TL
Ang Fiqh ng Etika
Ang Etikang Kapula-pula
21 hadiths
Ang Etikang Kapuri-puri
35
Ang Etikang Kapula-pula
21
21 hadiths
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nagtipon si Allāh sa mga una at mga huli sa Araw ng Pagbangon, may iaangat para sa bawat traidor na isang watawat saka sasabihin: Ito ay katraiduran ni Polano na anak ni Polano."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Bakrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ba ako magbabalita sa inyo ng pinakamalaki sa malalaking kasalanan?" nang makatatlo. Nagsabi sila: "Opo, O Sugo ni Allāh." Nagsabi siya: "Ang pagtatambal kay Allāh at ang kasutilan sa mga magulang." Umupo siya. Siya kanina ay nakasandal, saka nagsabi siya: "Pansinin, ang pagsasabi ng kabulaanan." Hindi siya tumigil na nag-uulit-ulit niyon hanggang sa nagsabi kami na kung sana siya ay natahimik na.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Nalalaman ba ninyo kung sino ang bangkarota?" Nagsabi sila: "Ang bangkarota sa amin ay ang walang dirham sa kanya at walang ari-arian." Nagsabi siya: "Tunay na ang bangkarota sa kalipunan ko ay ang sinumang darating sa Araw ng Pagkabuhay na may dalang dasal, ayuno, at zakāh. Darating siya samantalang nanlait kay ganito, nanirang-puri kay ganiyan, lumamon ng yaman ni ganoon, nagpadanak ng dugo ni ganito, at nanakit kay ganiyan. Kaya bibigyan si ganito mula sa mga magandang gawa niya at si ganiyan mula sa mga magandang gawa niya. Kaya kapag naubos ang mga magandang gawa niya bago mabayaran, kukuha mula sa mga kamalian nila at itatapon sa kanya. Pagkatapos ay itatapon siya sa Impiyerno."
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Umiwas kayo sa pitong tagapagpasawi." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, at ano po ang mga ito?" Nagsabi siya: "Ang pagtatambal kay Allāh, ang panggagaway, ang pagpatay sa kaluluwang ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa katwiran, ang pagkain ng patubo, ang pagkain ng yaman ng ulila, ang pagtalikod sa araw ng labanan, at ang paninirang-puri sa mga malinis na nakapag-asawang babae, na mga mananampalataya, na mga inosente."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Sulaymān bin Ṣurad (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ako minsan ay nakaupo kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang may dalawang lalaking nag-aalipustaan. Ang isa sa kanila ay namula ang mukha niya at namintog ang mga ugat niya sa leeg. Kaya naman nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ako ay talagang nakaaalam ng isang pangungusap na kung sakaling sinabi niya ay aalis palayo sa kanya ang ikinangingitngit niya. Kung sakaling nagsabi siya ng: A`ūdhu bi-llāhi mina -shhayṭān (Nagpapakupkop ako kay Allāh laban sa demonyo), maaalis palayo sa kanya ang ikinangingitngit niya." Kaya nagsabi sila rito: "Tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: Magpakapalakupkop ka kay Allāh laban sa demonyo." Kaya nagsabi ito: "Sa akin kaya ay may kabaliwan?"}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kung sakaling nagkaroon ang anak ni Adan ng dalawang lambak ng yaman, talaga sanang naghangad siya ng ikatlong lambak. Hindi nakapupuno sa sikmura ng anak ni Adan kundi ang alabok. Tumatanggap si Allāh ng pagbabalik-loob ng sinumang nagbalik-loob."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Ibn `Umar, malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu: ((Ang kawalan ng katarungan ay dilim sa Araw ng Pagkabuhay)) Ayon kay Jaber-maalugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu: ((Mangilag kayo sa kawalan ng katarungan sapagkat ang kawalan ng katarungan ay dilim sa Araw ng Pagkabuhay,Mangilag kayo sa pagiging maramot,sapagkat dahil dito kaya nalipon ang mga nauna sa inyo))
Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Kaingat kayo sa pagpapalagay sapagkat tunay na ang pagpapalagay ay pinakasinungaling na pag-uusap. Huwag kayong maghanap ng kasiraan, huwag kayong maniktik, huwag kayong mag-inggitan, huwag kayong magtalikuran, at huwag kayong magmuhian. Maging mga lingkod ni Allāh kayo bilang magkakapatid."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang pang-aalipusta sa Muslim ay kasuwailan at ang pakikipaglaban sa kanya ay kawalang-pananampalataya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
عن عبد الله بن عمرو بن العاص رضي الله عنهما أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: «من الكبائر شَتْمُ الرجل والديه» قيل: وهل يسبّ الرجل والديه؟ قال: «نعم، يسبّ أبا الرجل فيسبّ أباه، ويسبّ أمّه، فيسبّ أمّه».
متفق عليه
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Tunay na ang pinakakasuklam-suklam sa mga lalaki para kay Allāh ay ang pinakapalaban sa mga kaalitan."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Ad-Dardā' (malugod si Allāh sa kanya): {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na ang mga palasumpa ay hindi magiging mga saksi ni mga tagapamagitan sa Araw ng Pagbangon."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Mangilag kayo sa kawalang-katarungan sapagkat tunay na ang kawalang-katarungan ay mga kadiliman sa Araw ng Pagbangon. Mangilag kayo sa kasakiman sapagkat tunay na ang kasakiman ay nagpasawi sa mga bago ninyo, na nagbuyo sa kanila na nagpadanak sila ng mga dugo nila at nagturing sila ng pagpapahintulot sa mga ipinagbawal sa kanila."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay talagang nagpapalugit sa tagalabag ng katarungan; hanggang sa nang dumaklot Siya rito, hindi Siya magpapalusot dito." Pagkatapos bumigkas siya (Qur'ān 11:102): {Gayon ang pagdaklot ng Panginoon mo nang dumaklot Siya sa mga pamayanan samantalang ang mga ito ay lumalabag sa katarungan. Tunay na ang pagdaklot Niya ay masakit, matindi.}}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abē Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Sa Hadith na Marfū-" Habang ang isang ay naglalakad sa (napakaganda nitong) damit,namamangha ito sa sarili niya,nasuklay ang buhok niya,Kaya't pinapangyari ni Allah na lagumin siya (ng lupa), at siya ay malulubog sa ilalim ng lupa hanggang sa Araw ng Pagkabuhay"
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsabi: "Hindi papasok sa Paraiso ang sinumang sa puso niya ay may kasimbigat ng butil ng alikabok na pagmamalaki." Nagsabi ang isang lalaki: "Tunay na ang tao ay ibig na ang damit niya ay maganda at ang sapatos niya ay maganda." Nagsabi siya: "Tunay na si Allah ay maganda na naiibigan ang kagandahan. Ang pagmamalaki ay ang pagwawalang-bahala sa katotohanan at ang pag-aalipusta sa mga tao."
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kina Samurah bin Jundub at Al-Mughīrah bin Shu`bah (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagsanaysay tungkol sa akin sa isang ḥadīth, na nakikita na ito ay isang kasinungalingan, siya ay isa sa mga sinungaling."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim sa Muqaddimah Niya
Ayon kay Hishām bin Ḥakīm bin Ḥizām (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Siya ay naparaan sa mga taong kabilang sa mga Nabateyo sa Sirya, na pinatayo nga sa ilalim ng araw. Kaya naman nagsabi siya: "Ano ang pumapatungkol sa kanila?" Nagsabi sila: "Ikinulong sila dahil sa jizyah." Kaya nagsabi si Ḥakīm: "Sumasaksi ako, talagang nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: Tunay na si Allāh ay magdudulot ng pagdurusa sa mga nagdudulot ng pagdurusa sa mga tao sa Mundo."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi titingin ang lalaki sa kahubaran ng lalaki, ni ang babae sa kahubaran ng babae. Hindi tatabi ang lalaki sa lalaki sa iisang kumot, ni tatabi ang babae sa babae sa iisang kumot."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagsinungaling laban sa akin nang nananadya ay lumuklok siya sa upuan niya mula sa Impiyerno."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
أَنَّ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ مَرَّ عَلَى صُبْرَةِ طَعَامٍ فَأَدْخَلَ يَدَهُ فِيهَا، فَنَالَتْ أَصَابِعُهُ بَلَلًا فَقَالَ: «مَا هَذَا يَا صَاحِبَ الطَّعَامِ؟» قَالَ أَصَابَتْهُ السَّمَاءُ يَا رَسُولَ اللهِ، قَالَ: «أَفَلَا جَعَلْتَهُ فَوْقَ الطَّعَامِ كَيْ يَرَاهُ النَّاسُ؟ @مَنْ غَشَّ فَلَيْسَ مِنِّي».
رواه مسلم