Hadith for the World
Topic

Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

288 hadiths

288 hadiths

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong mag-inggitan. Huwag kayong magpataasan sa tawad. Huwag kayong magmuhian. Huwag kayong magtalikuran. Huwag magtinda ang ilan sa inyo bilang panunulot sa pagtitinda ng iba pa. Maging mga lingkod kayo ni Allāh bilang magkakapatid. Ang Muslim ay kapatid ng Muslim. Hindi siya nang-aapi nito. Hindi siya nagkakanulo nito. Hindi siya nanghahamak nito. Ang pangingilag magkasala ay narito." Tumuturo siya sa dibdib niya nang tatlong ulit. "Nasa kasapatan sa isang tao bilang kasamaan na manghamak siya ng kapatid niyang Muslim. Ang lahat sa Muslim sa kapwa Muslim ay bawal labagin: ang dugo niya, ang ari-arian niya, at ang dangal niya."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {May isang lalaking nagsabi sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magtagubilin ka po sa akin." Nagsabi siya: "Huwag kang magalit." Kaya umulit ito nang makailan. Nagsabi siya: "Huwag kang magalit."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tunay na siya ay nakarinig sa Propeta ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Kung sakali na kayo ay nananalig kay Allāh nang totoong pananalig sa Kanya, talaga sanang tumustos Siya sa inyo gaya ng pagtustos Niya sa mga ibon: umaalis ang mga ito sa umaga na impis at bumabalik ang mga ito sa hapon na bundat."}Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagpawi buhat sa isang mananampalataya ng isang pighati mula sa mga pighati sa Mundo, magpapawi si Allāh buhat sa kanya ng isang pighati mula sa mga pighati sa Araw ng Pagbangon. Ang sinumang nagpaginhawa sa isang nagigipit, magpapaginhawa si Allāh sa kanya sa Mundo at Kabilang-buhay. Ang sinumang nagtakip sa isang Muslim, magtatakip sa kanya si Allāh sa Mundo at Kabilang-buhay. Si Allāh ay nasa pagtulong sa tao hanggat ang tao ay naging nasa pagtulong sa kapwa niya. Ang sinumang tumahak sa isang daan habang naghahanap dahil doon ng isang kaalaman, magpapadali si Allāh para sa kanya dahil doon sa isang daan patungo sa Paraiso. Walang nagtitipong mga tao sa isang bahay kabilang sa mga bahay ni Allāh, na bumibigkas ng Aklat ni Allāh at nag-aaralan nito sa gitna nila, malibang bababa sa kanila ang kapanatagan, babalot sa kanila ang awa, magpapaligid sa kanila ang mga anghel, at babanggit sa kanila si Allāh sa sinumang nasa piling Niya. Ang sinumang nagpabagal sa kanya ang gawa niya, hindi magpapabilis sa kanya ang kaangkanan niya."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: سمعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول: «وَاللهِ إني لأَسْتَغْفِرُ اللهَ وأَتُوبُ إليهِ في اليومِ أَكْثَرَ من سَبْعِينَ مَرَّةً».رواه البخاري
Ayon kay Agharr (malugod si Allāh sa kanya), na kabilang sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O mga tao, magbalik-loob kayo kay Allāh sapagkat tunay na ako ay nagbabalik-loob sa Kanya nang isandaang ulit sa isang araw."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa isinasaysay niya tungkol sa Panginoon niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Nagsabi siya: {Nagkasala ang isang tao ng isang pagkakasala kaya nagsabi ito: "O Allāh, magpatawad Ka sa akin ng pagkakasala ko." Kaya magsasabi naman Siya (napakamapagpala Siya at napakataas): "Nagkasala ang lingkod Ko ng isang pagkakasala saka nakaalam siya na mayroon siyang isang Panginoong nagpapatawad sa pagkakasala at nagpaparusa sa pagkakasala." Pagkatapos nanumbalik ito saka nagkasala ito saka nagsabi ito: "O Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin ng pagkakasala ko." Kaya magsasabi Siya (napakamapagpala Siya at napakataas): "Nagkasala ang lingkod Ko ng isang pagkakasala saka nakaalam siya na mayroon siyang isang Panginoong nagpapatawad sa pagkakasala at nagpaparusa sa pagkakasala. Gawin mo ang niloob mo sapagkat nagpatawad nga Ako sa iyo."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abē Umāmah-malugod si Allāh sa kanya-Katotohanan na ang Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-kapag itinaas niya ang dulang niya-sinasabi niyang:(( Ang lahat ng papuri ay sa Allāh,Taglay [Niya] ang maraming pagpupuri, ang mga magaganda at pagpapala,Hindi ito mababayaran o di kaya ay maiwanan,o di kaya ay maaaring gawin na wala ang ating Panginoon))Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Hindi natutuklaw ang Mananampalataya mula sa iisang lungga nang dalawang ulit."Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Jarīr (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang pinagkaitan ng kabaitan, pinagkaitan siya ng kabutihan."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Ako noon ay naglalakad kasama ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, habang.nakasuot siya ng isang balabal na Najrāno na makapal ang gilid. Naabutan siya ng isang arabeng disyerto. Hinatak nito siya sa balabal niya nang matinding hatak kaya nakita ko ang gilid ng balikat ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at bumakat nga doon ang gilid ng balabal dahil sa tindi ng hatak nito. Pagkatapos ay nagsabi ito: O Muḥammad, mag-utos ka para sa akin na bigyan ako mula sa yaman ni Allah na nasa iyo. Kaya lumingon siya rito at tumawa. Pagkatapos ay nag-utos siya na bigyan ito."Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kung sakaling nagkaroon ang anak ni Adan ng dalawang lambak ng yaman, talaga sanang naghangad siya ng ikatlong lambak. Hindi nakapupuno sa sikmura ng anak ni Adan kundi ang alabok. Tumatanggap si Allāh ng pagbabalik-loob ng sinumang nagbalik-loob."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Mula kay Abū Hurayrah -(malugod si Allah sa kanya)-: "Hindi kailan man kinadustaan ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ang anumang pagkain, kung ito'y kinagagalakan niya ay kakainin niya, at kung ito'y kinasusuklaman niya ito'y iiwan niya".Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon sa sandali ng pighati: "Lā ilāha illā -llāhu -l`aḍ̆īmu -lḥalīm. Lā ilāha illā -llāhu rabbu -l`arshi -l`aḍ̆īm. Lā ilāha illā -llāhu rabbu -ssamawāti wa-rabbu -l'arḍi wa-rabbu -l`arshi -lkarīm. (Walang Diyos kundi si Allāh, ang Sukdulan, ang Matimpiin. Walang Diyos kundi si Allāh, ang Panginoon ng tronong sukdulan. Walang Diyos kundi si Allāh, ang Panginoon ng mga langit at ang Panginoon ng lupa at ang Panginoon ng tronong marangal.)"}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag humikab ang isa sa inyo, magpigil siya sa pamamagitan ng kamay niya sa bibig niya sapagkat tunay na ang demonyo ay pumapasok."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Nakaaalam ba kayo kung ano ang panlilibak?" Nagsabi sila: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maalam." Nagsabi siya: "[Ito] ang pagbanggit mo ng kapatid mo hinggil sa anumang kasusuklaman niya." Sinabi: "Kaya ano po sa tingin mo kung nasa kapatid ko ang sinasabi ko?" Nagsabi siya: "Kung naging nasa kanya ang sinasabi mo, nanlibak ka nga sa kanya; at kung hindi ito naging nasa kanya, nanirang-puri ka nga sa kanya."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Ibn `Umar, malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu: ((Ang kawalan ng katarungan ay dilim sa Araw ng Pagkabuhay)) Ayon kay Jaber-maalugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu: ((Mangilag kayo sa kawalan ng katarungan sapagkat ang kawalan ng katarungan ay dilim sa Araw ng Pagkabuhay,Mangilag kayo sa pagiging maramot,sapagkat dahil dito kaya nalipon ang mga nauna sa inyo))Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Khawlah Al-Anṣārīyah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na may mga lalaking gumugugol sa yaman ni Allāh nang walang katarungan kaya ukol sa kanila ang Impiyerno sa Araw ng Pagbangon."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Kaingat kayo sa pagpapalagay sapagkat tunay na ang pagpapalagay ay pinakasinungaling na pag-uusap. Huwag kayong maghanap ng kasiraan, huwag kayong maniktik, huwag kayong mag-inggitan, huwag kayong magtalikuran, at huwag kayong magmuhian. Maging mga lingkod ni Allāh kayo bilang magkakapatid."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang pang-aalipusta sa Muslim ay kasuwailan at ang pakikipaglaban sa kanya ay kawalang-pananampalataya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya: "Kapag kayo ay tatlo ay huwag magbulungan ang dalawa na hindi kasama ang isa pa, malibang nakahalo kayo sa mga tao, dahil iyon ay magpapalungkot sa kanya."Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tumingin kayo sa sinumang nasa ibaba mula sa inyo at huwag kayong tumingin sa sinumang siya ay nasa itaas ninyo sapagkat iyon ay higit marapat na hindi kayo manlait sa biyaya ni Allāh sa inyo."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya.-Hadith na marfu : ((Ang lahat ng anak ni Adan ay nagkakamali at ang pinakamainam sa mga nagkakamali ay yaong nagbabalik-loob))Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dārimīy
Ayon kay Abū Dharr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi sa akin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag ka ngang magmamaliit mula sa nakabubuti ng anuman, kahit man lamang na sumalubong ka sa kapatid mo nang may maaliwalas na mukha."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim