Hadith for the World
Ang mga Kaasalang Ayon sa Sharī`ah

Ang mga Kaasalan ng Pagdalaw sa Maysakit

5 hadiths

5 hadiths

Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na MArfu: ((Sinuman ang bumisita ng may sakit o bumisita sa kapatid niya [ sa pananampalataya] para sa kaluguran ni Allah,Mananawagan sa kanya ang Anghel nang:Naging dalisay ka,at naging dakila ang iyong gantimpala,at gumawa ka ng iyong tahanan sa Paraiso))Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang karapatan ng Muslim sa Muslim ay lima: ang pagtugon sa pagbati, ang pagdalaw sa maysakit, ang pagdalo sa libing, ang pagtugon sa paanyaya, at ang pagsambit ng tashmīt sa bumahin."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, siya ay nagsabi kay Thābit, kaawaan siya ni Allāh: "Hindi ko ba bibigkasin sa iyon ang ruqyah ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Allāhumma, rabba -nnāsi, mudhhibal ba'si, ishfi anta -shshāfī lā shāfiya illā anta shifā'an lā yughādiru suqmā (O Allāh, Panginoon ng mga tao, tagapag-alis ng kapinsalaan, magpagaling Ka, Ikaw ang Tagapagpagaling: walang tagapagpagaling kundi Ikaw, pagpapagaling na hindi nag-iiwan ng karamdaman)."Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Thawbān, malugod si Allah sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsabi: "Tunay na ang Muslim, kapag dumalaw siya sa kapatid niyang Muslim, ay hindi matitigil sa pamimitas sa Paraiso hangang sa makauwi siya." Sinabi: "O Sugo ni Allah, ano po ang pamimitas sa Paraiso?" Nagsabi siya: "Ang pangunguha ng bunga roon."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Narinig ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsasabi: Walang Muslim na dumadalaw sa isang Muslim na maysakit sa umaga malibang dadalangin ng pagpapala para sa kanya ang pitumpong libong anghel hanggang sa gumabi. Kung dinalaw niya ito sa gabi, dadalangin ng pagpapala para sa kanya ang pitumpong libong anghel hanggang sa mag-umaga. Magkakaroon siya ng isang hardin sa Paraiso."Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad