Hadith for the World
Topic

Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

288 hadiths

288 hadiths

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakalubos sa mga mananampalataya sa pananampalataya ay ang pinakamaganda sa kanila sa kaasalan. ِAng pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamabuti sa inyo sa mga kababaihan nila."}Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām Aḥmad
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang Mundo ay natatamasa at ang pinakamabuti sa natatamasa sa Mundo ay ang babaing maayos."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Nagsabi si Allāh: Gumugol ka, O anak ni Adan, gugugol Ako sa iyo."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
عن أبي موسى الأشعري رضي الله عنه مرفوعاً: «على كل مسلم صدقة» قال: أرأيت إن لم يجد؟ قال: «يعمل بيديه فينفع نفسه ويتصدق» قال: أرأيت إن لم يستطع؟ قال: «يُعِينُ ذا الحاجة المَلْهُوفَ» قال: أرأيت إن لم يستطع، قال: «يأمر بالمعروف أو الخير». قال: أرأيت إن لم يفعل؟ قال: «يُمسك عن الشر، فإنها صدقة».متفق عليه
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Kapag nag-amen ang imām ay mag-amen kayo sapagkat tunay na ang sinumang natapat ang pag-amen niya sa pag-amen ng mga anghel ay magpapatawad sa kanya sa nauna sa pagkakasala niya."Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay pumasok sa silid nito at sa piling nito ay may isang babae. Nagsabi siya: Sino ito? Nagsabi ito: Ito ay si Polana. Binabanggit nito ang [dami ng] pagdarasal nito. Nagsabi siya: "Ahem, manatili kayo sa nakakaya ninyo; sapagkat sumpa man kay Allah, hindi nanghihinawa si Allah hanggang sa manghinawa kayo. Ang pinakakaibig-ibig na pagrerelihiyon sa Kanya ay ang pinamamalagi ng nagsasagawa nito."Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay `Uqbah bin `Āmir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kaingat kayo sa pagpasok sa kinaroroonan ng mga babae." Kaya may nagsabing isang lalaking kabilang sa Anṣār: "O Sugo ni Allāh, kaya nagsaalang-alang ka po ba sa lalaking kapatid ng asawa?" Nagsabi siya: "Ang lalaking kapatid ng asawa ay ang kamatayan."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfuo-:((Iniaalay ang ang gawain sa araw ng Lunes at Huwebes,at ibig ko na ialay ang aking mga gawain na ako ay nag-aayuno)) At sa isang salaysay:(( Binubuksan ang mga pintuan ng Paraiso sa araw ng Lunes at Huwebes,pinapatawad ang bawat alipin na hindi nagtambal kay Allah kahit isang beses,maliban sa isang lalaki na nagkaroon sa pagitan niya at pagitan ng kapatid niya na Hindi Pagkaka-unawaan,at sinasabi sa kanila: Ipag-pahuli ninyo silang dalawa hanggang sa magbati silang dalawa, Ipag-pahuli ninyo silang dalawa hanggang sa magbati silang dalawa,)) At sa isang salaysay:((Iniaalay ang mga gawain sa tuwing araw ng Lunes at Huwebes,patatawarin ni Allah ang bawat tao na nagtambal kay Allah kahit isang beses,maliban sa isang tao na nagkaroon sa pagitan niya at pagitan ng kapatid niya na Hindi Pagkaka-unawaan,at sasabihin sa kanila:Iwan ninyo silang dalawa hanggang sa magbati silang dalawa.))Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay A-ieshah-malugod si Allah sa kanya -Na ang Sugo ni Allah-Pagplain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsasabi sa pagyuko niya at pagtirapa niya:(( Napaka-Maluwalhati Niya,Napaka-Banal Niya,Panginoon ng mga Anghel at ni Anghel Jibreel))Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: Itinalaga lamang ang imām upang sundan kaya huwag kayong umiba sa kanya. Kapag nagsagawa siya ng takbīr, magsagawa kayo ng takbīr. Kapag yumukod siya, yumukod kayo. Kapag nagsabi siya ng Sami`a -llāhu liman ḥamidah (Dinggin nawa ni Allāh ang sinumang nagpuri sa Kanya), magsabi kayo ng Rabbanā wa laka -lḥamd (Panginoon namin, at ukol sa Iyo ang papuri). Kapag nagpatirapa siya, magpatirapa kayo. Kapag nagdasal siya nang nakaupo, magdasal kayo nang mga nakaupong lahat.Napagkaisahan ang katumpakan
عن عمرو بن العاص رضي الله عنه أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: «فَصْلُ مَا بَيْنَ صِيَامِنَا وصِيَامِ أهْلِ الكِتَابِ، أكْلَةُ السَّحَرِ».رواه مسلم
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakagalante sa mga tao. Siya noon ay ang pinakagalante sa Ramaḍān kapag nakikipagtagpo sa kanya si Anghel Gabriel. Siya noon ay nakikipagtagpo rito sa bawat gabi ng Ramaḍān saka nakikipag-aralan siya rito ng Qur'ān. Kaya talagang ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakagalante sa kabutihan kaysa sa hanging isinugo.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Anas bin Malik-malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya:((Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay kumakain ng Iftar bago magdasal,ng mga Rutab,at kapag hindi ang mga Rutab ay ang mga Tam`r at kapag hindi ang mga Tam`r ,ay umiinom siya ng dahan-dahan mula sa tubig.Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Aieshah-malugod si Allah sa kanya-siya nagsabi:Hindi ginawa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na mag-ayuno ng maraming beses sa mga buwan maliban sa Sha`ban,Sapagkat siya ay nag-aayuno sa lahat ng (Araw) Sha`ban.At sa isang salaysay: Siya ay nag-aayuno sa (Araw ng) Sha`ban maliban sa iilang araw lamang.Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Zuhayr bin `Umārah bin Ru’aybah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang lulusot sa Impiyerno na isang nagdarasal bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog nito."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abdullah bin Abbas-malugod si Allah sa kanilang dalawa-buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Sinabi niya:((At kung mananatili pa ako sa hinaharap,talagang mag-aayuno ako sa ika-siyam))Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Al-Aswad bin Yazīd na nagsabi: {Nagtanong ako kay `Ā'ishah kung ano ang ginagawa noon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa bahay niya. Nagsabi ito: "Siya noon ay nasa paglilingkod sa mag-anak niya," tumutukoy siya sa pagsisilbi sa mag-anak niya, "saka kapag sumapit ang pagdarasal, lumalabas siya papunta sa pagdarasal."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Walang anumang isang taong Muslim na dinaratnan ng isang ṣalāh na iniatas saka nagpapahusay siya ng pagsasagawa ng wuḍū' dito, kataimtiman dito, at pagyukod dito, malibang ito ay nagiging isang panakip-sala sa anumang bago nito na mga pagkakasala, hanggat hindi siya nakagawa ng isang malaking kasalanan. Iyon ay ang panahon sa kabuuan nito."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang anumang mga araw na ang maayos na gawain sa mga iyon ay higit na kaibig-ibig kay Allāh kaysa sa mga araw na ito." Tumutukoy siya sa unang sampung araw [ng Dhulḥijjah]. Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, ni ang pakikibaka sa landas ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ni ang pakikibaka sa landas ni Allāh, maliban sa isang lalaking lumabas kalakip ng buhay niya at ari-arian niya saka hindi na bumalik mula roon na may anuman."}Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Abū Dāwud at ang pagkakasambit ay sa kanya
Ayon kay Ka`b bin `Ujrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "May mga binabalik-balikang hindi nabibigo ang tagapagsabi ng mga ito – o ang tagagawa ng mga ito – sa katapusan ng bawat ṣalāh na iniatas: Tatlumpu't tatlong pagluluwalhati, tatlumpu't tatlong pagpapapuri, at tatlumpu't apat na pagdadakila."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Buraydah bin Al-Ḥuṣayb (malugod si Allāh sa kanya), siya ay nagsabi: {Magpakaaga kayo sa ṣalāh sa hapon sapagkat tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nagwaksi ng ṣalāh sa hapon, bumagsak nga ang gawa niya."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Uthmān bin `Affān (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagsagawa ng wuḍū' saka nagpaganda sa wuḍū', lalabas ang mga kasalanan niya mula sa katawan niya hanggang sa lumabas ang mga ito sa ilalim ng mga kuko niya."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
عن زيد بن خالد الجهني رضي الله عنه عن النبي صلى الله عليه وسلم أنه قال: «مَنْ فَطَّرَ صائمًا، كان له مِثْلُ أجْرِهِ، غَيْرَ أنَّهُ لاَ يُنْقَصُ مِنْ أجْرِ الصَّائِمِ شَيْءٌ».رواه الترمذي وابن ماجه والنسائي في الكبرى والدارمي وأحمد
Ayon kay Sa`d bin Abī Waqqāṣ (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang nagsabi, kapag naririnig niya ang mu'adhdhin, ng: Ashhadu an lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lah, wa-anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. Raḍītu bi-llāhi rabban, wa-bi-muḥammadir rasūlan, wa-bi-l'islāmi dīnā. (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya; at na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya. Nalugod ako kay Allāh bilang Panginoon, kay Muḥammad bilang Sugo, at sa Islām bilang Relihiyon.), patatawarin para sa kanya ang pagkakasala niya."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim