Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan
Available in 21 languages
«Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Tinutugon ang isa sa inyo hanggat hindi siya nagmadali, na nagsasabi: Dumalangin na ako sa Panginoon ko ngunit hindi Siya tumugon sa akin." Sa isang sanaysay ni Imām Muslim: "Hindi titigil sa pagtugon sa tao hanggat hindi siya dumadalangin ng isang kasalanan o paglagot sa ugnayang pangkamag-anak, hanggat hindi siya nagmamadali." Sinabi: "O Sugo ni Allah, ano ang pagmamadali?" Nagsabi siya: "Nagsasabi siya: Dumalangin na ako at dumalangin na ako ngunit hindi ko nakitang tumutugon Siya sa akin." Manghihinawa siya sandaling iyon at iiwan niya ang pagdalangin.»Meaning translation ·
Saved at original quality








