TL
Ang mga Kaasalang Ayon sa Sharī`ah
Ang mga Kaasalan sa Kasuutan
8 hadiths
Ang mga Kaasalan ng Maalam at Mag-aaral
6
Ang mga Kaasalan ng Pagbigkas ng Marangal na Qur'ān
1
Ang mga Kaasalan ng Pagbati at Pagpaalam
9
Ang mga Kaasalan ng Pagsasalita at Pananahimik
12
Ang mga Kaasalan ng Pagkain at Pag-inom
11
Ang mga Kaasalan at mga Patakaran ng Paglalakbay
4
Ang mga Kaasalan ng Pagtulog at Paggising
3
Ang mga Kaasalan sa Panaginip
2
Ang mga Kaasalan ng Pagdalaw at Pagpaalam
3
Ang mga Kaasalan ng Pagbahin at Paghikab
3
Ang mga Kaasalan ng Pagdalaw sa Maysakit
5
Ang mga Kaasalan sa Kasuutan
8
8 hadiths
Ayon kay `Abdurraḥmān bin Abī Laylā: {Sila minsan ay nasa piling ni Ḥudhayfah saka humiling siya ng tubig. Kaya may nagbigay naman sa kanya na isang Mago; ngunit noong inilagay nito ang tasa sa kamay niya, itinapon niya iyon at nagsabi siya: "Kung hindi dahil na ako ay sumaway sa kanya nang hindi isang ulit ni dalawang ulit." Para bang siya ay nagsasabi: "hindi sana ako gumawa nito; subalit ako ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: Huwag kayong magsuot ng manipis na sutla ni makapal na sutla. Huwag kayong uminom sa isang lalagyang yari sa ginto at pilak at huwag kayong kumain sa mga platong yari sa mga ito sapagkat tunay na ang mga ito ay para sa kanila sa Mundo at para sa atin sa Kabilang-buhay."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Umar (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagsuot ng sutla sa Mundo ay hindi magsusuot nito sa Kabilang-buhay."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-((Kapag kayo ay nagsuot ng damit,at kapag kayo ay nagsagawa ng wudhu,magsimula kayo sa inyong kanan))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay `Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu: ((Kapag nagsuot ng tsinelas [o sapatos] ang isa sa inyo,simulan niya ito sa kanan,at kapag tinanggal niya ito,simulan niya ito sa kaliwa;at sikapin na ang kanan ang siyang maging una sa pagsuot at ang iba nito ay sa pagtanggal))
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi titingin si Allāh sa sinumang kumakaladkad ng kasuutan niya dala ng kapalaluan."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abē Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Sa Hadith na Marfū-" Habang ang isang ay naglalakad sa (napakaganda nitong) damit,namamangha ito sa sarili niya,nasuklay ang buhok niya,Kaya't pinapangyari ni Allah na lagumin siya (ng lupa), at siya ay malulubog sa ilalim ng lupa hanggang sa Araw ng Pagkabuhay"
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi titingin ang lalaki sa kahubaran ng lalaki, ni ang babae sa kahubaran ng babae. Hindi tatabi ang lalaki sa lalaki sa iisang kumot, ni tatabi ang babae sa babae sa iisang kumot."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magsuot kayo mula sa mga puting kasuutan ninyo sapagkat tunay na ang mga ito ay kabilang sa pinakamabuti sa mga kasuutan ninyo. Magbalot kayo sa mga ito ng mga patay ninyo."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām Ibnu Mājah