Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Ayon kay Abū Bakrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

Available in 65 languages
«Ayon kay Abū Bakrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ba ako magbabalita sa inyo ng pinakamalaki sa malalaking kasalanan?" nang makatatlo. Nagsabi sila: "Opo, O Sugo ni Allāh." Nagsabi siya: "Ang pagtatambal kay Allāh at ang kasutilan sa mga magulang." Umupo siya. Siya kanina ay nakasandal, saka nagsabi siya: "Pansinin, ang pagsasabi ng kabulaanan." Hindi siya tumigil na nag-uulit-ulit niyon hanggang sa nagsabi kami na kung sana siya ay natahimik na.}»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya tungkol sa pinakamabigat sa malalaking kasalanan, kaya binanggit niya ang tatlong ito: 1. Ang Pagtatambal kay Allāh. Ito ay ang pagbaling ng alinmang uri kabilang sa mga uri ng pagsamba sa iba pa kay Allāh at ang pagpapantay ng iba pa kay Allāh kay Allāh sa pagkadiyos Niya, pagkapanginoon Niya, at mga pangalan Niya at mga katangian Niya. 2. Ang Kasutilan sa mga Magulang. Ito ay bawat perhuwisyo sa mga magulang sa salita man o sa gawa at pagwaksi ng paggawa ng maganda sa kanila. 3. Ang Pagsasabi ng Kabulaanan at Kabilang Dito ang Pagsaksi sa Kabulaanan. Ito ay bawat sinasabing bulaan at kinatha na ninanais dito ang pagmamaliit sa sinumang pinagbuntunan sa pamamagitan ng pagkuha ng ari-arian niya o paglabag sa dangal niya o tulad nito. Nag-ulit-ulit nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagbibigay-babala laban sa pagsasabi ng kabulaanan bilang pagtawag-pansin sa pagsasapangit nito at mga masagwang epekto nito sa lipunan hangang sa nagsabi ang mga Kasamahan: "Kung sana siya ay natahimik na." bilang pagkahabag sa kanya at bilang pagkasuklam sa lumiligalig sa kanya.

Source
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Download image

Saved at original quality