Hadith for the World

All hadiths

The complete card collection, filter by chapter

655 hadiths

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya: "Talagang si Allāh ay higit na masaya sa pagbabalik-loob ng lingkod Niya kaysa sa isa inyo na nakasumpong sa kamelyo niya noong naiwala niya ito sa lupang disyerto." Sa isang sanaysay: "Talagang si Allāh ay higit na matindi sa tuwa sa pagbabalik-loob ng lingkod Niya nang nagbabalik-loob ito sa Kanya kaysa sa isa sa inyo na lulan dati ng sasakyang kamelyo nito sa lupang disyerto ngunit nakawala iyon mula rito. Lulan niyon ang pagkain niya at inumin niya kaya nawalan siya ng pag-asa roon. Pumunta siya sa isang punong-kahoy at nahiga sa lilim niyon. Nawalan na siya ng pag-asa sa sasakyang kamelyo niya ngunit habang siya ay gayon, biglang siya ay kasama niyon habang nakatayo sa tabi niya. Kinuha niya ang renda niyon. Pagkatapos ay nagsabi dahil sa tindi ng tuwa: "O Allāh, Ikaw ay alipin ko at ako ay Panginoon Mo!" Nagkamali siya dahil sa tindi ng tuwa.Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Tunay na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nag-aabot ng kamay Niya sa gabi upang magbalik-loob ang tagagawa ng masagwa sa maghapon at nag-aabot ng kamay Niya sa maghapon upang magbalik-loob ang tagagawa ng masagwa sa gabi, hanggang sa sumikat ang araw mula sa kanluran nito."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang nag-ayuno ng isang araw sa landas ni Allāh, magpapalayo si Allāh sa mukha niya sa Impiyerno ng pitumpung taglagas."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Sahl bin Sa`d (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi matitigil ang mga tao sa pagiging nasa kabutihan hanggat nagmamadali sila sa pagtigil-ayuno."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Zayd bin Thābit (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kumain kami ng saḥūr kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Pagkatapos tumindig siya papunta sa ṣalāh. Nagsabi ako: "Gaano katagal sa pagitan ng adhān at saḥūr?" Nagsabi siya: "Singtagal [ng pagbigkas] ng limampung talata [ng Qur'ān]."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh dito), na maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasagawa noon ng i`tikāf sa huling sampung araw ng Ramaḍān hanggang sa nagpapanaw sa kanya si Allāh. Pagkatapos nagsagawa ng i`tikāf ang mga maybahay niya noong matapos niya.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kumain kayo ng saḥūr sapagkat tunay na sa saḥūr ay may pagpapala."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Jābir bin `Abdullāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay minsang nasa isang paglalakbay saka nakakita siya ng isang siksikan at isang lalaking nililiman nga iyon. Kaya nagsabi siya: "Ano iyan?" Nagsabi naman sila: "Nag-aayuno." Kaya nagsabi siya: "Hindi bahagi ng pagsasamabuting-loob ang pag-aayuno sa paglalakbay."Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong manguna sa Ramaḍān ng pag-aayuno ng isang araw ni ng dalawang araw, maliban sa isang taong dating nag-aayuno ng isang pag-aayuno kaya mag-ayuno siya nito."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsatungkulin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa zakāh ng pagtigil-ayuno ng isang ṣā` ng datiles o ng isang ṣā` ng sebada, na kailangan sa alipin at malaya, lalaki at babae, at nakababata at nakatatanda kabilang sa mga Muslim. Nag-utos siya nito na ibigay ito bago ng paglabas ng mga tao papunta sa ṣalāh.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ipinahihintulot para sa isang babaing Muslim na maglakbay ng isang distansiya ng isang gabi [na paglalakbay] malibang kapag may kasama sa kanya na isang lalaking may pagkamaḥram sa kanya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Aishah at Umm Salamah-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Hadith na marfu:(( Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay muntik na siyang inaabutan ng Fajr at siya ay nasa kalagayan ng Junub sa kanyang asawa,pagkatapos ay naliligo siya at nag-aayuno))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nakalimot habang siya ay nag-aayuno, kaya nakakain o nakainom, maglubos siya ng pag-aayuno niya sapagkat nagpakain lamang sa kanya si Allāh at nagpainom sa kanya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagtagubilin sa akin ang kaibigang matalik ko (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng tatlo: pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan, dalawang rak`ah ng [ṣalāh na] ḍuḥā, at na magsagawa ako ng [ṣalāh na] witr bago ako matulog.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hanapin ninyo ang Gabi ng Pagtatakda sa gansal [na petsa] mula sa huling sampung gabi ng Ramaḍān."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah, (s): "Kapag lumapit ang gabi mula rito at lumayo ang maghapon mula rito, titigil nga sa pag-aayuno ang nag-aayuno."Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Kapag nakita ninyo iyon ay mag-ayuno kayo at kapag nakita ninyo iyon ay tumigil-ayuno kayo ngunit kapag pinalabo sa inyo ay magtaya kayo para rito."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay hindi tumitingin sa mga anyo ninyo ni sa mga ari-arian ninyo subalit tumitingin Siya sa mga puso ninyo at mga gawa ninyo."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga gawain ay ayon sa layunin lamang. Ukol sa tao ang nilayon niya lamang. Kaya ang sinumang ang paglikas niya ay tungo kay Allāh at sa Sugo Niya, ang paglikas niya ay tungo kay Allāh at sa Sugo Niya. Ang sinumang ang paglikas niya ay para sa isang kamunduhan na tatamuhin niya o isang babaing pakakasalan niya, ang paglikas niya ay tungo sa inilikas niya."} Sa pananalita ni Imām Al-Bukhārīy: "Ang mga gawain ay ayon sa mga layunin lamang. Ukol sa bawat tao ang nilayon niya lamang. ..."Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abu Al-Ḥawzā' As-Sa`dīy na nagsabi: {Nagsabi ako kay Al-Ḥasan bin Alīy (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): "Ano ang naisaulo mo mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)?" Nagsabi ito: "Naisaulo ko mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Iwan mo ang nagpapaalinlangan sa iyo patungo sa hindi nagpapaalinlangan sa iyo sapagkat tunay na ang katapatan ay kapanatagan at tunay na ang kasinungalingan ay pag-aalinlangan."}Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, at Imām Aḥmad
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang dasal ng lalaki sa isang kongregasyon ay nakahihigit sa dasal niya sa bahay niya at sa dasal niya sa palengke niya nang higit sa dalawampu't higit pang antas. Iyon ay dahil sa ang isa sa kanila – kapag nagsagawa siya ng wuḍū' at nagpahusay siya sa pagsasagawa ng wuḍū', pagkatapos pumunta siya sa masjid, na walang nag-uudyok sa kanya kundi ang pagdarasal, na walang ninanais kundi ang pagdarasal – walang hahakbanging hakbang malibang mag-aangat para sa kanya dahil dito ng isang antas at mag-aalis sa kanya dahil dito ng isang kasalanan hanggang sa makapasok siya sa masjid. Kapag naman nakapasok siya sa masjid, siya ay nasa pagdarasal hanggat ang pagdarasal ay nagpapanatili sa kanya. Ang mga anghel ay dumadalangin ng basbas sa isa sa inyo hanggat siya ay nasa inuupuan niya na pinagdasalan niya, na nagsasabi: 'O Allāh, maawa Ka sa kanya; O Allāh, magpatawad Ka sa kanya; O Allāh, tumanggap Ka ng pagbabalik-loob sa kanya.' hanggat hindi siya namemerhuwisyo rito, hanggat hindi siya nasisiraan ng wuḍū' rito."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Humawak ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kasukasuan ng balikat ko saka nagsabi siya: "Ikaw sa Mundo ay maging para bang ikaw ay isang estranghero o isang tumatawid sa landas." Ang Anak ni `Umar noon ay nagsasabi: "Kapag ginabi ka, huwag mong hintayin ang umaga; at kapag inumaga ka, huwag mong hintayin ang gabi. Kumuha ka mula sa kalusugan mo para sa pagkakasakit mo at mula sa buhay mo para sa kamatayan mo."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong mag-inggitan. Huwag kayong magpataasan sa tawad. Huwag kayong magmuhian. Huwag kayong magtalikuran. Huwag magtinda ang ilan sa inyo bilang panunulot sa pagtitinda ng iba pa. Maging mga lingkod kayo ni Allāh bilang magkakapatid. Ang Muslim ay kapatid ng Muslim. Hindi siya nang-aapi nito. Hindi siya nagkakanulo nito. Hindi siya nanghahamak nito. Ang pangingilag magkasala ay narito." Tumuturo siya sa dibdib niya nang tatlong ulit. "Nasa kasapatan sa isang tao bilang kasamaan na manghamak siya ng kapatid niyang Muslim. Ang lahat sa Muslim sa kapwa Muslim ay bawal labagin: ang dugo niya, ang ari-arian niya, at ang dangal niya."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {May isang lalaking nagsabi sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magtagubilin ka po sa akin." Nagsabi siya: "Huwag kang magalit." Kaya umulit ito nang makailan. Nagsabi siya: "Huwag kang magalit."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy