TopicAng mga Kainaman at ang mga Kaasalan
288 hadiths
288 hadiths
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi: "Allāhumma aṣliḥ lī dīni -lladhī huwa `iṣmatu amrī, wa-aṣliḥ lī dunyāya -llatī fīhā ma`āshī, wa-aṣliḥ lī ākhirati -llatī fīhā ma`ādī, wa-j`ali -lḥayāta ziyādatan lī fī kulli khayr, wa-j`ali -lmawta rāḥatan lī min kulli sharr. (O Allāh, isaayos Mo para sa akin ang buhay panrelihiyon ko, na ito ang pananggalang ng nauukol sa akin; isaayos Mo para sa akin ang buhay pangmundo ko, na narito ang kabuhayan ko; isaayos Mo para sa akin ang buhay na pangkabilang-buhay ko, na naroon ang balikan ko, gawin Mo ang buhay bilang karagdagan para sa akin sa bawat kabutihan, at gawin Mo ang kamatayan bilang kapahingahan para sa akin sa bawat kasamaan.)"}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), siya noon ay dumadalangin ng panalanging ito: "Rabbi -ghfir lī khaṭī’atī wa-jahlī wa-isrāfī fī amrī kullihi wa-mā anta a`lamu bihi minnī. Allāhumma -ghfir lī khaṭāyāya wa-`amdī wa-jahlī wa-hazlī wa-kullu dhālika `indī. Allāhumma -ghfir lī mā qaddamtu wa-mā akhkhartu, wa-mā asrartu wa-mā a`lantu. Anta -lmuqaddimu wa-anta -lmu’akhkhiru, wa-anta `alā kulli shay’in qadīr. (O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa pagkakamali ko, pagkamangmang ko, pagpapakalabis ko sa nauukol sa akin sa kabuuan nito, at anumang Ikaw ay higit na nakaaalam niyon kaysa sa akin. O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa mga pagkakamali ko, pananadya ko, pagkamangmang ko, at pagbibiro ko. Ang lahat ng iyon ay sa ganang akin. O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa anumang ipinauna ko at anumang ipinahuli ko, at anumang inilihim ko at anumang inihayag ko. Ikaw ay ang Tagapagpauna at Ikaw ay ang Tagapagpahuli. Ikaw sa bawat bagay ay May-kakayahan.)"}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Hindi nangyaring ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-iiwan ng mga panalanging ito kapag gumagabi at kapag nag-uumaga: "Allāhumma innī as’aluka -l`āfiyata fi -ddunyā wa-l’ākhirah. Allāhumma innī as’aluka -l`afwa wa-l`āfiyata fī dīnī wa-dunyāya wa-ahlī wa-mālī. Allāhumma -stur `awratī (o: `awrātī) wa-āmin raw`ātī. Allāhumma -ḥfaḏnī mim bayni yadayya wa-min khalfī wa-`an yamīnī wa-`an shimālī wa-min fawqī, wa-a`ūdhu bi-`aḏamatika an ughtāla min taḥtī. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng kagalingan sa Mundo at Kabilang-buhay. O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng paumanhin at kagalingan sa buhay panrelihiyon ko, buhay pangmundo ko, mag-anak ko, at ari-arian ko. O Allāh, pagtakpan Mo ang kahihiyan ko (o: ang mga kahihiyan ko) at patiwasayin Mo ang mga pangingilabot ko. O Allāh, ingatan Mo ako mula sa harapan ko at sa likuran ko, sa dakong kanan ko at sa dakong kaliwa ko, at mula sa itaas ko. Nagpapakupkop ako sa kadakilaan Mo na hindi ako paslangin mula sa ilalim ko.)"}Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad
Ayon kay `Abdullāh bin Salām (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Noong dumating ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Madīnah, napasugod ang mga tao sa dako niya at sinabi: "Dumating ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), dumating ang Sugo ni Allāh, dumating ang Sugo ni Allāh" nang tatlong ulit. Kaya dumating ako sa mga tao upang tumingin. Noong nakaaninag ako sa Mukha niya, nalaman ko na ang mukha niya ay hindi isang mukha ng isang palasinungaling. Ang kauna-unahang bagay na narinig ko na sinalita niya ay na nagsabi siya: "O mga tao, magpalaganap kayo ng kapayapaan, magpakain kayo ng pagkain, makipag-ugnayan kayo sa mga kaanak, at magdasal kayo sa gabi habang ang mga tao ay tulog; papasok kayo sa Paraiso nang may kapayapaan."}Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, siya ay nagsabi kay Thābit, kaawaan siya ni Allāh: "Hindi ko ba bibigkasin sa iyon ang ruqyah ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Allāhumma, rabba -nnāsi, mudhhibal ba'si, ishfi anta -shshāfī lā shāfiya illā anta shifā'an lā yughādiru suqmā (O Allāh, Panginoon ng mga tao, tagapag-alis ng kapinsalaan, magpagaling Ka, Ikaw ang Tagapagpagaling: walang tagapagpagaling kundi Ikaw, pagpapagaling na hindi nag-iiwan ng karamdaman)."Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Anas bin Mālik at Jābir bin `Abdillāh, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, ayon sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Siya noon, kapag kumain ng isang pagkain, ay dumidila sa tatlong daliri niya. Sinabi: At nagsabi siya: "Kapag bumagsak ang mumo ng isa sa inyo ay alisin niya rito ang dumi, kainin niya ito, at huwag niyang iwan ito sa demonyo." Ipinag-utos niya na saidin ang [laman ng] plato. Nagsabi siya: "Sapagkat tunay na kayo ay hindi nakaaalam kung nasa alin sa pagkain ninyo ang biyaya." Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsabi: "Tunay na ang demonyo ay dumadalo sa isa sa inyo sa sandali ng bawat pangyayari sa gawain niya hanggang sa dumadalo ito sa sandali ng pagkain niya. Kaya kapag bumagsak ang mumo ng isa sa inyo ay pulutin niya ito, alisin niya rito ang anumang duming kumapit dito, pagkatapos ay kainin niya ito, at huwag niyang iwan ito sa demonyo. Kapag natapos siya ay dinidilaan niya ang mga daliri niya sapagkat tunay na hindi niya nalalaman kung nasa alin sa pagkain niya ang biyaya."Isinaysay ito ni Imam Muslim sa dalawang salaysay niya