Hadith for the World
Topic

Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

288 hadiths

288 hadiths

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang matipuno ay hindi sa pagbuno; tanging ang matipuno ay ang nagpipigil ng sarili niya sa sandali ng pagkagalit."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu: "Babati ang maliit sa malaki,at ang naglalakad sa nakaupo, at ang kaunti sa marami" at sa ibang salaysay : " At ang nakasakay sa naglalakad"Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Mas`ūd Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Tunay na ako ay nawalan ng masasakyan kaya magpasakay ka sa akin." Kaya nagsabi siya: "Wala akong taglay." Kaya may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, ako ay gagabay sa kanya sa sinumang magsasakay sa kanya." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh: "Ang sinumang gumabay sa isang kabutihan, ukol sa kanya ang tulad sa pabuya ng tagagawa nito."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu: ((Kapag nagsuot ng tsinelas [o sapatos] ang isa sa inyo,simulan niya ito sa kanan,at kapag tinanggal niya ito,simulan niya ito sa kaliwa;at sikapin na ang kanan ang siyang maging una sa pagsuot at ang iba nito ay sa pagtanggal))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong mang-alipusta sa mga patay sapagkat tunay na sila ay humantong sa [mga gawang] ipinauna nila."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Abū Ayyūb Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi ipinahihintulot sa isang tao na umiwas sa kapatid niya nang mahigit sa tatlong gabi. Nagsasalubong silang dalawa saka tatalikod ito at tatalikod iyan. Ang pinakamabuti sa kanilang dalawa ay ang nagpapasimula ng pagbati."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Jubayr bin Muṭ`im (malugod si Allāh sa kanya), siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Hindi papasok sa Paraiso ang isang tagaputol ng ugnayan sa kaanak."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi titingin si Allāh sa sinumang kumakaladkad ng kasuutan niya dala ng kapalaluan."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang umibig na paluwagan para sa kanya sa panustos sa kanya at antalaan para sa kanya sa taning niya ay magpanatili siya ng ugnayan sa kaanak niya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
عن عبد الله بن عمرو بن العاص رضي الله عنهما أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: «من الكبائر شَتْمُ الرجل والديه» قيل: وهل يسبّ الرجل والديه؟ قال: «نعم، يسبّ أبا الرجل فيسبّ أباه، ويسبّ أمّه، فيسبّ أمّه».متفق عليه
Ayon kay `Abdurraḥmān bin Abī Laylā na nagsabi: {Nakipagtagpo sa akin si Ka`b bin `Ujrah saka nagsabi ito: "Hindi ba ako magreregalo sa iyo ng isang regalo? Tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay lumabas sa amin saka nagsabi kami: "O Sugo ni Allāh, nakaalam na kami kung papaano kaming babati sa iyo kaya naman papaano kaming dadalangin ng basbas sa iyo?" Nagsabi siya: "Kaya magsabi kayo: Allāhumma ṣalli `alā muḥammadin wa-`alā āli Muḥammad, kamā ṣallayta `alā ibrāhīma wa-`alā āli ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd. Allāhumma bārik `alā muḥammadin wa-`alā āli muḥammad, kamā bārakta `alā ibrāhīma wa-`alā āli ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd. (O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbasbas Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal. O Allāh, biyayaan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbiyaya Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal.)"}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang pinakamalapit na lagay na ang tao ay magiging mula sa Panginoon niya ay habang siya ay nakapatirapa, kaya damihan ninyo ang pagdalangin."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Umāmah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Narinig ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsasabi: Bigkasin ninyo ang Qur'an sapagkat tunay na ito ay darating sa Araw ng Pagkabuhay bilang tagapamagitan sa mga tagatangkilik nito."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abe Zarr Al-Ghaffarie-malugod si Allah sa kanya-Buhat sa Sugo ni Allah-Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Ipapa-alam koba sa iyo ang pinaka-mamahal na salita para kay Allah? Katotohanan ang pinaka-mamahal na salita para kay Allah: (Subhanallahi Wa Bihamdihi);Napaka-Maluwalhati ni Allah at Ang lahat ng Papuri ay sa kanya.Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay magsabi siya ng mabuti o manahimik siya. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay magparangal siya sa kapitbahay niya. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay magparangal siya sa panauhin niya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Jarīr bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang hindi naaawa sa mga tao ay hindi maaawa sa kanya si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan)."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "May dalawang biyaya na nagulangan sa dalawang ito ang marami sa mga tao: ang kalusugan at ang kawalang-gawain."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu:((Sumpa sa kaluluwa ko na nasa Kamay Niya,Kung hindi kayo nagkakasala,aalisin kayo ni Allah,at papalitan [kayo] ni Allah ng mga grupo ng tao na nagkakasala,at humihingi ng kapatawaran sa Allah-Pagkataas-taas Niya,at papatawarin sila))Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya: "Dadalhin ang Impiyerno sa araw na iyon nang may pitumpong libong harnes na sa bawat harnes ay may pitumpong libong anghel na kumakaladkad sa mga ito."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon sa pagkapatirapa niya: "Allāhumma -ghfir lī dhambī kullahu: diqqahu wa-jillahu, wa-awwalahu wa-ākhirahu, wa-`alāniyatahu wa-sirrahu. (O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa pagkakasala ko sa lahat ng ito: kaliit-liitan nito at kalaki-lakihan nito, una nito at huli nito, at hayagan nito at lihim nito.)"}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Tunay na ang pinakakasuklam-suklam sa mga lalaki para kay Allāh ay ang pinakapalaban sa mga kaalitan."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tinanong ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pinakamadalas magpapapasok sa mga tao sa Paraiso, kaya naman nagsabi siya: "Ang pangingilag magkasala kay Allāh at ang kagandahan ng kaasalan." Tinanong siya tungkol sa pinakamadalas magpapapasok sa mga tao sa Impiyerno, kaya naman nagsabi siya: "Ang bibig at ang ari."}Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad
Ang mga matitirang matuwid ay Lā ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allah), Subḥāna –llāh (Napakamaluwalhati ni Allah), Al-ḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allah), at Lā ḥawla wa lā qūwata illā bi-llāh (Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allah)Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Habba`n - Isinalaysay ito ni Imām Al-Ḥākim - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang panalangin ay hindi tinatanggihan sa pagitan ng adhān at iqāmah."}Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īy