Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:

Available in 60 languages
«Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi titingin ang lalaki sa kahubaran ng lalaki, ni ang babae sa kahubaran ng babae. Hindi tatabi ang lalaki sa lalaki sa iisang kumot, ni tatabi ang babae sa babae sa iisang kumot."}»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na tumingin ang lalaki sa kahubaran ng lalaki o tumingin ang babae sa kahubaran ng babae. Ang kahubaran (`awrah) ay ang bawat ikahihiya kapag nalantad. Ang kahubaran ng lalaki ay ang nasa pagitan ng pusod niya at tuhod niya. Ang babae sa kabuuan niya ay kahubaran hinggil sa pagkakaugnay sa mga lalaking estranghero. Hinggil sa pagkakaugnay sa mga babae at sa mga maḥram niya, tunay na siya ay makapaglalantad ng nalalantad ayon sa nakahiratian sa sandali ng trabaho niya sa bahay. Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na makisukob ang lalaki sa lalaki sa iisang kumot o sa ilalim ng iisang panakip habang mga nakahubad o na makisukob ang babae sa babae sa iisang kumot o sa ilalim ng iisang panakip habang mga nakahubad dahil iyon ay maaaring mauwi sa pagkasaling ng bawat isa sa kanilang dalawa sa kahubaran ng kasamahan niya. Ang pagsaling ng `awrah ay sinasaway gaya ng pagtingin dito; bagkus ito ay higit na matindi sa pagkasaway dahil nauuwi iyon sa mga katiwaliang higit na malaki.

Source
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Download image

Saved at original quality