Hadith for the World

All hadiths

The complete card collection, filter by chapter

655 hadiths

Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang nakikipag-ugnayan sa kaanak ay hindi ang nakikitumbas, bagkus ang nakikipag-ugnayan sa kaanak ay ang kapag pinutol ang ugnayang pangkaanak sa kanya ay nakikipag-ugnayan [pa rin] siya roon."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Jābir bin Abdullāh, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Kapag ang isang Muslim ay nagtanim ng isang tanim, ang anumang kinain mula rito ay isang kawanggawa ukol sa kanya, ang anumang ninakaw mula rito ay isang kawanggawa ukol sa kanya, at walang magbabawas rito na isa man malibang magiging isang kawanggawa ukol sa kanya." Sa isang sanaysay: "Hindi nagtatanim ang isang Muslim ng isang pananim ni hindi nagsasaka ng isang sakahin at kumain mula rito ang isang tao o isang hayop o anuman malibang ito ay magiging isang kawanggawa ukol sa kanya." Isinaysay nilang dalawang ito nang magkasama mula sa sanaysay ni Anas, malugod si Allāh sa kanya.Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Walang nadarama ang martir na hapdi ng kamatayan malibang gaya ng nadarama ng isa sa inyo na hapdi ng kurot."Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dārimīy
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Sinabi: "O Sugo ni Allāh, ano ang nakatutumbas sa pakikibaka sa landas ni Allāh?" Nagsabi siya: "Hindi ninyo makakaya iyon." Kaya inulit nila sa kanya nang dalawang ulit o tatlo; bawat isa roon ay nagsasabi siya: "Hindi ninyo makakaya iyon." Pagkatapos ay nagsabi siya: "Ang paghahalintulad sa nakikibaka sa landas ni Allāh ay katulad ng nag-aayuno, na nagdarasal sa gabi, na sumusunod sa mga talata ni Allāh: hindi nananamlay sa pag-aayuno ni sa pagdarasal, hanggang sa makabalik ang nakikibaka sa landas ni Allāh." Sa sanaysay ni Imām Al-Bukhārīy: May isang lalaking nagsabi: "O Sugo ni Allāh, gabayan mo ako sa isang gawaing nakatutumbas sa pakikibaka." Nagsabi siya: "Hindi ko natatagpuan iyon." Pagkatapos ay nagsabi siya: "Makakaya mo ba, kapag lumabas ang nakikibaka, na pumasok sa masjid mo at magdasal ka sa gabi at hindi ka mananamlay, at mag-ayuno ka at hindi ka mananamlay?" Nagsabi ito: "Sino po ang makakakaya niyon?"Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang paghahalintulad sa umaalaala sa Panginoon niya at hindi umaalaala sa Panginoon niya ay tulad ng buhay at patay."} Sa pananalita ni Imām Muslim: {"Ang paghahalintulad sa bahay na inaalaala si Allāh doon at bahay na hindi inaalaala si Allāh doon ay tulad ng buhay at patay."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: May lalaking pumunta sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi: "O Sugo ni Allāh, sino po ang higit na karapat-dapat sa mga tao sa kagandahan ng pakikisama ko?" Nagsabi siya: "Ang ina mo." Nagsabi ito: "Pagkatapos ay sino po?" Nagsabi siya: "Ang ina mo." Nagsabi ito: "Pagkatapos ay sino po?" Nagsabi siya: "Ang ina mo." Nagsabi ito: "Pagkatapos ay sino po?" Nagsabi siya: "Ang ama mo." Napagkaisahan ang katumpakan nito. Sa isang sanaysay: "O Sugo ni Allāh, sino po ang higit na karapat-dapat sa kagandahan ng pakisama?" Nagsabi siya: "Ang ina mo, pagkatapos ay ang ina mo, pagkatapos ay ang ina mo, pagkatapos ay sa ama mo, pagkatapos ay ang pinakamalapit sa iyo, ang pinakamalapit sa iyo." Ang pakikisama ay may kahulugang pakisama. Ang sabi niya: "pagkatapos ay sa ama mo" ay ganito: Ito ay nasa kaukulang layon ng ipinahihiwatig na pandiwa, na nangangahulugang: Pagkatapos ay magpakabuti ka sa ama mo. Sa isang sanaysay: "pagkatapos ay ang ama mo". Ito ay malinaw.Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Ibnu Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang dumanas ng kasalatan at idinulog ito sa mga tao, hindi ito makatutugon sa karukhaan niya. Ang sinumang magdulog nito kay Allah, magpapadala agad si Allah sa kanya ng panustos na maaga o huli."Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagpalugit sa nagigipit o nagpatawad sa utang nito, maglililim sa kanya si Allāh sa Araw ng Pagbangon sa ilalim ng lilim ng trono Nito, sa Araw na walang lilim kundi ang lilim Nito."}Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Aḥmad
Ayon kay Anas, malugod si Allāh sa kanya: "Ang sinumang lumabas alang-alang sa paghahanap ng kaalaman, siya ay nasa landas ni Allah hanggang sa makabalik."Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang nakakita sa akin sa panaginip ay makikita niya ako sa pagkagising, o para bang nakita niya ako sa pagkagising; hindi lumilitaw ang Demonyo sa anyo ko."Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "O Abū Sa`īd, ang sinumang nalugod kay Allāh bilang Panginoon, sa Islām bilang Relihiyon, at kay Muḥammad bilang Propeta, nagindapat para sa kanya ang Paraiso." Kaya nagtaka rito si Abū Sa`īd saka nagsabi ito: "Ulitin mo po iyan sa akin, O Sugo ni Allāh." Kaya ginawa niya, pagkatapos nagsabi siya: "May iba pang iaangat sa pamamagitan nito ang tao ng isandaang antas sa Paraiso, na ang pagitan ng bawat dalawang antas ay gaya ng pagitan ng langit sa lupa." Nagsabi ito: "Ano po ito, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang pakikibaka sa landas ni Allāh, ang pakikibaka sa landas ni Allāh."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Qatādah (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay humanap sa isang nagkautang sa kanya ngunit nagtago ito sa kanya, pagkatapos natagpuan niya ito kaya nagsabi ito: "Tunay na ako ay nagigipit." Kaya nagsabi siya: "Sumpa man kay Allāh?" Nagsabi ito: "Sumpa man kay Allāh!" Nagsabi siya: "Sapagkat tunay na ako ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: 'Ang sinumang nagpagalak sa kanya na magligtas sa kanya si Allāh mula sa mga pighati ng Araw ng Pagbangon, pumawi siya [ng pighati] sa isang nagigipit o mag-alis siya ng utang nito.'"}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nag-ayuno sa Ramaḍān dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang anumang nauna na pagkakasala niya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagdasal sa Gabi ng Pagtatakda (Laylatulqadr) dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang anumang nauna sa pagkakasala niya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Waḥshīy bin Ḥarb (malugod si Allāh sa kanya): {Sila ay nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na kami ay kumakain at hindi nabubusog." Nagsabi siya: "Kaya baka kayo ay mga nagkakahiwa-hiwalay?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya magsama-sama kayo sa pagkain ninyo at bumanggit kayo ng pangalan ni Allāh dito, magpapala Siya sa inyo rito."}Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Tunay na si Allāh ay nagpalampas para sa akin sa Kalipunan ko ng pagkakamali, pagkalimot, at anumang pinilit sila."}Nagsalaysay nito sina Imām Ibnu Mājah, Imām Al-Bayhaqīy, at iba pa sa kanilang dalawa
Ayon kay Sālim bin `Abdillāh bin `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allāh sa kanila, ayon sa ama niya: Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsabi: "Mainam na lalaki si `Abdullāh kung sakaling siya ay nagdarasal sa gabi." Nagsabi Sālim: "Kaya si `Abdullāh noon matapos niyon ay hindi natutulog sa gabi malibang kakaunti."Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya: "Sinusundan ang patay ng tatlo: ng mag-anak niya, ng yaman niya, at ng gawa niya. Uuwi ang dalawa at maiiwan ang isa. Uuwi ang mag-anak niya at ang yaman niya, at maiiwan ang gawa niya."Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Babati ang nakasakay sa naglalakad, ang naglalakad sa nakaupo, at ang kaunti sa marami."} Batay kay Imām Al-Bukhārīy: "Babati ang nakababata sa nakatatanda, ang dumaraan sa nakaupo, at ang kaunti sa marami."Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Mula kay Anas Bin Malik -Malugod ang Allah sa kanya- Marfuw'an: ((Bibigyan ang pinaka-mapalad na tao sa mundo na kabilang sa mga taga-impyerno sa Araw ng Pagkabuhay, at ilulubog siya sa impyerno ng paglubog, at saka sasabihan: O anak ni Adam, nakakita ka ba ng kabutihan? dumaan na ba sa iyo ang lubos na kaligayahan? at ang sabi: Hindi sumpa man sa Allah o Diyos ko, at bibigyan ang taong pinakamatinding paghihirap sa mundo na kabilang sa mga taga-paraiso, at ilulubog siya sa paraiso ng paglubog, at sasabihin sa kanya: O anak ni Adam, nakakita ka ba ng paghihirap? dumaan na ba sa iyo ang karahasan? at ang sabi niya: Hindi sumpa man sa Allah, hindi dumaan sa akin ang paghihirap ni hindi ko nakita ang karahasan)).Nagsalaysay nito si Imām Muslim
عن عائشة رضي الله عنها قالت: قَدِمَ نَاسٌ مِنَ الأَعْرَابِ عَلَى رَسُولِ اللهِ صلى الله عليه وسلم فقالوا: أَتُقَبِّلُونَ صِبْيَانَكُمْ؟ فقال: «نعم» قالوا: لَكِنَّا واللهِ ما نُقَبِّلُ! فقال رسولُ اللهِ صلى الله عليه وسلم : «أَوَ أَمْلِكُ إن كانَ اللهُ نَزَعَ مِنْ قُلُوبِكُم الرَّحْمَةَ!».متفق عليه
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ginawa ni Allāh ang awa na isang daang bahagi at pinanatili Niya sa piling Niya ang siyamnapu't siyam. Nagpababa Siya sa lupa ng iisang bahagi. Mula sa bahaging iyon nag-aawaan ang mga nilikha hanggang sa nag-aangat ang hayop ng paa nito palayo sa anak nito sa takot na masagi ito." Sa isang sanaysay: "Tunay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay may isang daang awa. Nagpababa Siya mula sa mga ito ng iisang awa sa pagitan ng jinn at tao, at ng mga hayop at mga kulisap. Kaya sa pamamagitan nito nagdadamayan sila, sa pamamagitan nito nag-aawaan sila, at sa pamamagitan nito dumadamay ang mabangis na hayop sa anak nito. Ipinagpaliban ni Allāh, pagkataas-taas Niya, ang siyamnapu't siyam na awa na maaawa Siya sa pamamagitan ng mga ito sa Araw ng Pagkabuhay." Ayon kay Salmān Al-Fārisīy, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Tunay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay may isang daang awa. Mula sa mga ito ay isang awa na nag-aawaan sa pamamagitan nito ang mga nilikha sa pagitan nila at siyamnapu't siya para sa Araw ng Pagkabuhay." Sa isang sanaysay: "Tunay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay lumikha nang araw na nilikha Niya ang mga langit at ang lupa ng isang daang awa: bawat awa ay taklob sa pagitan ng langit hanggang sa lupa. Naglagay Siya mula sa mga ito sa lupa ng isang awa. Sa pamamagitan nito dumadamay ang ina sa anak nito, at ang mga mabangis na hayop at ang mga ibon sa isa't isa. Kapag Araw ng Pagkabuhay, lulubusin Niya ang mga iyon sa pamamagitan ng awang ito."Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kina Abū Dharr Jundub bin Junādah at Abū `Abdirraḥmān Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Mangilag kang magkasala kay Allāh nasaan ka man naging. Pasundan mo ang gawang masagwa ng gawang maganda na papawi rito. Umasal ka sa mga tao sa isang magandang kaasalan."}Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy
Ayon kay An-Nawās bin Sam`ān Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagtanong ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pagsasamabuting-loob at kasalanan, kaya nagsabi siya: "Ang pagsasamabuting-loob ay ang kagandahan ng asal. Ang kasalanan ay ang anumang lumigalig sa dibdib mo at nasuklam ka na makabatid niyon ang mga tao."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim