67 hadiths
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, siya ay nagsabi kay Thābit, kaawaan siya ni Allāh: "Hindi ko ba bibigkasin sa iyon ang ruqyah ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Allāhumma, rabba -nnāsi, mudhhibal ba'si, ishfi anta -shshāfī lā shāfiya illā anta shifā'an lā yughādiru suqmā (O Allāh, Panginoon ng mga tao, tagapag-alis ng kapinsalaan, magpagaling Ka, Ikaw ang Tagapagpagaling: walang tagapagpagaling kundi Ikaw, pagpapagaling na hindi nag-iiwan ng karamdaman)."Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Anas bin Mālik at Jābir bin `Abdillāh, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, ayon sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Siya noon, kapag kumain ng isang pagkain, ay dumidila sa tatlong daliri niya. Sinabi: At nagsabi siya: "Kapag bumagsak ang mumo ng isa sa inyo ay alisin niya rito ang dumi, kainin niya ito, at huwag niyang iwan ito sa demonyo." Ipinag-utos niya na saidin ang [laman ng] plato. Nagsabi siya: "Sapagkat tunay na kayo ay hindi nakaaalam kung nasa alin sa pagkain ninyo ang biyaya." Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsabi: "Tunay na ang demonyo ay dumadalo sa isa sa inyo sa sandali ng bawat pangyayari sa gawain niya hanggang sa dumadalo ito sa sandali ng pagkain niya. Kaya kapag bumagsak ang mumo ng isa sa inyo ay pulutin niya ito, alisin niya rito ang anumang duming kumapit dito, pagkatapos ay kainin niya ito, at huwag niyang iwan ito sa demonyo. Kapag natapos siya ay dinidilaan niya ang mga daliri niya sapagkat tunay na hindi niya nalalaman kung nasa alin sa pagkain niya ang biyaya."Isinaysay ito ni Imam Muslim sa dalawang salaysay niya
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Kami noon, kapag umakyat kami, ay nagdadakila, at kapag bumaba kami, ay nagluluwalhati." Ayon kay Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at ang mga hukbo niya noon, kapag pumaitaas sa mga daan [sa bundok], ay nagdadakila, at kapag bumaba, ay nagluluwalhati."Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud