Hadith for the World
Ang Pag-aayuno

Ang Kalamangan ng Pag-aayuno

5 hadiths

5 hadiths

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): "Ang bawat gawain ng anak ni Adan ay para sa kanya maliban sa pag-aayuno sapagkat tunay na ito ay para sa Akin at Ako ay gaganti sa Kanya." Ang pag-aayuno ay kalasag. Kapag araw ng pag-aayuno ng isa sa inyo, huwag siyang humalay at huwag siyang mag-ingay; saka kung nakipag-alipustaan sa kanya ang isa o nakipag-away ito sa kanya, magsabi siya: "Tunay na ako ay nag-aayuno." Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, talagang ang amoy ng bibig ng tagapag-ayuno ay higit na mabango sa ganang kay Allāh kaysa sa halimuyak ng musk. Ang tagapag-ayuno ay may dalawang tuwa, na natutuwa siya sa dalawang ito: Kapag tumigil-ayuno siya, matutuwa siya; at kapag nakipagkita siya sa Panginoon niya, matutuwa siya dahil sa pag-aayuno niya.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Sahl (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: {Tunay na sa Paraiso ay may pintuan na tinatawag na Ar-Rayyān. Papasok mula roon ang mga tagapag-ayuno sa Araw ng Pagbangon; walang papasok mula roon na isang iba pa sa kanila. Sasabihin: "Nasaan ang mga tagapag-ayuno?" Kaya tatayo sila; walang papasok mula roon na isang iba pa sa kanila. Kaya kapag nakapasok sila, isasara ito saka walang papasok mula roon na isa man.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nag-ayuno sa Ramaḍān dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang anumang nauna na pagkakasala niya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag dumating ang Ramaḍān, binubuksan ang mga pinto ng Paraiso, ipinipinid ang mga pinto ng Impiyerno, at iginagapos ang mga demonyo."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
عن أم المؤمنين عائشة رضي الله عنها قالت: دخل علي النبي صلى الله عليه وسلم ذات يوم فقال: «هل عندكم شيء؟» فقلنا: لا. قال: «فإني إذن صائم» ثم أتانا يومًا آخر فقلنا: يا رسول الله، أهدي لنا حيس. فقال: «أَرِينيه، فلقد أصبحت صائمًا» فأكل.رواه مسلم