Hadith for the World

All hadiths

The complete card collection, filter by chapter

655 hadiths

Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanila): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Binigyan ako ng limang hindi binigyan ng mga ito ang isa man bago ko: iniadya ako sa pamamagitan ng pagkasindak [ng mga kaaway] sa layo ng paglalakbay ng isang buwan, ginawa para sa akin ang lupa bilang mapagpapatirapaan at bilang pandalisay kaya ang alinmang lalaki kabilang sa Kalipunan ko na inabutan ng ṣalāh ay magdasal siya, ipinahintulot sa akin ang mga samsam samantalang hindi ito ipinahintulot sa isa man bago ko, binigyan ako ng Pamamagitan, at ang propeta ay ipinapadala sa kalipunan niya sa partikular samantalang ipinadala ako sa mga tao sa kalahatan."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya.-Hadith na Marfu: (( Sinuman ang magsabi-ibig sabihin ay: Kapag lumabas siya sa bahay niya: Sa Ngalan ni Allah,Ipinaubaya ko ang pananalig sa Allah, walang Kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allah,Sasabihin sa kanya:Napatnubayan ka, Nalugod ka,Napangalagaan ka,at lalayo sa kanya si Satanas)) Dinagdagan ito ni Imam Abu Dawud: ((Sinabi niyang-ibig sabihin ay si Satanas- sa ibang Satanas: Papaano mo makakayanan ang isang lalaking ,napatnubayan,nasiyahan at napangalagaan?))Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud
Ayon kay Mu`ādh bin Jabal, malugod si Allah sa kanya.Buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Siya ay nagsabi:((Nagsabi si Allah-Kamahal-mahalan siya at Kapita-pitagan-Ang mga Nagmamahalan sa Kadakilaan ko,Sa kanila ay may matataas na antas mula sa liwanag,Kina-iinggitan sila ng mga Propeta at ng mga Martir.))Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay humawak sa kamay nito at nagsabi siya: "O Mu`ādh, sumpa man kay Allāh, tunay na ako ay umiibig sa iyo." Saka nagsabi siya: "Nagtatagubilin ako sa iyo, O Mu`ādh: Huwag kang makaliligta sa bawat katapusan ng ṣalāh na magsabi ng: Allāhumma a`innī `alā dhikrika wa-shukrika wa-ḥusni `ibādatik. (O Allāh, tulungan Mo ako sa pag-aalaala sa Iyo, pagpapasalamat sa Iyo, at pagpapahusay sa pagsamba sa Iyo.)"}Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām An-Nasā'īy, at Imām Aḥmad
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Hindi tumatanggap si Allāh ng ṣalāh ng isa sa inyo kapag naparumi siya [ng pagdumi o pag-ihi] hanggang sa makapagsagawa siya ng wuḍū'."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): "Ang bawat gawain ng anak ni Adan ay para sa kanya maliban sa pag-aayuno sapagkat tunay na ito ay para sa Akin at Ako ay gaganti sa Kanya." Ang pag-aayuno ay kalasag. Kapag araw ng pag-aayuno ng isa sa inyo, huwag siyang humalay at huwag siyang mag-ingay; saka kung nakipag-alipustaan sa kanya ang isa o nakipag-away ito sa kanya, magsabi siya: "Tunay na ako ay nag-aayuno." Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, talagang ang amoy ng bibig ng tagapag-ayuno ay higit na mabango sa ganang kay Allāh kaysa sa halimuyak ng musk. Ang tagapag-ayuno ay may dalawang tuwa, na natutuwa siya sa dalawang ito: Kapag tumigil-ayuno siya, matutuwa siya; at kapag nakipagkita siya sa Panginoon niya, matutuwa siya dahil sa pag-aayuno niya.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Kapag nakitagpo ang isa sa inyo sa kapatid niya, bumati siya rito; ngunit kung may nakaharang sa pagitan nilang dalawa na isang punong-kahoy o isang pader o isang bato pagkatapos nakatagpo niya ito, bumati rin siya rito."}Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nagkasakit ang tao o naglakbay siya, magtatala para sa kanya ng tulad ng dating ginagawa niya habang nananatili at malusog."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang pinakamainam na pag-alaala [kay Allāh] ay Lā ilāha illa -llāh (Walang Diyos kundi si Allāh) at ang pinakamainam na panalangin ay Alḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh)."}Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy sa Al-Kubrā, at Imām Ibnu Mājah
Ayon kay ̄ Abu Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi ba ako gagabay sa inyo sa anumang pumapawi si Allāh sa pamamagitan nito sa mga kamalian at nagtataas Siya sa pamamagitan nito ng mga antas?" Nagsabi sila: "Opo, O Sugo ni Allāh." Nagsabi siya: "Ang pagpapalubus-lubos sa pagsasagawa ng wuḍū' sa kabila ng mga kalagayang kinasusuklaman, ang dami ng paghakbang patungo sa mga masjid, at ang paghihintay sa ṣalāh matapos ng ṣalāh sapagkat iyon ang pagbabantay [para kay Allāh]."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abu Ad-Dardā' (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ba ako magbabalita sa inyo hinggil sa pinakamabuti sa mga gawa ninyo, pinakabusilak sa mga ito sa ganang May-ari ninyo, pinakaangat sa mga ito sa mga antas ninyo, pinakamabuti para sa inyo kaysa sa paggugol ng ginto at pilak, at pinakamabuti para sa inyo kaysa sa makitagpo kayo sa kaaway ninyo para tumaga kayo ng mga leeg nila at tumaga sila ng mga leeg ninyo?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Ang pag-alaala kay Allāh (napakataas Siya)."}Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad
Ayon kay Sulaymān bin Ṣurad (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ako minsan ay nakaupo kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang may dalawang lalaking nag-aalipustaan. Ang isa sa kanila ay namula ang mukha niya at namintog ang mga ugat niya sa leeg. Kaya naman nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ako ay talagang nakaaalam ng isang pangungusap na kung sakaling sinabi niya ay aalis palayo sa kanya ang ikinangingitngit niya. Kung sakaling nagsabi siya ng: A`ūdhu bi-llāhi mina -shhayṭān (Nagpapakupkop ako kay Allāh laban sa demonyo), maaalis palayo sa kanya ang ikinangingitngit niya." Kaya nagsabi sila rito: "Tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: Magpakapalakupkop ka kay Allāh laban sa demonyo." Kaya nagsabi ito: "Sa akin kaya ay may kabaliwan?"}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon sa Anak ni Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang Paraiso ay higit na malapit sa [bawat] isa sa inyo kaysa sa panali ng sandalyas niya at ang Impiyerno ay tulad niyon."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang Mundo ay bilangguan ng mananampalataya at Paraiso ng tagatangging sumampalataya."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Qatādah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mabuting panaginip ay mula kay Allāh at ang masamang panaginip ay mula sa Demonyo. Kaya kapag nanaginip ang isa sa inyo ng isang panaginip na pinangangambahan niya, dumura siya sa dakong kaliwa niya at magpakapalakupkop siya kay Allāh laban sa kasamaan nito kaya tunay na ito ay hindi makapipinsala sa kanya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Nagpapatawad si Allah sa martir sa bawat bagay maliban sa utang." Sa isang sanaysay niya: "Ang pagpatay alang-alang sa landas ni Allah ay nagtatakip-sala sa bawat bagay maliban sa utang."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi: "Ang limang dasal, ang Biyernes hanggang sa Biyernes, at ang Ramaḍān hanggang sa Ramaḍān ay mga tagatakip-sala sa pagitan ng mga ito kapag umiwas sa malalaking kasalanan."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na noon ay nagsasabi: "Allāhumma, innī as'aluka -lhudā wat'tuqa wa-l`fāfa wa-lghinā. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng patnubay, pangingilag magkasala, kalinisang-puri, at kawalang-pangangailangan.)"}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abe Hurayrah,buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi: (( Katotohanan sa isang alipin na nagsasalita ng pananalita mula sa ikalulugod ni Allah Pagkataas-taas Niya,hindi niya ito isinasaalang-alang,(hanggang) sa itinataas siya ni Allah dahil dito sa mga matataas na antas,at katotohanan,sa isang alipin na nagsasalita ng pananalita mula sa pagkapoot ni Allah Pagkataas-taas Niya,hindi niya ito isinasaalang-alang,ibaba siya dahil rito sa Impiyerno)) At ayon kay Abdurrahman Bilal bin Al-Harith Al-Muznie-malugod si Allah sa kanya-Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan--ay nagsabi;(( Katotohanan,sa isang lalaki na nagsasalita ng pananalita mula sa ikalulugod ni Allah Pagkataas-taas Niya,Hindi niya ina-akala na siya ay aabot sa anumang kanyang inabot,Isinusulat sa kanya ni Allah rito ang pagkalugod Niya hanggang sa Araw na pagharap Niya sa kanya,at Katotohanan,sa isang lalaki na nagsasalita ng pananalita mula sa pagkapoot ni Allah Pagkataas-taas Niya,Hindi niya ina-akala na siya ay aabot sa anumang kanyang inabot,Isinusulat sa kanya ni Allah rito ang pagkapoot Niya hanggang sa Araw na pagharap Niya sa kanya))Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Isinaysay ito ni Imām Mālik
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Tunay na sa Paraiso ay may isandaang antas na inihanda ni Allah para sa mga nakikibaka sa landas Niya, na ang pagitan ng dalawang antas ay gaya ng pagitan ng langit at lupa."Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Jābir, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Narinig ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsasabi: "Tunay na sa gabi ay may oras na kapag natapatan ng isang taong Muslim na humihiling kay Allah, pagkataas-taas Niya, ng kabutihang kabilang sa nauukol sa Mundo at Kabilang-buhay, bibigyan siya nito. Iyon ay sa bawat gabi."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abē Hurayrah malugod si Allāh sa kanya-Tunay na ang isang lalaki ay dumating sa Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-naniningil ng utang sa kanya, naging mapusok siya sa kanya,kaya nagalit ang kanyang mga kasamahan.Nagsabi ang Sugo ni Allāh pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-:((Hayaan ninyo siya, sapagkat ang nagmamay-ari ng karapatan ay may katuwiran)) Pagkatapos ay Nagsabi siyang:((Bigyan ninyo siya ng kamelyong kasing gulang ng kamelyo niya))Nagsabi sila:O Sugo ni Allāh! Wala kaming natagpuan maliban sa mas mataas sa gulang [ng kamelyo niya], Nagsabi siya:((Ibigay ninyo ito sa kanya, sapagkat ang pinakamainam sa inyo,yaong pinakamabuti sa inyo magbayad))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagsasabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): Ako ay nasa ganang palagay ng lingkod Ko at Ako ay kasama niya nang umaalaala siya sa Akin. Kaya kung umalaala siya sa Akin sa sarili niya, aalaala Ako sa kanya sa sarili Ko; at kung umalaala siya sa Akin sa isang konseho, aalaala Ako sa kanya sa isang konseho na higit na mabuti kaysa roon. Kung lumapit siya sa Akin nang isang dangkal, magpapakalapit Ako sa kanya nang isang bisig; at kung lumapit siya sa Akin nang isang bisig, lalapit Ako sa kanya nang isang dipa. Kung pumunta siya sa Akin nang naglalakad, pupunta Ako sa kanya nang payagyag."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Shurayḥ bin Hāni' na nagsabi: {Nagtanong ako kay `Ā'ishah. Nagsabi ako: "Sa aling bagay noon nagsisimula ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kapag pumasok siya sa bahay niya?" Nagsabi ito: "Sa siwāk."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim