Hadith for the World
Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Ang mga Kaasalang Ayon sa Sharī`ah

67 hadiths

67 hadiths

Ayon kay `Abdurraḥmān bin Abī Laylā: {Sila minsan ay nasa piling ni Ḥudhayfah saka humiling siya ng tubig. Kaya may nagbigay naman sa kanya na isang Mago; ngunit noong inilagay nito ang tasa sa kamay niya, itinapon niya iyon at nagsabi siya: "Kung hindi dahil na ako ay sumaway sa kanya nang hindi isang ulit ni dalawang ulit." Para bang siya ay nagsasabi: "hindi sana ako gumawa nito; subalit ako ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: Huwag kayong magsuot ng manipis na sutla ni makapal na sutla. Huwag kayong uminom sa isang lalagyang yari sa ginto at pilak at huwag kayong kumain sa mga platong yari sa mga ito sapagkat tunay na ang mga ito ay para sa kanila sa Mundo at para sa atin sa Kabilang-buhay."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Umar (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagsuot ng sutla sa Mundo ay hindi magsusuot nito sa Kabilang-buhay."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abē Wāqed Al-Hārith bin 'Awf -malugod si Allah sa kanya-Tunay na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang siya ay naka-upo sa loob ng Masjid,dumating sa kanya ang tatlong kalalakihan,lumapit ang dalawa sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at umalis ang isa.Tumayo ang dalawa sa Halaqah ng Sugo ni Allah -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- Ang isa kanila ay nakakita ng bakante sa Halaqah,kaya umupo siya rito,at ang ikalawa ay umupo sa likod nila,at ikatlo ay tumalikod at umalis.At nang matapos ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya:(( Gusto ba ninyong sabihin ko sa inyo ang tungkol sa tatlong kalalakihan?:Ang isa sa kanila ay umupo [upang makinig sa pag-aalaala] sa Allah,Kaya't ipinagkaloob ni Allah sa kanya [ Ang kainaman at gantimpala ng pag-upong ito], At ang iba naman ay nahiya, Kaya't Nahiya si Allah sa kanya,habang ang iba naman ay tumalikod, Kaya't tinalikuran din siya ni Allah))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Al-Mughīrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ako minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang paglalakbay saka bumaba ako upang magtanggal ng khuff niya ngunit nagsabi siya: "Hayaan mo iyan sapagkat tunay na ako ay nagpasok niyan [sa paa] habang dalisay pa." Kaya nagpahid siya rito.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Al-Miqdām bin Ma`dīkarib (malugod si Allāh sa kanya), ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Kapag umibig ang tao sa kapatid niya, magpabatid siya rito na siya ay umiibig dito."Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā’īy sa Al-Kubrā, at Imām Aḥmad
Si Ibnu Umar malugod si Allah sa kanilang dalawa ay nagsasabi sa lalaki kapag inibig nitong maglakbay; Lumapit ka sa akin upang ipagtagubilin kita tulad nang nang ginagawa ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan kapag nagtagubilin siya amin;Sinasabi niya;(( Ipinagtatagubilin ko kay Allah ( sa pangangalaga niya) ang Relihiyon mo,at ang Katapatan mo,at mga Huling Gawain mo)).At ayon kay Abdullah bin Yazed Al-Khatamie-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi: Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag inibig niyang magtagubilin sa mga sandatahang-hukbo`y,sinasabi niya;((Ipinagtatagubilin ko kay Allah ( sa pangangalaga niya) ang Relihiyon ninyo,at ang Katapatan ninyo,at mga Huling Gawain ninyo))Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya-Tinanong niya ang Sugo ni Allah-pagpalaain siya ni Allah at pangalagaan-tungkol sa epidemya,Sinabi niya sa kanya na ito ay parusang ipinadala ni Allah-Pagkataas-taas Niya-sa sinumang kanyang naisin,Ginawa ni Allah-Pagkataas-taas Niya-na ito ay Habag para sa mga mananampalataya,walang isang alipin na malalagay [sa isang lugar na] may epidemya,at mananatili siya sa lugar niya na may pagtitimpi at paghahangad sa gantimpala [ni Allah],nalalaman niya na walang tumatama sa kanya maliban sa ito ay nakatadhana ni Allah sa kanya,maliban sa mapapasakanya ang tulad ng gantimpala ng isang martir.Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-((Kapag kayo ay nagsuot ng damit,at kapag kayo ay nagsagawa ng wudhu,magsimula kayo sa inyong kanan))Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Jundub bin Abdillāh, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "May nagsabing lalaki: Sumpa man kay Allāh, hindi magpapatawad si Allāh kay Polano. Kaya nagsabi si Allāh: Sino itong nanunumpa sa Akin na hindi Ako magpapatawad kay Polano? Tunay na Ako ay nagpatawad na sa kanya at nagpabagsak sa gawa mo." Sa isang ḥadīth ayon kay Abū Hurayrah: Ang nagsasabi ay isang lalaking mananamba. Nagsabi si Abū Hurayrah: "Nagsalita siya ng isang pangungusap na nagpahamak sa Mundo niya at Kabilang-buhay niya."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
عن أبي هريرة رضي الله عنه أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: «إذا عَطَسَ أَحَدُكُم فَلْيَقُل: الحَمْدُ للهِ، وَلْيَقُلْ لَهُ أَخُوهُ أو صاحبُهُ: يَرْحَمُكَ الله، فإذا قال له: يرحمك الله، فَلْيَقُلْ: يَهْدِيكُم الله ويُصْلِحُ بَالَكُم».رواه البخاري
Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na MArfu: ((Sinuman ang bumisita ng may sakit o bumisita sa kapatid niya [ sa pananampalataya] para sa kaluguran ni Allah,Mananawagan sa kanya ang Anghel nang:Naging dalisay ka,at naging dakila ang iyong gantimpala,at gumawa ka ng iyong tahanan sa Paraiso))Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya-Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag siya ay nagsalita,inuulit niya ito sa tatlong beses nang sa ganoon ay maunwaan ito,At kapag dumating siya sa mga tao at bumati siya ,Bumabati siya sa kanila ng tatlong beses.Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Tunay na ang tao ay talagang nagsasalita ng pananalitang hindi siya nakatitiyak hinggil doon, na ikatitisod niya sa Impiyerno na higit na malayo kaysa sa pagitan ng silangan at kanluran."Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Kapag nakitagpo ang isa sa inyo sa kapatid niya, bumati siya rito; ngunit kung may nakaharang sa pagitan nilang dalawa na isang punong-kahoy o isang pader o isang bato pagkatapos nakatagpo niya ito, bumati rin siya rito."}Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud
Ayon kay Abū Qatādah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mabuting panaginip ay mula kay Allāh at ang masamang panaginip ay mula sa Demonyo. Kaya kapag nanaginip ang isa sa inyo ng isang panaginip na pinangangambahan niya, dumura siya sa dakong kaliwa niya at magpakapalakupkop siya kay Allāh laban sa kasamaan nito kaya tunay na ito ay hindi makapipinsala sa kanya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abe Hurayrah,buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi: (( Katotohanan sa isang alipin na nagsasalita ng pananalita mula sa ikalulugod ni Allah Pagkataas-taas Niya,hindi niya ito isinasaalang-alang,(hanggang) sa itinataas siya ni Allah dahil dito sa mga matataas na antas,at katotohanan,sa isang alipin na nagsasalita ng pananalita mula sa pagkapoot ni Allah Pagkataas-taas Niya,hindi niya ito isinasaalang-alang,ibaba siya dahil rito sa Impiyerno)) At ayon kay Abdurrahman Bilal bin Al-Harith Al-Muznie-malugod si Allah sa kanya-Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan--ay nagsabi;(( Katotohanan,sa isang lalaki na nagsasalita ng pananalita mula sa ikalulugod ni Allah Pagkataas-taas Niya,Hindi niya ina-akala na siya ay aabot sa anumang kanyang inabot,Isinusulat sa kanya ni Allah rito ang pagkalugod Niya hanggang sa Araw na pagharap Niya sa kanya,at Katotohanan,sa isang lalaki na nagsasalita ng pananalita mula sa pagkapoot ni Allah Pagkataas-taas Niya,Hindi niya ina-akala na siya ay aabot sa anumang kanyang inabot,Isinusulat sa kanya ni Allah rito ang pagkapoot Niya hanggang sa Araw na pagharap Niya sa kanya))Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Isinaysay ito ni Imām Mālik
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Na may isang Arabeng disyerto na pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, gabayan mo ako sa isang gawaing kapag ginawa ko ay papasok ako sa Paraiso." Nagsabi siya: "Sasamba ka kay Allāh nang hindi ka nagtatambal sa Kanya ng anuman, magpapanatili ka ng pagdarasal, magbibigay ka ng zakāh na isinatungkulin, at mag-aayuno ka sa Ramaḍān." Nagsabi ito: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, hindi ako magdaragdag ng higit diyan." Kaya noong tumalikod ito, nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang pinagalak na tumingin sa isang lalaking kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso, tumingin siya diyan."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang karapatan ng Muslim sa Muslim ay lima: ang pagtugon sa pagbati, ang pagdalaw sa maysakit, ang pagdalo sa libing, ang pagtugon sa paanyaya, at ang pagsambit ng tashmīt sa bumahin."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang nakakita sa akin sa panaginip ay makikita niya ako sa pagkagising, o para bang nakita niya ako sa pagkagising; hindi lumilitaw ang Demonyo sa anyo ko."Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Waḥshīy bin Ḥarb (malugod si Allāh sa kanya): {Sila ay nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na kami ay kumakain at hindi nabubusog." Nagsabi siya: "Kaya baka kayo ay mga nagkakahiwa-hiwalay?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya magsama-sama kayo sa pagkain ninyo at bumanggit kayo ng pangalan ni Allāh dito, magpapala Siya sa inyo rito."}Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Babati ang nakasakay sa naglalakad, ang naglalakad sa nakaupo, at ang kaunti sa marami."} Batay kay Imām Al-Bukhārīy: "Babati ang nakababata sa nakatatanda, ang dumaraan sa nakaupo, at ang kaunti sa marami."Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ipinahihintulot para sa isang babaing Muslim na maglakbay ng isang distansiya ng isang gabi [na paglalakbay] malibang kapag may kasama sa kanya na isang lalaking may pagkamaḥram sa kanya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Mula kay Abū Hurayrah -(malugod si Allah sa kanya)-: "Hindi kailan man kinadustaan ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ang anumang pagkain, kung ito'y kinagagalakan niya ay kakainin niya, at kung ito'y kinasusuklaman niya ito'y iiwan niya".Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag humikab ang isa sa inyo, magpigil siya sa pamamagitan ng kamay niya sa bibig niya sapagkat tunay na ang demonyo ay pumapasok."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim