub sa kanyang asawa,pagkatapos ay naliligo siya at nag-aayuno))
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nakalimot habang siya ay nag-aayuno, kaya nakakain o nakainom, maglubos siya ng pag-aayuno niya sapagkat nagpakain lamang sa kanya si Allāh at nagpainom sa kanya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagtagubilin sa akin ang kaibigang matalik ko (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng tatlo: pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan, dalawang rak`ah ng [ṣalāh na] ḍuḥā, at na magsagawa ako ng [ṣalāh na] witr bago ako matulog.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hanapin ninyo ang Gabi ng Pagtatakda sa gansal [na petsa] mula sa huling sampung gabi ng Ramaḍān."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah, (s): "Kapag lumapit ang gabi mula rito at lumayo ang maghapon mula rito, titigil nga sa pag-aayuno ang nag-aayuno."
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Kapag nakita ninyo iyon ay mag-ayuno kayo at kapag nakita ninyo iyon ay tumigil-ayuno kayo ngunit kapag pinalabo sa inyo ay magtaya kayo para rito."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumasok ang sampung [huling araw ng Ramaḍān], ay nagpupuyat sa gabi, nanggigising ng mag-anak niya, nagpapakasigasig, at naghihigpit ng tapis.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfuo-:((Iniaalay ang ang gawain sa araw ng Lunes at Huwebes,at ibig ko na ialay ang aking mga gawain na ako ay nag-aayuno)) At sa isang salaysay:(( Binubuksan ang mga pintuan ng Paraiso sa araw ng Lunes at Huwebes,pinapatawad ang bawat alipin na hindi nagtambal kay Allah kahit isang beses,maliban sa isang lalaki na nagkaroon sa pagitan niya at pagitan ng kapatid niya na Hindi Pagkaka-unawaan,at sinasabi sa kanila: Ipag-pahuli ninyo silang dalawa hanggang sa magbati silang dalawa, Ipag-pahuli ninyo silang dalawa hanggang sa magbati silang dalawa,)) At sa isang salaysay:((Iniaalay ang mga gawain sa tuwing araw ng Lunes at Huwebes,patatawarin ni Allah ang bawat tao na nagtambal kay Allah kahit isang beses,maliban sa isang tao na nagkaroon sa pagitan niya at pagitan ng kapatid niya na Hindi Pagkaka-unawaan,at sasabihin sa kanila:Iwan ninyo silang dalawa hanggang sa magbati silang dalawa.))
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Nagsalaysay nito si Imām Muslim
عن عمرو بن العاص رضي الله عنه أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: «فَصْلُ مَا بَيْنَ صِيَامِنَا وصِيَامِ أهْلِ الكِتَابِ، أكْلَةُ السَّحَرِ».
رواه مسلم
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakagalante sa mga tao. Siya noon ay ang pinakagalante sa Ramaḍān kapag nakikipagtagpo sa kanya si Anghel Gabriel. Siya noon ay nakikipagtagpo rito sa bawat gabi ng Ramaḍān saka nakikipag-aralan siya rito ng Qur'ān. Kaya talagang ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakagalante sa kabutihan kaysa sa hanging isinugo.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Anas bin Malik-malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya:((Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay kumakain ng Iftar bago magdasal,ng mga Rutab,at kapag hindi ang mga Rutab ay ang mga Tam`r at kapag hindi ang mga Tam`r ,ay umiinom siya ng dahan-dahan mula sa tubig.
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Aieshah-malugod si Allah sa kanya-siya nagsabi:Hindi ginawa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na mag-ayuno ng maraming beses sa mga buwan maliban sa Sha`ban,Sapagkat siya ay nag-aayuno sa lahat ng (Araw) Sha`ban.At sa isang salaysay: Siya ay nag-aayuno sa (Araw ng) Sha`ban maliban sa iilang araw lamang.
Napagkaisahan ang katumpakan
Page 1 of 2
Next page