TL
Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan
Ang Fiqh ng Etika
56 hadiths
Ang Etikang Kapuri-puri
35
Ang Etikang Kapula-pula
21
56 hadiths
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang matipuno ay hindi sa pagbuno; tanging ang matipuno ay ang nagpipigil ng sarili niya sa sandali ng pagkagalit."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Mas`ūd Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Tunay na ako ay nawalan ng masasakyan kaya magpasakay ka sa akin." Kaya nagsabi siya: "Wala akong taglay." Kaya may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, ako ay gagabay sa kanya sa sinumang magsasakay sa kanya." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh: "Ang sinumang gumabay sa isang kabutihan, ukol sa kanya ang tulad sa pabuya ng tagagawa nito."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
عن عبد الله بن عمرو بن العاص رضي الله عنهما أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: «من الكبائر شَتْمُ الرجل والديه» قيل: وهل يسبّ الرجل والديه؟ قال: «نعم، يسبّ أبا الرجل فيسبّ أباه، ويسبّ أمّه، فيسبّ أمّه».
متفق عليه
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay magsabi siya ng mabuti o manahimik siya. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay magparangal siya sa kapitbahay niya. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay magparangal siya sa panauhin niya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Jarīr bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang hindi naaawa sa mga tao ay hindi maaawa sa kanya si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan)."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Tunay na ang pinakakasuklam-suklam sa mga lalaki para kay Allāh ay ang pinakapalaban sa mga kaalitan."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tinanong ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pinakamadalas magpapapasok sa mga tao sa Paraiso, kaya naman nagsabi siya: "Ang pangingilag magkasala kay Allāh at ang kagandahan ng kaasalan." Tinanong siya tungkol sa pinakamadalas magpapapasok sa mga tao sa Impiyerno, kaya naman nagsabi siya: "Ang bibig at ang ari."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang mananampalataya ay salamin ng kapatid niyang mananampalataya."
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud
Ayon kay Abū Ad-Dardā' (malugod si Allāh sa kanya): {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na ang mga palasumpa ay hindi magiging mga saksi ni mga tagapamagitan sa Araw ng Pagbangon."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Iyāḍ bin Ḥimār na kapatid ng Angkan ng Mujāshi` (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tumayo sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw bilang isang mananalumpati saka nagsabi siya: (Binanggit ang ḥadīth at nasaad dito): "Tunay na si Allāh ay nagkasi sa akin na magpakumbaba kayo nang sa gayon walang magmayabang na isa man sa isa at walang lumabag na isa man laban sa isa."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Manatili kayo sa katapatan sapagkat tunay na ang katapatan ay pumapatnubay tungo sa pagsasamabuting-loob at tunay na ang pagsasamabuting-loob ay pumapatnubay tungo sa Paraiso. Hindi natitigil ang tao na nagpapakatapat at naghahangad ng katapatan hanggang sa itala siya sa ganang kay Allāh bilang napakatapat. Kaingat kayo sa pagsisinungaling sapagkat tunay na ang pagsisinungaling ay pumapatnubay tungo sa pagsasamasamang-loob at tunay na ang pagsasamasamang-loob ay pumapatnubay tungo sa Impiyerno. Hindi natitigil ang tao na nagsisinungaling at naghahangad ng kasinungalingan hanggang sa itala siya sa ganang kay Allāh bilang palasinungaling."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Ad-Dardā' (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang nagsanggalang sa dangal ng kapatid niya, magsasanggalang si Allāh sa mukha niya sa Apoy sa Araw ng Pagbangon."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Aḥmad
Ayon kay Sa`d bin Abī Waqqāṣ (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na si Allāh ay umiibig sa taong mapangilag magkasala na nakasasapat na mapagkubli."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Mangilag kayo sa kawalang-katarungan sapagkat tunay na ang kawalang-katarungan ay mga kadiliman sa Araw ng Pagbangon. Mangilag kayo sa kasakiman sapagkat tunay na ang kasakiman ay nagpasawi sa mga bago ninyo, na nagbuyo sa kanila na nagpadanak sila ng mga dugo nila at nagturing sila ng pagpapahintulot sa mga ipinagbawal sa kanila."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakalubos sa mga mananampalataya sa pananampalataya ay ang pinakamaganda sa kanila sa kaasalan. ِAng pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamabuti sa inyo sa mga kababaihan nila."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām Aḥmad
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya), na maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Tunay na ang kabanayaran ay hindi nagiging nasa isang bagay malibang gumagayak ito roon at hindi naaalis ito mula sa isang bagay malibang nagpapapangit ito roon."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na ang mananampalataya ay talagang makaaabot sa pamamagitan ng kagandahan ng kaasalan niya sa antas ng nag-aayuno na nagdarasal [pa sa gabi]."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām Aḥmad
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi naging mahalay ni nagpapakahalay. Siya noon ay nagsasabi: "Tunay na kabilang sa mga pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamaganda sa inyo sa mga kaasalan."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay talagang nagpapalugit sa tagalabag ng katarungan; hanggang sa nang dumaklot Siya rito, hindi Siya magpapalusot dito." Pagkatapos bumigkas siya (Qur'ān 11:102): {Gayon ang pagdaklot ng Panginoon mo nang dumaklot Siya sa mga pamayanan samantalang ang mga ito ay lumalabag sa katarungan. Tunay na ang pagdaklot Niya ay masakit, matindi.}}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Magpadali kayo at huwag kayong magpahirap, at magpagalak kayo at huwag kayong magpalayo ng loob."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abē Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Sa Hadith na Marfū-" Habang ang isang ay naglalakad sa (napakaganda nitong) damit,namamangha ito sa sarili niya,nasuklay ang buhok niya,Kaya't pinapangyari ni Allah na lagumin siya (ng lupa), at siya ay malulubog sa ilalim ng lupa hanggang sa Araw ng Pagkabuhay"
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Pakainin ninyo ang nagugutom, dalawin ninyo ang maysakit, at palayain ninyo ang bihag."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsabi: "Hindi papasok sa Paraiso ang sinumang sa puso niya ay may kasimbigat ng butil ng alikabok na pagmamalaki." Nagsabi ang isang lalaki: "Tunay na ang tao ay ibig na ang damit niya ay maganda at ang sapatos niya ay maganda." Nagsabi siya: "Tunay na si Allah ay maganda na naiibigan ang kagandahan. Ang pagmamalaki ay ang pagwawalang-bahala sa katotohanan at ang pag-aalipusta sa mga tao."
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kina Samurah bin Jundub at Al-Mughīrah bin Shu`bah (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagsanaysay tungkol sa akin sa isang ḥadīth, na nakikita na ito ay isang kasinungalingan, siya ay isa sa mga sinungaling."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim sa Muqaddimah Niya
Previous page
Page 2 of 3
Next page