Hadith for the World

All hadiths

The complete card collection, filter by chapter

655 hadiths

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Sa tingin ba ninyo kung sakaling may isang ilog sa tabi ng pinto ng isa sa inyo, na naliligo siya mula rito sa bawat araw nang limang ulit, magsasabi ka bang iyon ay magtitira pa mula sa karumihan niya?" Nagsabi sila: "Hindi po iyon magtitira mula sa karumihan niya ng anuman." Nagsabi siya: "Kaya iyon ay tulad ng limang ṣalāh: nagpapawi si Allāh sa pamamagitan ng mga ito ng mga kasalanan."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang paghahalintulad sa mga mananampalataya sa pagmamahalan nila, pag-aawaan nila, at pagdadamayan nila ay tulad ng katawan: kapag may dumaing mula rito na isang bahagi, magtatawagan para rito ang nalalabi sa katawan sa puyat at lagnat."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon sa sandali ng pighati: "Lā ilāha illā -llāhu -l`aḍ̆īmu -lḥalīm. Lā ilāha illā -llāhu rabbu -l`arshi -l`aḍ̆īm. Lā ilāha illā -llāhu rabbu -ssamawāti wa-rabbu -l'arḍi wa-rabbu -l`arshi -lkarīm. (Walang Diyos kundi si Allāh, ang Sukdulan, ang Matimpiin. Walang Diyos kundi si Allāh, ang Panginoon ng tronong sukdulan. Walang Diyos kundi si Allāh, ang Panginoon ng mga langit at ang Panginoon ng lupa at ang Panginoon ng tronong marangal.)"}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya.-Nagsabi siya:((Tumiklop ang Araw [nawala ang kanyang liwanag] sa panahon ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagdasal ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga tao,Tinagalan niya ang pagtayo pagkatapos at yumuko siya at tinagalan niya ang pagyuko,pagkatapos ay tumayo siya,at tinagalan niya ang pagyuko,at ito ay liban pa sa unang pagtayo-pagkatapos ay yumuko siya,at tinagalan niya ang pagyuko-at ito ay liban pa sa unang pagyuko- pagkatapos ay nagpatirapa siya,tinagalan niya ang pagpapatirapa,pagkatapos ay ginawa niya ito sa ibang tindig ang tulad ng ginawa niya sa unang tindig,pagkatapos ay umalis siya,at naging hayag na ang araw,Nagsermon siya sa mga tao,Nagluwalhati siya kay Allah at Nagpuri siya sa Kanya,Pagkatapos ay sinabi niya: Tunay na ang Araw at ang Buwan ay dalawang palatandaan mula sa tanda ni Allah,Hindi sila nagtitiklop [nawawala ang kanilang liwanag] dahil sa pagkamatay ng isang tao at hindi sa pagkabuhay nito,Kapag nakita ninyo ito,Manalangin kayo kay Allah at mag-alay kayo ng Pagdadakila;Magdasal kayo at Magkawanggawa kayo.Pagkatapos ay sinabi niya: O Ummah ni Muhammad,Wala ni isa sa sinuman ang may pinakamatinding pagseselos liban kay Allah ,sa pangangalunya ng alipin niya o pangangalunya ng Umah ni Muhammad,Sumpa kay Allah;Kung nalalaman lang ninyo ang nalalaman ko,Tunay na matatawa kayo ng kaunti at tunay na maiiyak kayo ng marami)) At sa isang pananalita:((Ginanap niya sa apat na tindig at apat na pagpapatirapa))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay `Aishah malugod si Allah sa kanya,siya ay nagsabi:(( Sa bawat gabi ay nagdadasal ng Witr ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: mula sa unang gabi,at kalagitnaan nito at huli nito,at natatapos ang pagdadasal niya ng Witr sa huling bahagi ng gabi.))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay `Amr bin Shu`ayb, ayon sa ama niya, ayon sa lolo niya na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mag-utos kayo sa mga anak ninyo ng pagdarasal kapag sila ay pitong taong gulang. Mamalo kayo sa kanila dahil [sa pagkukulang] dito kapag sila ay sampung taong gulang. Magpahiwalay kayo sa kanila sa mga higaan."}Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud
Ayon kay `Abdullāh binZaid bin `Asim Al-Mazini, malugod si Allah sa kanya.Nagsabi siya:Lumabas ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nagdadasal [upang manalangin ng ulan],Humarap siya sa Qiblah,pagkatapos ay nagdasal ng dalawang tindig,at ginawa niyang hayag ang pagbabasa rito)) at sa isang pananalita (( sa pinagdadasalan))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag humikab ang isa sa inyo, magpigil siya sa pamamagitan ng kamay niya sa bibig niya sapagkat tunay na ang demonyo ay pumapasok."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Nakaaalam ba kayo kung ano ang panlilibak?" Nagsabi sila: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maalam." Nagsabi siya: "[Ito] ang pagbanggit mo ng kapatid mo hinggil sa anumang kasusuklaman niya." Sinabi: "Kaya ano po sa tingin mo kung nasa kapatid ko ang sinasabi ko?" Nagsabi siya: "Kung naging nasa kanya ang sinasabi mo, nanlibak ka nga sa kanya; at kung hindi ito naging nasa kanya, nanirang-puri ka nga sa kanya."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Ibn `Umar, malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu: ((Ang kawalan ng katarungan ay dilim sa Araw ng Pagkabuhay)) Ayon kay Jaber-maalugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu: ((Mangilag kayo sa kawalan ng katarungan sapagkat ang kawalan ng katarungan ay dilim sa Araw ng Pagkabuhay,Mangilag kayo sa pagiging maramot,sapagkat dahil dito kaya nalipon ang mga nauna sa inyo))Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Khawlah Al-Anṣārīyah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na may mga lalaking gumugugol sa yaman ni Allāh nang walang katarungan kaya ukol sa kanila ang Impiyerno sa Araw ng Pagbangon."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Kaingat kayo sa pagpapalagay sapagkat tunay na ang pagpapalagay ay pinakasinungaling na pag-uusap. Huwag kayong maghanap ng kasiraan, huwag kayong maniktik, huwag kayong mag-inggitan, huwag kayong magtalikuran, at huwag kayong magmuhian. Maging mga lingkod ni Allāh kayo bilang magkakapatid."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang pang-aalipusta sa Muslim ay kasuwailan at ang pakikipaglaban sa kanya ay kawalang-pananampalataya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya: "Kapag kayo ay tatlo ay huwag magbulungan ang dalawa na hindi kasama ang isa pa, malibang nakahalo kayo sa mga tao, dahil iyon ay magpapalungkot sa kanya."Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tumingin kayo sa sinumang nasa ibaba mula sa inyo at huwag kayong tumingin sa sinumang siya ay nasa itaas ninyo sapagkat iyon ay higit marapat na hindi kayo manlait sa biyaya ni Allāh sa inyo."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya.-Hadith na marfu : ((Ang lahat ng anak ni Adan ay nagkakamali at ang pinakamainam sa mga nagkakamali ay yaong nagbabalik-loob))Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dārimīy
Ayon kay Abū Dharr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi sa akin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag ka ngang magmamaliit mula sa nakabubuti ng anuman, kahit man lamang na sumalubong ka sa kapatid mo nang may maaliwalas na mukha."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang matipuno ay hindi sa pagbuno; tanging ang matipuno ay ang nagpipigil ng sarili niya sa sandali ng pagkagalit."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu: "Babati ang maliit sa malaki,at ang naglalakad sa nakaupo, at ang kaunti sa marami" at sa ibang salaysay : " At ang nakasakay sa naglalakad"Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Mas`ūd Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Tunay na ako ay nawalan ng masasakyan kaya magpasakay ka sa akin." Kaya nagsabi siya: "Wala akong taglay." Kaya may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, ako ay gagabay sa kanya sa sinumang magsasakay sa kanya." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh: "Ang sinumang gumabay sa isang kabutihan, ukol sa kanya ang tulad sa pabuya ng tagagawa nito."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu: ((Kapag nagsuot ng tsinelas [o sapatos] ang isa sa inyo,simulan niya ito sa kanan,at kapag tinanggal niya ito,simulan niya ito sa kaliwa;at sikapin na ang kanan ang siyang maging una sa pagsuot at ang iba nito ay sa pagtanggal))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagtanong ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung aling pagkakasala ang pinakamabigat sa ganang kay Allāh. Nagsabi siya: "Na gumawa ka para kay Allāh ng isang kaagaw samantalang Siya ay lumikha sa iyo." Nagsabi ako: "Tunay na iyon ay talagang mabigat." Nagsabi ako: "Pagkatapos alin po?" Nagsabi siya: "Na pumatay ka ng anak mo; nangangamba ka na kakain siya kasama mo." Nagsabi ako: "Pagkatapos alin po?" Nagsabi siya: "Na makipangalunya ka sa ginang ng kapit-bahay mo."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ, malugod si Allāh sa kanilang dalawa-Hadith na Marfu-"Kumaain kayo,uminom kayo,magkawang-gawa kayo,nang walang halong pagmamataas at walang pagwawaldas"Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy bilang Mu'allaq - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong mang-alipusta sa mga patay sapagkat tunay na sila ay humantong sa [mga gawang] ipinauna nila."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy