TL
All hadiths
The complete card collection, filter by chapter
Ang Marangal na Qur'ān at ang mga Agham Nito
26
Ang Ḥadīth at ang mga Agham Nito
3
Ang Pinaniniwalaan
135
Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito
288
Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan
288
Ang Pag-aanyaya at ang Pagpapanagot
15
Ang Talambuhay at ang Kasaysayan
38
655 hadiths
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tunay na siya ay nakarinig sa Propeta ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Kung sakali na kayo ay nananalig kay Allāh nang totoong pananalig sa Kanya, talaga sanang tumustos Siya sa inyo gaya ng pagtustos Niya sa mga ibon: umaalis ang mga ito sa umaga na impis at bumabalik ang mga ito sa hapon na bundat."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ang ipinagbawal ko sa inyo ay iwasan ninyo at ang ipinag-utos ko sa inyo ay gampanan ninyo mula rito ang makakaya ninyo sapagkat napahamak lamang ang mga nauna sa inyo dahil sa dami ng mga tanong nila at pagsalungat nila sa mga propeta nila."
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagpawi buhat sa isang mananampalataya ng isang pighati mula sa mga pighati sa Mundo, magpapawi si Allāh buhat sa kanya ng isang pighati mula sa mga pighati sa Araw ng Pagbangon. Ang sinumang nagpaginhawa sa isang nagigipit, magpapaginhawa si Allāh sa kanya sa Mundo at Kabilang-buhay. Ang sinumang nagtakip sa isang Muslim, magtatakip sa kanya si Allāh sa Mundo at Kabilang-buhay. Si Allāh ay nasa pagtulong sa tao hanggat ang tao ay naging nasa pagtulong sa kapwa niya. Ang sinumang tumahak sa isang daan habang naghahanap dahil doon ng isang kaalaman, magpapadali si Allāh para sa kanya dahil doon sa isang daan patungo sa Paraiso. Walang nagtitipong mga tao sa isang bahay kabilang sa mga bahay ni Allāh, na bumibigkas ng Aklat ni Allāh at nag-aaralan nito sa gitna nila, malibang bababa sa kanila ang kapanatagan, babalot sa kanila ang awa, magpapaligid sa kanila ang mga anghel, at babanggit sa kanila si Allāh sa sinumang nasa piling Niya. Ang sinumang nagpabagal sa kanya ang gawa niya, hindi magpapabilis sa kanya ang kaangkanan niya."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: سمعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول: «وَاللهِ إني لأَسْتَغْفِرُ اللهَ وأَتُوبُ إليهِ في اليومِ أَكْثَرَ من سَبْعِينَ مَرَّةً».
رواه البخاري
Ayon kay Agharr (malugod si Allāh sa kanya), na kabilang sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O mga tao, magbalik-loob kayo kay Allāh sapagkat tunay na ako ay nagbabalik-loob sa Kanya nang isandaang ulit sa isang araw."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Dharr (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa isinalaysay niya tungkol sa Panginoon niya (napakamapagpala Siya at napakataas): "O mga lingkod Ko, tunay na Ako ay nagbawal sa sarili Ko ng pang-aapi at ginawa Ko itong ipinagbabawal sa pagitan ninyo, kaya huwag kayong mag-apihan. O mga lingkod Ko, lahat kayo ay naliligaw maliban sa sinumang pinatnubayan Ko; kaya humiling kayo sa Akin ng patnubay, papatnubayan Ko kayo. O mga lingkod Ko, lahat kayo ay nagugutom maliban sa pinakain Ko; kaya humiling kayo sa akin ng makakain, pakakainin Ko kayo. O mga lingkod Ko, lahat kayo ay hubad maliban sa pinadamitan Ko; kaya humiling kayo sa Akin ng maidadamit, dadamitan Ko kayo. O mga lingkod Ko, tunay na kayo ay nagkakamali sa gabi at maghapon at Ako ay nagpapatawad sa mga pagkakasala nang lahatan; kaya humingi kayo sa Akin ng tawad, patatawarin Ko kayo. O mga lingkod Ko, tunay na kayo ay hindi makapagpapaabot ng pinsala sa Akin para mapinsala ninyo Ako at hindi makapagpapaabot ng pakinabang sa Akin para pakinabangin ninyo Ako. O mga lingkod Ko, kung sakaling ang una sa inyo at ang huli sa inyo at ang tao sa inyo at ang jinn sa inyo ay naging alinsunod sa pinakamapangilag magkasalang puso ng iisang lalaki kabilang sa inyo, hindi makadaragdag iyon sa paghahari Ko ng anuman. O mga lingkod Ko, kung sakaling ang una sa inyo at ang huli sa inyo at ang tao sa inyo at ang jinn sa inyo ay naging alinsunod sa pinakamasamang-loob na puso ng iisang lalaki kabilang sa inyo, hindi makababawas iyon sa paghahari Ko ng anuman. O mga lingkod Ko, kung sakaling ang una sa inyo at ang huli sa inyo at ang tao sa inyo at ang jinn sa inyo ay tumayo sa iisang kapatagan at humingi sa Akin, at magbibigay Ako sa bawat isa ng hiningi niya, hindi makababawas iyon mula sa taglay Ko malibang gaya ng naibabawas ng karayom kapag ipinasok ito sa dagat. O mga lingkod Ko, ang mga ito ay mga gawa ninyo lamang na binibilang Ko para sa inyo. Pagkatapos tutumbasan Ko kayo sa mga ito." Kaya ang sinumang nakatagpo ng isang kabutihan ay magpuri siya kay Allāh at ang sinumang nakatagpo ng iba roon ay huwag nga siyang maninisi kundi sa sarili niya.}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ako minsan ay nasa likuran ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw saka nagsabi siya: "O bata, tunay na ako ay magtuturo sa iyo ng mga pangungusap. Ingatan mo si Allāh, iingatan ka Niya. Ingatan mo si Allāh, matatagpuan mo Siya sa dako mo. Kapag humingi ka, humingi ka kay Allāh. Kapag nagpatulong ka, magpatulong ka kay Allāh. Alamin mo na ang kalipunan, kung sakaling nagkaisa ito na magpakinabang sa iyo sa pamamagitan ng isang bagay, ay hindi magpapakinabang sa iyo kundi sa pamamagitan ng isang bagay na isinulat na ni Allāh para sa iyo; at kung sakaling nagkaisa sila na puminsala sa iyo sa pamamagitan ng isang bagay, ay hindi pipinsala sa iyo kundi sa pamamagitan ng isang bagay na isinulat na ni Allāh laban sa iyo. Iniangat ang mga panulat at natuyo ang mga talaan."}
Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy
Ayon kay Abū Dharr, malugod si Allāh sa kanya: "Inilahad sa akin ang mga gawa ng Kalipunan ko: ang maganda sa mga ito at ang masagwa sa mga ito. Natagpuan ko sa mga kagandahan ng mga gawa nito ang nakapipinsala ay inaalis sa daan at natagpuan ko sa mga kasagwaan ng mga gawa nito ang plema ay nasa masjid hindi inililibing."
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa isinasaysay niya tungkol sa Panginoon niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Nagsabi siya: {Nagkasala ang isang tao ng isang pagkakasala kaya nagsabi ito: "O Allāh, magpatawad Ka sa akin ng pagkakasala ko." Kaya magsasabi naman Siya (napakamapagpala Siya at napakataas): "Nagkasala ang lingkod Ko ng isang pagkakasala saka nakaalam siya na mayroon siyang isang Panginoong nagpapatawad sa pagkakasala at nagpaparusa sa pagkakasala." Pagkatapos nanumbalik ito saka nagkasala ito saka nagsabi ito: "O Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin ng pagkakasala ko." Kaya magsasabi Siya (napakamapagpala Siya at napakataas): "Nagkasala ang lingkod Ko ng isang pagkakasala saka nakaalam siya na mayroon siyang isang Panginoong nagpapatawad sa pagkakasala at nagpaparusa sa pagkakasala. Gawin mo ang niloob mo sapagkat nagpatawad nga Ako sa iyo."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abē Umāmah-malugod si Allāh sa kanya-Katotohanan na ang Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-kapag itinaas niya ang dulang niya-sinasabi niyang:(( Ang lahat ng papuri ay sa Allāh,Taglay [Niya] ang maraming pagpupuri, ang mga magaganda at pagpapala,Hindi ito mababayaran o di kaya ay maiwanan,o di kaya ay maaaring gawin na wala ang ating Panginoon))
Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag nakaalpas sa kanya ang dasal sa gabi dahil sa sakit o iba pa rito, nagdarasal siya sa maghapon ng labindalawang rak`ah."
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kina `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya, at Al-Mughīrah bin Shu`bah, malugod si Allāh sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay [matagal] nagdarasal noon sa gabi hanggang sa nagkabitak-bitak ang mga paa niya kaya nagsabi ako sa kanya: "Bakit mo ginagawa ito, o Sugo ni Allah, gayong nagpatawad na si Allah sa iyo sa nauna sa pagkakasala mo at nahuli?" Nagsabi siya: "Kaya hindi ko ba iibiging ako ay maging isang lingkod na mapagpasalamat?"
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Hindi natutuklaw ang Mananampalataya mula sa iisang lungga nang dalawang ulit."
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang pinakakaibig-ibig sa mga bayan kay Allāh ay ang mga masjid ng mga ito at ang pinakakasuklam-suklam sa mga bayan kay Allāh ay ang mga palengke ng mga ito."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Jarīr (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang pinagkaitan ng kabaitan, pinagkaitan siya ng kabutihan."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Ako noon ay naglalakad kasama ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, habang.nakasuot siya ng isang balabal na Najrāno na makapal ang gilid. Naabutan siya ng isang arabeng disyerto. Hinatak nito siya sa balabal niya nang matinding hatak kaya nakita ko ang gilid ng balikat ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at bumakat nga doon ang gilid ng balabal dahil sa tindi ng hatak nito. Pagkatapos ay nagsabi ito: O Muḥammad, mag-utos ka para sa akin na bigyan ako mula sa yaman ni Allah na nasa iyo. Kaya lumingon siya rito at tumawa. Pagkatapos ay nag-utos siya na bigyan ito."
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumasok ang sampung [huling araw ng Ramaḍān], ay nagpupuyat sa gabi, nanggigising ng mag-anak niya, nagpapakasigasig, at naghihigpit ng tapis.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang buong Kalipunan ko ay papasok sa Paraiso, maliban sa sinumang tumanggi." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, at sino po ang tatanggi?" Nagsabi siya: "Ang sinumang tumalima sa akin ay papasok sa Paraiso at ang sinumang sumuway sa akin ay tumanggi nga."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Abū Barzah Al-Aslamīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi matitinag ang dalawang paa ng isang tao sa Araw ng Pagbangon hanggang sa matanong siya tungkol sa buhay niya kung sa ano siya umubos nito, tungkol sa kaalaman niya kung sa ano siya gumamit nito, tungkol sa yaman niya kung mula saan siya kumita nito at kung sa ano siya gumastos nito, at tungkol sa katawan niya kung sa ano siya lumaspag nito?"}
Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Noong nilikha ni Allāh ang mga nilikha, isinulat Niya sa isang talaan, na nasa piling Niya sa ibabaw ng trono: Tunay na ang awa Ko ay nananaig sa galit Ko." Sa isang sanaysay: "nanaig sa galit Ko." Sa isa pang sanaysay: "nauna sa galit Ko."
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kung sakaling nagkaroon ang anak ni Adan ng dalawang lambak ng yaman, talaga sanang naghangad siya ng ikatlong lambak. Hindi nakapupuno sa sikmura ng anak ni Adan kundi ang alabok. Tumatanggap si Allāh ng pagbabalik-loob ng sinumang nagbalik-loob."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi tumigil na nagtatagubilin sa akin si Gabriel hinggil sa kapitbahay hanggang sa nagpalagay ako na siya ay magpapamana rito."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Mula kay Abū Hurayrah -(malugod si Allah sa kanya)-: "Hindi kailan man kinadustaan ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ang anumang pagkain, kung ito'y kinagagalakan niya ay kakainin niya, at kung ito'y kinasusuklaman niya ito'y iiwan niya".
Napagkaisahan ang katumpakan
Mula kay Abu said r.a: Katotohanan ang mga tao mula sa ansar ay nag-hingi sila sa Sugo ni Allah- pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- at kanya itong binigyan, at muli sila nag-hingi at kanya itong binigyan, hanggang sa naubos ang mayroon sa kanya, at sabi niya sa kanila nung ibinuwis niya ang lahat ng anu-ano nasa kamay niya: ((Kung ano mang kabutihan na mayroon ako hindi ko iyon ipag-kait sa inyo, at sino man ang humiling ng kalinisang-puri o kabanalan ipagkaloob ito sa kanya ng dakilang Allah, at sino man ang humiling ng tulong tutulungan siya ng dakilang Allah, at sino man ang humiling ng pag-timpi o pag-tiis para sa kanyang sarili pag-titiisin siya ng dakilang Allah, at kung ano man ang naibigay sa isang tao na maganda at napakaluwag yun ay ang sab'r (pag-timpi))).
Napagkaisahan ang katumpakan
Previous page
Page 10 of 28
Next page