Hadith for the World
Topic

Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

288 hadiths

288 hadiths

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsasabi noon: "Allāhumma innī a`ūdhu bika min -lbaraṣi wa -ljunūni wa -ljudhāmi wa sayyi'i -l'asqām (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa an-an, kabaliwan, ketong, at masamang mga karamdaman)."Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay `Abdullāh bin Khubayb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Lumabas kami sa isang gabing maulan at isang kadilimang matindi, habang naghahanap kami sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na mamumuno sa amin sa ṣalāh. Nagsabi ito: Nakaabot ako sa kanya saka nagsabi siya: "Magsabi ka," ngunit hindi ako nagsabi ng anuman. Pagkatapos nagsabi siya: "Magsabi ka," ngunit hindi ako nagsabi ng anuman. Nagsabi siya: "Magsabi ka," kaya nagsabi ako: "Ano po ang sasabihin ko?" Nagsabi siya: "Ang Qul huwa -llāhu aḥad... (Qur'ān112) at ang dalawang ipinampapakupkop (Qur'ān 113 at Qur'ān 114) kapag gumagabi at kapag nag-uumaga nang tatlong ulit. Sasapat ang mga ito sa iyo laban sa bawat bagay."}Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īy
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Pakainin ninyo ang nagugutom, dalawin ninyo ang maysakit, at palayain ninyo ang bihag."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
عن طلحة بن عبيد الله رضي الله عنه أن النبي صلى الله عليه وسلم كانَ إذا رأى الهلالَ، قال: «اللّهمَّ أهِلَّهُ عليْنا بالأمْن والإيمان، وَالسَّلامَةِ وَالإسلامِ، ربِّي وربُّكَ اللهُ، هِلالُ رُشْدٍ وخيرٍ».رواه الترمذي وأحمد والدارمي، وليس عندهم لفظة: "هلال رشد وخير"، وجاءت عند ابن ابي شيبة بسند مرسل
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Kami noon, kapag umakyat kami, ay nagdadakila, at kapag bumaba kami, ay nagluluwalhati." Ayon kay Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at ang mga hukbo niya noon, kapag pumaitaas sa mga daan [sa bundok], ay nagdadakila, at kapag bumaba, ay nagluluwalhati."Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsabi: "Hindi papasok sa Paraiso ang sinumang sa puso niya ay may kasimbigat ng butil ng alikabok na pagmamalaki." Nagsabi ang isang lalaki: "Tunay na ang tao ay ibig na ang damit niya ay maganda at ang sapatos niya ay maganda." Nagsabi siya: "Tunay na si Allah ay maganda na naiibigan ang kagandahan. Ang pagmamalaki ay ang pagwawalang-bahala sa katotohanan at ang pag-aalipusta sa mga tao."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang magsabi ako ng subḥāna –­llāh (kaluwalhatian kay Allāh), alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh), lā ilāha illa –­llāh (Walang Diyos kundi si Allāh), at Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila) ay higit na kaibig-ibig sa akin kaysa sa anumang sinikatan ng araw."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Narinig ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsasabi: Walang Muslim na dumadalaw sa isang Muslim na maysakit sa umaga malibang dadalangin ng pagpapala para sa kanya ang pitumpong libong anghel hanggang sa gumabi. Kung dinalaw niya ito sa gabi, dadalangin ng pagpapala para sa kanya ang pitumpong libong anghel hanggang sa mag-umaga. Magkakaroon siya ng isang hardin sa Paraiso."Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Ka`b bin `Ujrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "May mga binabalik-balikang hindi nabibigo ang tagapagsabi ng mga ito – o ang tagagawa ng mga ito – sa katapusan ng bawat ṣalāh na iniatas: Tatlumpu't tatlong pagluluwalhati, tatlumpu't tatlong pagpapapuri, at tatlumpu't apat na pagdadakila."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang bumigkas sa dalawang talata mula sa hulihan ng Kabanatang Al-Baqarah sa isang gabi ay makakasapat ang dalawang ito sa kanya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)': "Ang sinumang bumigkas ng isang titik mula sa Aklat ni Allāh ay magkakaroon siya dahil dito ng isang gawang maganda. Ang gawang maganda ay [may gantimpalang] katumbas sa sampung tulad nito. Hindi ko sinasabing ang alif lām mīm ay isang titik, bagkus ang alif ay isang titik, ang lām ay isang titik at ang mīm ay isang titik."}Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Siya ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na ang mga puso ng mga anak ni Adan, ang lahat ng mga ito, ay nasa pagitan ng dalawang daliri ng [Panginoong] Napakamaawain gaya ng iisang puso, na nagbabaling-baling Siya nito saan man Niya loloobin." Pagkatapos nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Allāhumma muṣarrifa -lqulūbi ṣarrif qulūbanā `alā ṭā`atik. (O Allāh, ang Tagapagpatnugot ng mga puso, magpatnugot sa ng mga puso namin sa pagtalima sa Iyo)."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
عن أبي هريرة رضي الله عنه عن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: «النَّاسُ مَعَادِن كَمَعَادِن الذَّهَب وَالفِضَّة، خِيَارُهُم فِي الجَاهِلِيَّة خِيَارُهُم فِي الإِسْلاَم إِذَا فَقُهُوا، والأَرْوَاحُ جُنُودٌ مُجَنَّدَة، فَمَا تَعَارَفَ مِنْهَا ائتَلَفَ، وَمَا تَنَاكَرَ مِنْهَا اخْتَلَفَ». وعن أبي هريرة رضي الله عنه قال: قال رسول الله -صلى الله عليه وسلم: «تَجِدُون النَّاسَ مَعَادِن: خِيَارُهُم فِي الجَاهِليَّة خِيَارُهُم فِي الإِسْلاَم إِذَا فَقِهُوا، وَتَجِدُون خِيَار النَّاس فِي هَذَا الشَّأْن أَشَدُّهُم كَرَاهِيَة لَه، وَتَجِدُون شَرَّ النَّاس ذَا الوَجْهَين، الَّذِي يَأْتِي هَؤُلاَء بِوَجه، وَهَؤُلاَء بِوَجْه».الحديث الأول: متفق عليه، ولفظه لمسلم؛ وروى البخاري أوله، وروى آخره عن عائشة -رضي الله عنها-. الحديث الثاني: متفق عليه
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Ang sinumang sumumpa saka nagsabi sa panunumpa niya: "Sumpa man kina Allāt at Al`uzzā" ay magsabi siya ng: "Lā ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allāh)." Ang sinumang nagsabi sa kasamahan niya: "Halika, makikipagsugal ako sa iyo" ay magkawanggawa siya.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kina Anas bin Mālik at Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, hinggil sa isinaysay niya ayon sa Panginoon niya, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, na nagsabi: "Kapag nagpakalapit ang tao sa Akin ng isang dangkal, magpapakalapit Ako sa kanya ng isang siko. Kapag nagpakalapit siya sa Akin ng isang siko, magpapakalapit Ako sa kanya ng isang dipa. Kapag pinuntahan niya Ako nang naglalakad, pupuntahan Ko siya nang payagyag."Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Samantalang may isang lalaking naglalakad sa isang daan, na nakatagpo ng isang sanga ng mga tinik sa daan saka nagpatabi siya nito kaya nagpasalamat si Allāh sa kanya saka nagpatawad sa kanya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay 'Abdullāh bin 'Ukaym-malugod si Allāh sa kanya-Hadith na marfū: "Sinuman ang manalig sa isang bagay,ipapaubaya siya rito"Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Magpaningning si Allāh sa isang taong nakarinig mula sa amin ng isang bagay saka nagpaabot nito kung paanong narinig niya sapagkat marahil may isang pinagpaparatingang higit na nakamamalay kaysa sa isang nakarinig."}Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad
Ayon kina Samurah bin Jundub at Al-Mughīrah bin Shu`bah (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagsanaysay tungkol sa akin sa isang ḥadīth, na nakikita na ito ay isang kasinungalingan, siya ay isa sa mga sinungaling."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim sa Muqaddimah Niya
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Hindi nararapat sa isang matapat na siya ay maging palasumpa."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang Oxus, ang Jaxartes, ang Yufrates, at ang Nilo ay lahat mula sa mga ilog ng Paraiso."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang mga naaawa ay kaaawaan sila ng Napakamaawain. Kaawaan ninyo ang mga naninirahan sa lupa, kaaawaan kayo Niyang nasa langit."}Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām Aḥmad
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), siya noon, kapag pumasok sa masjid, ay nagsasabi ng: "A`ūdhu bi-llāhi –l`ađīm, wa-bi-wajhihi –lkarīm, wa-sulṭānihi –lqadīm, mina –shshayṭāni –rrajīm. (Nagpapakupkop ako kay Allāh, ang Sukdulan, sa mukha Niyang marangal, at sa kapamahalaan Niyang datihan, laban sa demonyong isinumpa.)" Nagsabi siya: "Sapat na ba?" Nagsabi ako: "Oo." Nagsabi siya: "Kaya kapag sinabi niya iyan, magsasabi ang demonyo: Iningatan siya laban sa akin sa nalalabi sa araw."}Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: Nagsasabi si Allah: "Kapag ninais ng lingkod Ko na gumawa ng isang gawang masagwa, huwag ninyong itala ito laban sa kanya hanggang sa ginawa niya ito. Kung ginawa niya ito, itala ninyo ito katumbas sa tulad nito. Kung iniwan niya ito alang-alang sa Akin, itala ninyo ito para sa kanya bilang isang gawang maganda. Kapag ninais niyang gumawa ng isang gawang maganda, ngunit hindi niya nagawa ito, itala ninyo ito para sa kanya bilang isang gawang maganda. Kung ginawa niya ito, itala ninyo para sa kanya katumbas sa sampung tulad nito hanggang sa pitong daang ulit."Napagkaisahan ang katumpakan