Hadith for the World

All hadiths

The complete card collection, filter by chapter

655 hadiths

Ayon kay Ibnu Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Alin sa inyo ang yaman ng tagapagmana niya ay higit na kaibig-ibig sa kanya kaysa sa yaman niya? Nagsabi sila: O Sugo ni Allāh, wala sa amin ni isa man na hindi higit na kaibig-ibig sa kanya ang yaman niya. Nagsabi siya: Sapagkat tunay na ang yaman niya ay ang ipinauna niya at ang yaman ng tagapagmana niya ay ang ipinahuli niya."Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magpaabot kayo tungkol sa akin kahit pa isang talata [ng Qur'ān]. Magsanaysay kayo tungkol sa mga anak ni Israel at walang pagkaasiwa. Ang sinumang nagsinungaling laban sa akin nang nananadya, lumuklok siya sa upuan niya mula sa Impiyerno."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Na may isang Arabeng disyerto na pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, gabayan mo ako sa isang gawaing kapag ginawa ko ay papasok ako sa Paraiso." Nagsabi siya: "Sasamba ka kay Allāh nang hindi ka nagtatambal sa Kanya ng anuman, magpapanatili ka ng pagdarasal, magbibigay ka ng zakāh na isinatungkulin, at mag-aayuno ka sa Ramaḍān." Nagsabi ito: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, hindi ako magdaragdag ng higit diyan." Kaya noong tumalikod ito, nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang pinagalak na tumingin sa isang lalaking kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso, tumingin siya diyan."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Sahl bin Sa`d As-Sā`idīy, malugod si Allah sa kanya: "Kung nagkataong ang mundo ay nakakatumbas sa ganang kay Allah ng isang pakpak ng lamok, hindi na sana Siya nagpainom sa isang tumatangging sumampalataya mula roon ng isang inom ng tubig."Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khuḍrīy at ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Walang dumadapo sa Muslim na pagkapata ni pagkakasakit ni alalahanin ni lungkot ni perhuwisyo ni hapis − kahit ang tinik na tumuturok sa kanya − malibang magtatakip-sala si Allāh sa pamamagitan ng mga ito sa mga kamalian niya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang karapatan ng Muslim sa Muslim ay lima: ang pagtugon sa pagbati, ang pagdalaw sa maysakit, ang pagdalo sa libing, ang pagtugon sa paanyaya, at ang pagsambit ng tashmīt sa bumahin."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Mas`ūd Al-Badrīy, malugod si Allāh sa kanya: "May tutuusing isang lalaking kabilang noon sa nauna sa inyo ngunit walang natagpuan sa kanya na kabutihan na anuman malibang siya noon ay nakikihalubilo sa mga tao. Siya noon ay nagpapaluwag. Nag-uutos siya noon sa mga utusan niya na magpaumanhin sila sa nagigipit. Nagsabi si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan: Kami ay higit na karapat-dapat doon kaysa sa kanya; magpaumanhin kayo sa kanya."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang pinakamabuting araw na sinikatan ng araw ay ang araw ng Biyernes. Dito nilikha si Adan, dito ipinasok siya sa Paraiso, dito inilabas siya mula roon. Hindi sasapit ang Huling Sandali kundi sa araw ng Biyernes."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kay rami ng [taong] gulu-gulo ang buhok na itinutulak sa mga pintuan, na kung sakaling susumpa kay Allāh ay talagang tutupad siya nito."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Naawa si Allāh sa isang lalaking mapagparaya kapag nagtinda, kapag bumili, at kapag naningil."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Kasuklam-suklam, pagkatapos kasuklam-suklam, pagkatapos kasuklam-suklam!" Sinabi: "Sino po, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang sinumang nakaabot sa mga magulang niya sa sandali ng katandaan, sa isa sa kanilang dalawa o sa kapwa nilang dalawa, ngunit hindi siya papasok sa Paraiso."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay minsang tumatahak sa daan ng Makkah saka naparaan siya sa isang bundok na tinatawag na Jumdān. Kaya nagsabi siya: "Tumahak kayo. Ito ay Jumdān. Nanguna ang mga tagapagbukod-tangi." Nagsabi sila: "Ano po ang mga tagapagbukod-tangi, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang mga lalaking tagapag-alaala kay Allāh nang madalas at ang mga babaing tagapag-alaala."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Ma`dān bin Abī Ṭalḥah Al-Ya`marīy na nagsabi: {Nakatagpo ko si Thawbān na alila ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ako: "Magpabatid ka sa akin hinggil sa isang gawaing gagawin ko, na magpapapasok sa akin si Allāh dahil dito sa Paraiso." O nagsabi ako: "... hinggil sa pinakakaibig-ibig sa mga gawain kay Allāh." Nanahimik siya. Pagkatapos tinanong ko siya saka nanahimik siya. Pagkatapos tinanong ko siya sa ikatlong pagkakataon saka nagsabi siya: "Nagtanong ako tungkol doon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi siya: 'Mamalagi ka sa dami ng pagpapatirapa kay Allāh sapagkat tunay na ikaw ay hindi nagpapatirapa ng isang pagpapatirapa malibang mag-aangat sa iyo si Allāh dahil dito ng isang antas at magbababa Siya buhat sa iyo dahil dito ng isang pagkakamali.'" Nagsabi si Ma`dān: "Pagkatapos nakatagpo ko si Abu Ad-Dardā' saka nagtanong ako sa kanya saka nagsabi naman siya sa akin ng tulad sa sinabi sa akin ni Thawbān."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Kapag nagdasal ang isa sa inyo sa gabi at bumigat ang pagbigkas ng Qur'ān sa dila niya kaya hindi niya nalaman ang sinasabi niya, matulog muna siya."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Sahl (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: {Tunay na sa Paraiso ay may pintuan na tinatawag na Ar-Rayyān. Papasok mula roon ang mga tagapag-ayuno sa Araw ng Pagbangon; walang papasok mula roon na isang iba pa sa kanila. Sasabihin: "Nasaan ang mga tagapag-ayuno?" Kaya tatayo sila; walang papasok mula roon na isang iba pa sa kanila. Kaya kapag nakapasok sila, isasara ito saka walang papasok mula roon na isa man.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Mula kay Abu-hurayrah -Malugod ang Allah sa kanya- mula sa Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay nagsabi: ((Si Dawud -Sumakanya ang pangangalaga- ay hindi siya kakain kundi mula sa gawa ng kanyang kamay)). At mula kay Almiqdam Bin Maad Yakrib -Malugod ang Allah sa kanya- mula sa Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay nagsabi: ((Hindi kailanman nakakain ng maganda ang isang tao kaysa sa kakain siya mula sa gawa ng kanyang kamay, at katotohanan ang Propeta ng Allah si Dawud -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay kakain siya mula sa gawa ng kanyang kamay)).Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "May isang lalaki noon na nagpapautang sa mga tao saka siya noon ay nagsasabi sa utusan niya: 'Kapag pumunta ka sa isang nagigipit, magpaumanhin ka sa kanya nang harinawa si Allāh ay magpaumanhin sa atin.' Makikitagpo siya kay Allāh saka magpapaumanhin Ito sa kanya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsisipag sa huling sampung araw [ng Ramaḍān] ng hindi niya ipinagsisipag sa iba pa rito.}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang lahat ng kalipunan ko ay mapagpapaumanhinan maliban sa mga naglalantad [ng kasalanan]. Tunay na kabilang sa paglalantad [ng kasalanan] na gumawa ang tao sa gabi ng isang [masamang] gawain pagkatapos magpaumaga siya habang napagtakpan na siya ni Allāh roon saka magsabi naman siya: 'O Polano, nakagawa ako kahapon ng ganito at gayon,' habang nagpamagdamag nga siya habang napagtakpan na siya ng Panginoon niya at mag-uumaga siya na magbubunyag ng pinagtakpan ni Allāh sa kanya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Sa`d bin Abī Waqqāṣ (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kami minsan ay nasa piling ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi siya: "Nawawalang-kakayahan ba ang isa sa inyo na kumita sa bawat araw ng isang libong magandang gawa?" Kaya may nagtanong sa kanya na isang tagatanong kabilang sa mga kaupuan niya: "Papaano po kikita ang isa sa amin ng isang libong magandang gawa?" Nagsabi siya: "Magluluwalhati siya ng isang daang pagluwalhati saka may maitatala para sa kanya na isang libong magandang gawa o may maibabawas sa kanya na isang libong kamalian."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Ibnu Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya-Hadith na marfu: ((Walang nararapat na kaiinggitan maliban sa dalawang bagay: Isang lalaki na pinagkalooban ni Allah ng kayamanan,pinahintulutan Niya ito na gugulin sa karapat-dapat,At isang lalaking pinagkalooban ni Allah ng karunungan,Siya ay humahatol rito at nangangaral.)) At ayon kay Ibn `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa;Buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Siya ay nagsabi :((Walang nararapat na kaiinggitan maliban sa dalawang bagay: Isang lalaki na pinagkalooban ni Allah ng Qur-an,siya ay gumaganap rito sa tuwing gabi at araw,at isang lalaki na pinagkalooban ni Allah ng kayamanan,Siya ay gumugugol rito sa tuwing gabi at araw))napagkaisahan ang katumpakan sa dalawang salaysay niya
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Hindi papasok sa Impiyerno ang isang lalaking umiyak dahil sa takot kay Allah malibang bumalik ang gatas sa suso. Hindi magtatagpo ang alabok sa [digmaan] alang-alang sa landas ni Allah at ang usok ng Impiyerno."Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), tatlong araw bago ng pagpanaw niya, na nagsasabi: "Huwag ngang mamamatay ang isa sa inyo malibang habang siya ay nagpapaganda ng palagay kay Allāh."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Az-Zubayr bin Al-`Awwām (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Talagang ang kumuha ang isa sa inyo ng lubid niya saka magdala siya ng isang bigkis ng panggatong sa ibabaw ng likod niya saka magtinda nito para makapigil si Allāh dahil dito sa [paghamak sa] mukha niya ay higit na mabuti para sa kanya kaysa sa manghingi siya sa mga tao: magbigay man sila sa kanya o magkait man sila sa kanya."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy