Hadith for the World
Ang mga Paglalarawang Pangkaasalan

Ang Kabaitan Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan

3 hadiths

3 hadiths

Ayon kay Abē Hurayrah malugod si Allāh sa kanya-Tunay na ang isang lalaki ay dumating sa Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-naniningil ng utang sa kanya, naging mapusok siya sa kanya,kaya nagalit ang kanyang mga kasamahan.Nagsabi ang Sugo ni Allāh pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-:((Hayaan ninyo siya, sapagkat ang nagmamay-ari ng karapatan ay may katuwiran)) Pagkatapos ay Nagsabi siyang:((Bigyan ninyo siya ng kamelyong kasing gulang ng kamelyo niya))Nagsabi sila:O Sugo ni Allāh! Wala kaming natagpuan maliban sa mas mataas sa gulang [ng kamelyo niya], Nagsabi siya:((Ibigay ninyo ito sa kanya, sapagkat ang pinakamainam sa inyo,yaong pinakamabuti sa inyo magbayad))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Ako noon ay naglalakad kasama ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, habang.nakasuot siya ng isang balabal na Najrāno na makapal ang gilid. Naabutan siya ng isang arabeng disyerto. Hinatak nito siya sa balabal niya nang matinding hatak kaya nakita ko ang gilid ng balikat ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at bumakat nga doon ang gilid ng balabal dahil sa tindi ng hatak nito. Pagkatapos ay nagsabi ito: O Muḥammad, mag-utos ka para sa akin na bigyan ako mula sa yaman ni Allah na nasa iyo. Kaya lumingon siya rito at tumawa. Pagkatapos ay nag-utos siya na bigyan ito."Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Hindi ako nakasaling ng makapal na sutla ni ng manipis na sutla na higit na malambot kaysa sa palad ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Hindi ako nakaamoy ng isang amoy kailanman na higit na mabango kaysa sa amoy ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Talaga ngang naglingkod ako sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng sampung taon at hindi siya nakapagsabi sa akin ng pagkasuya, hindi siya nakapagsabi sa bagay na ginawa ko kung bakit ko ginawa iyon, ni sa bagay na hindi ko ginawa kung bakit hindi ko ginawa ang gayon."Napagkaisahan ang katumpakan