Hadith for the World
Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Ang Fiqh ng Etika

56 hadiths

56 hadiths

Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nagtipon si Allāh sa mga una at mga huli sa Araw ng Pagbangon, may iaangat para sa bawat traidor na isang watawat saka sasabihin: Ito ay katraiduran ni Polano na anak ni Polano."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Bakrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ba ako magbabalita sa inyo ng pinakamalaki sa malalaking kasalanan?" nang makatatlo. Nagsabi sila: "Opo, O Sugo ni Allāh." Nagsabi siya: "Ang pagtatambal kay Allāh at ang kasutilan sa mga magulang." Umupo siya. Siya kanina ay nakasandal, saka nagsabi siya: "Pansinin, ang pagsasabi ng kabulaanan." Hindi siya tumigil na nag-uulit-ulit niyon hanggang sa nagsabi kami na kung sana siya ay natahimik na.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Al-Miqdām bin Ma`dīkarib (malugod si Allāh sa kanya), ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Kapag umibig ang tao sa kapatid niya, magpabatid siya rito na siya ay umiibig dito."Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā’īy sa Al-Kubrā, at Imām Aḥmad
Ayon kay Abe Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu: ((Kabilang sa pagdadakila kay Allah-Pagkataas-taas Niya:Ay ang paggalang sa matandang muslim,at sa nakapag-saulo ng Qur-an na hindi nagmamalabis dito,at [hindi] naglikas sa [pagbabasa] nito,at paggalang sa isang pinunong makatarungan))Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Nalalaman ba ninyo kung sino ang bangkarota?" Nagsabi sila: "Ang bangkarota sa amin ay ang walang dirham sa kanya at walang ari-arian." Nagsabi siya: "Tunay na ang bangkarota sa kalipunan ko ay ang sinumang darating sa Araw ng Pagkabuhay na may dalang dasal, ayuno, at zakāh. Darating siya samantalang nanlait kay ganito, nanirang-puri kay ganiyan, lumamon ng yaman ni ganoon, nagpadanak ng dugo ni ganito, at nanakit kay ganiyan. Kaya bibigyan si ganito mula sa mga magandang gawa niya at si ganiyan mula sa mga magandang gawa niya. Kaya kapag naubos ang mga magandang gawa niya bago mabayaran, kukuha mula sa mga kamalian nila at itatapon sa kanya. Pagkatapos ay itatapon siya sa Impiyerno."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Mu`ādh bin Anas, malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu:- (( Sinuman ang pumigil sa pagkagalit,na siya ay may kakayanan sa pagpapatupad nito,tatawagin siya ni Allah,napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas,sa harap ng mga nilalang sa Araw ng Pagkabuhay,upang papiliin siya mula sa magagandang babae [na mapapangasawa sa Paraiso],sa sinumang kanyang magustuhan))Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Umiwas kayo sa pitong tagapagpasawi." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, at ano po ang mga ito?" Nagsabi siya: "Ang pagtatambal kay Allāh, ang panggagaway, ang pagpatay sa kaluluwang ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa katwiran, ang pagkain ng patubo, ang pagkain ng yaman ng ulila, ang pagtalikod sa araw ng labanan, at ang paninirang-puri sa mga malinis na nakapag-asawang babae, na mga mananampalataya, na mga inosente."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abē Hurayrah malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu-((Katotohanang si Allah-Pagkataas-taas Niya-ay magwiwika sa Araw ng Pagkabuhay:Nasaan ang mga nagmamahalan sa Kadakilaan Ko?Sa araw na ito ay pasisilungin ko sila sa Aking Silong,Araw na Walang masisilungan maliban sa Silong Ko))Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Sulaymān bin Ṣurad (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ako minsan ay nakaupo kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang may dalawang lalaking nag-aalipustaan. Ang isa sa kanila ay namula ang mukha niya at namintog ang mga ugat niya sa leeg. Kaya naman nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ako ay talagang nakaaalam ng isang pangungusap na kung sakaling sinabi niya ay aalis palayo sa kanya ang ikinangingitngit niya. Kung sakaling nagsabi siya ng: A`ūdhu bi-llāhi mina -shhayṭān (Nagpapakupkop ako kay Allāh laban sa demonyo), maaalis palayo sa kanya ang ikinangingitngit niya." Kaya nagsabi sila rito: "Tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: Magpakapalakupkop ka kay Allāh laban sa demonyo." Kaya nagsabi ito: "Sa akin kaya ay may kabaliwan?"}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Naawa si Allāh sa isang lalaking mapagparaya kapag nagtinda, kapag bumili, at kapag naningil."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "May isang lalaki noon na nagpapautang sa mga tao saka siya noon ay nagsasabi sa utusan niya: 'Kapag pumunta ka sa isang nagigipit, magpaumanhin ka sa kanya nang harinawa si Allāh ay magpaumanhin sa atin.' Makikitagpo siya kay Allāh saka magpapaumanhin Ito sa kanya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ginawa ni Allāh ang awa na isang daang bahagi at pinanatili Niya sa piling Niya ang siyamnapu't siyam. Nagpababa Siya sa lupa ng iisang bahagi. Mula sa bahaging iyon nag-aawaan ang mga nilikha hanggang sa nag-aangat ang hayop ng paa nito palayo sa anak nito sa takot na masagi ito." Sa isang sanaysay: "Tunay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay may isang daang awa. Nagpababa Siya mula sa mga ito ng iisang awa sa pagitan ng jinn at tao, at ng mga hayop at mga kulisap. Kaya sa pamamagitan nito nagdadamayan sila, sa pamamagitan nito nag-aawaan sila, at sa pamamagitan nito dumadamay ang mabangis na hayop sa anak nito. Ipinagpaliban ni Allāh, pagkataas-taas Niya, ang siyamnapu't siyam na awa na maaawa Siya sa pamamagitan ng mga ito sa Araw ng Pagkabuhay." Ayon kay Salmān Al-Fārisīy, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Tunay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay may isang daang awa. Mula sa mga ito ay isang awa na nag-aawaan sa pamamagitan nito ang mga nilikha sa pagitan nila at siyamnapu't siya para sa Araw ng Pagkabuhay." Sa isang sanaysay: "Tunay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay lumikha nang araw na nilikha Niya ang mga langit at ang lupa ng isang daang awa: bawat awa ay taklob sa pagitan ng langit hanggang sa lupa. Naglagay Siya mula sa mga ito sa lupa ng isang awa. Sa pamamagitan nito dumadamay ang ina sa anak nito, at ang mga mabangis na hayop at ang mga ibon sa isa't isa. Kapag Araw ng Pagkabuhay, lulubusin Niya ang mga iyon sa pamamagitan ng awang ito."Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kina Abū Dharr Jundub bin Junādah at Abū `Abdirraḥmān Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Mangilag kang magkasala kay Allāh nasaan ka man naging. Pasundan mo ang gawang masagwa ng gawang maganda na papawi rito. Umasal ka sa mga tao sa isang magandang kaasalan."}Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy
Ayon kay An-Nawās bin Sam`ān Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagtanong ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pagsasamabuting-loob at kasalanan, kaya nagsabi siya: "Ang pagsasamabuting-loob ay ang kagandahan ng asal. Ang kasalanan ay ang anumang lumigalig sa dibdib mo at nasuklam ka na makabatid niyon ang mga tao."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong mag-inggitan. Huwag kayong magpataasan sa tawad. Huwag kayong magmuhian. Huwag kayong magtalikuran. Huwag magtinda ang ilan sa inyo bilang panunulot sa pagtitinda ng iba pa. Maging mga lingkod kayo ni Allāh bilang magkakapatid. Ang Muslim ay kapatid ng Muslim. Hindi siya nang-aapi nito. Hindi siya nagkakanulo nito. Hindi siya nanghahamak nito. Ang pangingilag magkasala ay narito." Tumuturo siya sa dibdib niya nang tatlong ulit. "Nasa kasapatan sa isang tao bilang kasamaan na manghamak siya ng kapatid niyang Muslim. Ang lahat sa Muslim sa kapwa Muslim ay bawal labagin: ang dugo niya, ang ari-arian niya, at ang dangal niya."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {May isang lalaking nagsabi sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magtagubilin ka po sa akin." Nagsabi siya: "Huwag kang magalit." Kaya umulit ito nang makailan. Nagsabi siya: "Huwag kang magalit."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Hindi natutuklaw ang Mananampalataya mula sa iisang lungga nang dalawang ulit."Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Jarīr (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang pinagkaitan ng kabaitan, pinagkaitan siya ng kabutihan."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Ako noon ay naglalakad kasama ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, habang.nakasuot siya ng isang balabal na Najrāno na makapal ang gilid. Naabutan siya ng isang arabeng disyerto. Hinatak nito siya sa balabal niya nang matinding hatak kaya nakita ko ang gilid ng balikat ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at bumakat nga doon ang gilid ng balabal dahil sa tindi ng hatak nito. Pagkatapos ay nagsabi ito: O Muḥammad, mag-utos ka para sa akin na bigyan ako mula sa yaman ni Allah na nasa iyo. Kaya lumingon siya rito at tumawa. Pagkatapos ay nag-utos siya na bigyan ito."Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kung sakaling nagkaroon ang anak ni Adan ng dalawang lambak ng yaman, talaga sanang naghangad siya ng ikatlong lambak. Hindi nakapupuno sa sikmura ng anak ni Adan kundi ang alabok. Tumatanggap si Allāh ng pagbabalik-loob ng sinumang nagbalik-loob."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Ibn `Umar, malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu: ((Ang kawalan ng katarungan ay dilim sa Araw ng Pagkabuhay)) Ayon kay Jaber-maalugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu: ((Mangilag kayo sa kawalan ng katarungan sapagkat ang kawalan ng katarungan ay dilim sa Araw ng Pagkabuhay,Mangilag kayo sa pagiging maramot,sapagkat dahil dito kaya nalipon ang mga nauna sa inyo))Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Kaingat kayo sa pagpapalagay sapagkat tunay na ang pagpapalagay ay pinakasinungaling na pag-uusap. Huwag kayong maghanap ng kasiraan, huwag kayong maniktik, huwag kayong mag-inggitan, huwag kayong magtalikuran, at huwag kayong magmuhian. Maging mga lingkod ni Allāh kayo bilang magkakapatid."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang pang-aalipusta sa Muslim ay kasuwailan at ang pakikipaglaban sa kanya ay kawalang-pananampalataya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Dharr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi sa akin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag ka ngang magmamaliit mula sa nakabubuti ng anuman, kahit man lamang na sumalubong ka sa kapatid mo nang may maaliwalas na mukha."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim