Hadith for the World

All hadiths

The complete card collection, filter by chapter

655 hadiths

Ayon kay `Ubaydullāh bin Miḥṣan Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang inumaga kabilang sa inyo habang pinagaling sa katawan niya, habang tiwasay sa luklukan niya, na taglay niya ang pagkain ng araw niya, para bang ipinatamo para sa kanya ang Mundo."}Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Ibnu Mājah
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Kapag nag-amen ang imām ay mag-amen kayo sapagkat tunay na ang sinumang natapat ang pag-amen niya sa pag-amen ng mga anghel ay magpapatawad sa kanya sa nauna sa pagkakasala niya."Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay pumasok sa silid nito at sa piling nito ay may isang babae. Nagsabi siya: Sino ito? Nagsabi ito: Ito ay si Polana. Binabanggit nito ang [dami ng] pagdarasal nito. Nagsabi siya: "Ahem, manatili kayo sa nakakaya ninyo; sapagkat sumpa man kay Allah, hindi nanghihinawa si Allah hanggang sa manghinawa kayo. Ang pinakakaibig-ibig na pagrerelihiyon sa Kanya ay ang pinamamalagi ng nagsasagawa nito."Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Magpadali kayo at huwag kayong magpahirap, at magpagalak kayo at huwag kayong magpalayo ng loob."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Zayd bin Arqam (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Hindi ako magsasabi sa inyo kundi gaya ng anumang ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi. Siya noon ay nagsasabi ng: "Allāhumma innī a`ūdhu bika mina -l`ajzi, wa-lkasali, wa-ljubni, wa-lbukhli, wa-lharami, wa `adhābi -lqabr. Allāhumma, ātī nafsī taqwāhā, wa-zakkihā anta khayru man zakkāḥā, anta walīyuhā wa-mawlāhā. Allāhumma, innī a`ūdhu bika min `ilmin lā yanfa`, wa-min qalbin lā yakhsha`, wa-min nafsin lā tashba`, wa-min da`watin lā yustajābu lahā. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa kawalang-kakayahan, katamaran, karuwagan, karamutan, pag-uulyanin, at pagdurusa sa libingan. O Allāh, magbigay Ka sa sarili ko ng pangingilag magkasala nito at magpabusilak Ka nito: Ikaw ay pinakamabuti sa sinumang nagpabusilak dito; Ikaw ay ang Katangkilik nito at ang Mapagtangkilik dito. O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa kaalamang hindi nagpapakinabang, laban sa pusong hindi nagtataimtim, laban sa sariling hindi nabubusog, at laban sa panalanging hindi tinutugon.)"}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya: "Alḥamdu lillāhi -lladhī aṭ`amanā wa saqānā wa kafānā wa āwānā, fakam mimman lā kāfiya lahu wa lā mu'wiya. (Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpakain sa atin, nagpainom sa atin, nagbigay ng kasapatan sa atin, at nagpatira sa atin sapagkat kay rami ng [taong] walang nagbibigay ng kasapatan sa kanya at walang nagpapatuloy.)"Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Allāhumma innī a`ūdhu bika mina -ljū`i fainnahu bi’sa -ḍḍajī`u wa a`ūdhu bika mina -lkhiyānati fainnahā bi’sati -lbiṭānah (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa gutom sapagkat tunay na ito ay kay saklap na kasiping at nagpapakupkop sa Iyo laban sa kataksilan sapagkat tunay na ito ay kay saklap na kapalagayang-loob)."Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud
Ayon kay `Uqbah bin `Āmir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kaingat kayo sa pagpasok sa kinaroroonan ng mga babae." Kaya may nagsabing isang lalaking kabilang sa Anṣār: "O Sugo ni Allāh, kaya nagsaalang-alang ka po ba sa lalaking kapatid ng asawa?" Nagsabi siya: "Ang lalaking kapatid ng asawa ay ang kamatayan."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abē Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Sa Hadith na Marfū-" Habang ang isang ay naglalakad sa (napakaganda nitong) damit,namamangha ito sa sarili niya,nasuklay ang buhok niya,Kaya't pinapangyari ni Allah na lagumin siya (ng lupa), at siya ay malulubog sa ilalim ng lupa hanggang sa Araw ng Pagkabuhay"Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfuo-:((Iniaalay ang ang gawain sa araw ng Lunes at Huwebes,at ibig ko na ialay ang aking mga gawain na ako ay nag-aayuno)) At sa isang salaysay:(( Binubuksan ang mga pintuan ng Paraiso sa araw ng Lunes at Huwebes,pinapatawad ang bawat alipin na hindi nagtambal kay Allah kahit isang beses,maliban sa isang lalaki na nagkaroon sa pagitan niya at pagitan ng kapatid niya na Hindi Pagkaka-unawaan,at sinasabi sa kanila: Ipag-pahuli ninyo silang dalawa hanggang sa magbati silang dalawa, Ipag-pahuli ninyo silang dalawa hanggang sa magbati silang dalawa,)) At sa isang salaysay:((Iniaalay ang mga gawain sa tuwing araw ng Lunes at Huwebes,patatawarin ni Allah ang bawat tao na nagtambal kay Allah kahit isang beses,maliban sa isang tao na nagkaroon sa pagitan niya at pagitan ng kapatid niya na Hindi Pagkaka-unawaan,at sasabihin sa kanila:Iwan ninyo silang dalawa hanggang sa magbati silang dalawa.))Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang pinakamabuti sa inyo ay ang sinumang nagpakatuto ng Qur'ān at nagturo nito."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsasabi: "Allāhumma innī a`ūdhu bika mina -l`ajzi wa -lkasli wa -ljubni, wa -lharami, wa -lbukhl; wa a`ūdhu bika min `adhābi -lqabri; wa a`ūdhu bika min fitnati -lmaḥyā wa -lmamāti. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa kawalang-kakayahan, katamaran, karuwagan, pag-uulyanin, at karamutan; nagpapakupkop sa Iyo laban sa pagdurusa sa libingan at laban sa pagdurusa sa Impiyerno; at nagpapakupkop sa Iyon laban sa tukso ng buhay at kamatayan.)" Sa isang sanaysay: "wa ḍala`i -ddayni wa ghalabati -rrijāl. (bigat ng utang, at panggagapi ng mga tao.)"Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay `Alīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi sa akin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sabihin mo: O Allāh, magpatnubay Ka sa akin at magtama Ka sa akin. Mag-alaala ka sa patnubay bilang kapatnubayan mo sa daan at sa pagkatama bilang pagkatama ng palaso."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Khawlah bint Ḥakīm As-Sulamīyah na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang tumuloy sa isang tuluyan pagkatapos nagsabi ng: A`ūdhu bi-kalimāti -llāhi -ttāmmāti min sharri mā khalaq (Nagpapakupkop ako sa mga ganap na salita ni Allāh laban sa kasamaan ng anumang nilikha Niya), hindi siya pipinsalain ng anuman hanggang sa lumisan siya sa tuluyan niyang iyon."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ako ay maging higit na iniibig sa kanya kaysa sa magulang niya, anak niya, at mga tao sa kalahatan."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon sa ilan sa mga maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang pumunta sa isang manghuhula saka nagtanong doon tungkol sa isang bagay, hindi tatanggap sa kanya nang apatnapung araw ng isang pagdarasal."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay A-ieshah-malugod si Allah sa kanya -Na ang Sugo ni Allah-Pagplain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsasabi sa pagyuko niya at pagtirapa niya:(( Napaka-Maluwalhati Niya,Napaka-Banal Niya,Panginoon ng mga Anghel at ni Anghel Jibreel))Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: Itinalaga lamang ang imām upang sundan kaya huwag kayong umiba sa kanya. Kapag nagsagawa siya ng takbīr, magsagawa kayo ng takbīr. Kapag yumukod siya, yumukod kayo. Kapag nagsabi siya ng Sami`a -llāhu liman ḥamidah (Dinggin nawa ni Allāh ang sinumang nagpuri sa Kanya), magsabi kayo ng Rabbanā wa laka -lḥamd (Panginoon namin, at ukol sa Iyo ang papuri). Kapag nagpatirapa siya, magpatirapa kayo. Kapag nagdasal siya nang nakaupo, magdasal kayo nang mga nakaupong lahat.Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Kapag hihiga ang isa sa inyo sa higaan niya, pagpagin niya ang higaan niya ng laylayang panloob ng tapis niya sapagkat tunay na siya ay hindi nakaaalam kung ano ang pumalit sa kanya sa ibabaw nito. Pagkatapos ay magsabi siya: Bi-smika rabbī waḍa`tu jambī wa bika arfa`uhu in amsakta nafsī fa-rḥamhā wa in arsaltahā fa-ḥfađhā bimā taḥfađu bihi `ibādaka -ṣṣāliḥīn (Sa ngalan mo, Panginoon ko, inilalapag ko ang tagiliran ko. Kung pipigilin Mo ang kaluluwa ko ay kaawaan Mo ito. Kung palalayain Mo ito ay pangalagaan Mo ito ng ipinangangalaga Mo sa mga lingkod Mong matutuwid)."Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Magpakupkop kayo kay Allāh laban sa hirap ng kasawian, sa pagkaabot ng kahapisan, sa kasamaan ng wakas, at sa pagkatuwa ng mga kaaway." Sa isang sanaysay, nagsabi si Sufyān: "Nagdududa ako na ako ay nagdagdag ng isa man mula rito."Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsasabi noon: "Allāhumma innī a`ūdhu bika min -lbaraṣi wa -ljunūni wa -ljudhāmi wa sayyi'i -l'asqām (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa an-an, kabaliwan, ketong, at masamang mga karamdaman)."Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya-buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya: "Ang pinakamalaki mula sa mga malalaking kasalanan ay: Ang Pagtatambal sa Allah,at [Ang pagdama ng] kaligtasan laban sa [binabalak na] kaparusahan ni Allah,at Ang kawalan ng Pag-asa mula sa Habag ni Allah,at Ang panghinaan ng loob mula sa Awa ni Allah"Isinaysay ito ni `Abdurrazzāq
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya): {May isang pangkat ng mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagtanong sa mga maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa gawain niya sa lihim [na kalagayan]. Nagsabi ang isa sa kanila: "Hindi ako mag-aasawa ng mga babae." Nagsabi ang isa pa sa kanila: "Hindi ako kakain ng karne." Nagsabi naman ang isa pa sa kanila: "Hindi ako matutulog sa higaan." Kaya pumuri siya kay Allāh at nagbunyi sa Kanya saka nagsabi: "Ano ang isip ng mga taong nagsasabi ng ganito? Subalit ako ay nagdarasal, natutulog, nag-aayuno, tumitigil-ayuno, at nakikipagtalik sa mga babae. Kaya ang sinumang umayaw sa sunnah ko ay hindi kabilang sa akin."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdullāh bin Khubayb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Lumabas kami sa isang gabing maulan at isang kadilimang matindi, habang naghahanap kami sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na mamumuno sa amin sa ṣalāh. Nagsabi ito: Nakaabot ako sa kanya saka nagsabi siya: "Magsabi ka," ngunit hindi ako nagsabi ng anuman. Pagkatapos nagsabi siya: "Magsabi ka," ngunit hindi ako nagsabi ng anuman. Nagsabi siya: "Magsabi ka," kaya nagsabi ako: "Ano po ang sasabihin ko?" Nagsabi siya: "Ang Qul huwa -llāhu aḥad... (Qur'ān112) at ang dalawang ipinampapakupkop (Qur'ān 113 at Qur'ān 114) kapag gumagabi at kapag nag-uumaga nang tatlong ulit. Sasapat ang mga ito sa iyo laban sa bawat bagay."}Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īy