TL
Ang mga Paglalarawang Pangkaasalan
Ang Pagkamapagbigay Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan
2 hadiths
Ang Pagkamapagbigay Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan
2
Ang Pagkamahiyain Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan
1
Ang Katapang Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan
1
Ang Kabaitan Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan
3
Ang Awa Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan
2
Ang Pagsasalita Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan
2
Ang Pagtawa Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan
1
Ang Pag-iyak Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan
1
Ang Pagtitimpi Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan
1
2 hadiths
Mula kay Abu said r.a: Katotohanan ang mga tao mula sa ansar ay nag-hingi sila sa Sugo ni Allah- pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- at kanya itong binigyan, at muli sila nag-hingi at kanya itong binigyan, hanggang sa naubos ang mayroon sa kanya, at sabi niya sa kanila nung ibinuwis niya ang lahat ng anu-ano nasa kamay niya: ((Kung ano mang kabutihan na mayroon ako hindi ko iyon ipag-kait sa inyo, at sino man ang humiling ng kalinisang-puri o kabanalan ipagkaloob ito sa kanya ng dakilang Allah, at sino man ang humiling ng tulong tutulungan siya ng dakilang Allah, at sino man ang humiling ng pag-timpi o pag-tiis para sa kanyang sarili pag-titiisin siya ng dakilang Allah, at kung ano man ang naibigay sa isang tao na maganda at napakaluwag yun ay ang sab'r (pag-timpi))).
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakagalante sa mga tao. Siya noon ay ang pinakagalante sa Ramaḍān kapag nakikipagtagpo sa kanya si Anghel Gabriel. Siya noon ay nakikipagtagpo rito sa bawat gabi ng Ramaḍān saka nakikipag-aralan siya rito ng Qur'ān. Kaya talagang ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakagalante sa kabutihan kaysa sa hanging isinugo.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito