Hadith for the World

All hadiths

The complete card collection, filter by chapter

655 hadiths

Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya: "Dadalhin ang Impiyerno sa araw na iyon nang may pitumpong libong harnes na sa bawat harnes ay may pitumpong libong anghel na kumakaladkad sa mga ito."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon sa pagkapatirapa niya: "Allāhumma -ghfir lī dhambī kullahu: diqqahu wa-jillahu, wa-awwalahu wa-ākhirahu, wa-`alāniyatahu wa-sirrahu. (O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa pagkakasala ko sa lahat ng ito: kaliit-liitan nito at kalaki-lakihan nito, una nito at huli nito, at hayagan nito at lihim nito.)"}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Tunay na ang pinakakasuklam-suklam sa mga lalaki para kay Allāh ay ang pinakapalaban sa mga kaalitan."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tinanong ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pinakamadalas magpapapasok sa mga tao sa Paraiso, kaya naman nagsabi siya: "Ang pangingilag magkasala kay Allāh at ang kagandahan ng kaasalan." Tinanong siya tungkol sa pinakamadalas magpapapasok sa mga tao sa Impiyerno, kaya naman nagsabi siya: "Ang bibig at ang ari."}Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad
Ang mga matitirang matuwid ay Lā ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allah), Subḥāna –llāh (Napakamaluwalhati ni Allah), Al-ḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allah), at Lā ḥawla wa lā qūwata illā bi-llāh (Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allah)Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Habba`n - Isinalaysay ito ni Imām Al-Ḥākim - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang panalangin ay hindi tinatanggihan sa pagitan ng adhān at iqāmah."}Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īy
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi: "Allāhumma aṣliḥ lī dīni -lladhī huwa `iṣmatu amrī, wa-aṣliḥ lī dunyāya -llatī fīhā ma`āshī, wa-aṣliḥ lī ākhirati -llatī fīhā ma`ādī, wa-j`ali -lḥayāta ziyādatan lī fī kulli khayr, wa-j`ali -lmawta rāḥatan lī min kulli sharr. (O Allāh, isaayos Mo para sa akin ang buhay panrelihiyon ko, na ito ang pananggalang ng nauukol sa akin; isaayos Mo para sa akin ang buhay pangmundo ko, na narito ang kabuhayan ko; isaayos Mo para sa akin ang buhay na pangkabilang-buhay ko, na naroon ang balikan ko, gawin Mo ang buhay bilang karagdagan para sa akin sa bawat kabutihan, at gawin Mo ang kamatayan bilang kapahingahan para sa akin sa bawat kasamaan.)"}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), siya noon ay dumadalangin ng panalanging ito: "Rabbi -ghfir lī khaṭī’atī wa-jahlī wa-isrāfī fī amrī kullihi wa-mā anta a`lamu bihi minnī. Allāhumma -ghfir lī khaṭāyāya wa-`amdī wa-jahlī wa-hazlī wa-kullu dhālika `indī. Allāhumma -ghfir lī mā qaddamtu wa-mā akhkhartu, wa-mā asrartu wa-mā a`lantu. Anta -lmuqaddimu wa-anta -lmu’akhkhiru, wa-anta `alā kulli shay’in qadīr. (O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa pagkakamali ko, pagkamangmang ko, pagpapakalabis ko sa nauukol sa akin sa kabuuan nito, at anumang Ikaw ay higit na nakaaalam niyon kaysa sa akin. O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa mga pagkakamali ko, pananadya ko, pagkamangmang ko, at pagbibiro ko. Ang lahat ng iyon ay sa ganang akin. O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa anumang ipinauna ko at anumang ipinahuli ko, at anumang inilihim ko at anumang inihayag ko. Ikaw ay ang Tagapagpauna at Ikaw ay ang Tagapagpahuli. Ikaw sa bawat bagay ay May-kakayahan.)"}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Hindi nangyaring ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-iiwan ng mga panalanging ito kapag gumagabi at kapag nag-uumaga: "Allāhumma innī as’aluka -l`āfiyata fi -ddunyā wa-l’ākhirah. Allāhumma innī as’aluka -l`afwa wa-l`āfiyata fī dīnī wa-dunyāya wa-ahlī wa-mālī. Allāhumma -stur `awratī (o: `awrātī) wa-āmin raw`ātī. Allāhumma -ḥfaḏnī mim bayni yadayya wa-min khalfī wa-`an yamīnī wa-`an shimālī wa-min fawqī, wa-a`ūdhu bi-`aḏamatika an ughtāla min taḥtī. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng kagalingan sa Mundo at Kabilang-buhay. O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng paumanhin at kagalingan sa buhay panrelihiyon ko, buhay pangmundo ko, mag-anak ko, at ari-arian ko. O Allāh, pagtakpan Mo ang kahihiyan ko (o: ang mga kahihiyan ko) at patiwasayin Mo ang mga pangingilabot ko. O Allāh, ingatan Mo ako mula sa harapan ko at sa likuran ko, sa dakong kanan ko at sa dakong kaliwa ko, at mula sa itaas ko. Nagpapakupkop ako sa kadakilaan Mo na hindi ako paslangin mula sa ilalim ko.)"}Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Kabilang sa panalangin ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Allāhumma innī a`ūdhu bika min zawāli ni`matika, wa-taḥawwuli `āfiyatika, wa-fujā’ati niqmatika, wa-jamī`i sakhaṭik. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa paglaho ng biyaya Mo, pagbabagong-anyo ng kagalingang dulot Mo, pambibigla ng higanti Mo, at lahat ng inis Mo.)"}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay dumadalangin sa pamamagitan ng mga pangungusap na ito: "Allāhumma innī a`ūdhu bika min ghalabati -ddayni wa-ghalabati -l`adūwi wa-shamātati -l’a`dā’. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa pananaig ng utang, pananaig ng kaaway, at pagkagalak ng mga kaaway.)"}Nagsalaysay nito sina Imām An-Nisaiy at Imām Aḥmad
عن عبد الله بن عمر رضي الله عنهما عن النبي صلى الله عليه وسلم قال: «المؤمن الذي يخالط الناس، ويصبر على أذاهم خير من الذي لا يخالط الناس ولا يصبر على أذاهم».رواه الترمذي وابن ماجه وأحمد
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mananampalatayang malakas ay higit na mabuti at higit na kaibig-ibig kay Allāh kaysa sa mananampalatayang mahina. Sa bawat kabutihan, magsigasig ka sa magpapakinabang sa iyo, magpatulong ka kay Allāh, at huwag kang panghinaan. Kung may tumama sa iyo na anuman ay huwag kang magsabi: 'Kung sakaling ako ay gumawa ng ganito, naging ganito at ganito sana,' subalit magsabi ka: 'Ang pagtatakda ni Allāh at ang anumang niloob Niya ay ginawa Niya,' sapagkat tunay na [ang katagang] 'kung sakali' ay nagbubukas sa gawain ng demonyo."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang mananampalataya ay salamin ng kapatid niyang mananampalataya."Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud
Ayon kay Abū Ad-Dardā' (malugod si Allāh sa kanya): {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na ang mga palasumpa ay hindi magiging mga saksi ni mga tagapamagitan sa Araw ng Pagbangon."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang pagdalangin ay ang pagsamba." Pagkatapos bumigkas siya (Qur'ān 40:60): {Nagsabi ang Panginoon ninyo: “Dumalangin kayo sa Akin, tutugon Ako sa inyo.” Tunay na ang mga nagmamalaki sa [pag-ayaw sa] pagsamba sa Akin ay papasok sa Impiyerno na mga nagpapakaaba.}}Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad
Ayon kay `Iyāḍ bin Ḥimār na kapatid ng Angkan ng Mujāshi` (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tumayo sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw bilang isang mananalumpati saka nagsabi siya: (Binanggit ang ḥadīth at nasaad dito): "Tunay na si Allāh ay nagkasi sa akin na magpakumbaba kayo nang sa gayon walang magmayabang na isa man sa isa at walang lumabag na isa man laban sa isa."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang pinakamadalas sa panalangin noon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay: "Allāhumma rabbanā ātinā fi -ddunyā ḥasanatan wa-fi -l'ākhirati ḥasanatan wa-qinā `adhāba -nnār. (O Allāh, Panginoon namin, magbigay Ka sa amin sa Mundo ng maganda at sa Kabilang-buhay ng maganda; at magsanggalang Ka sa amin sa pagdurusa sa Apoy.)"}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Shaddād bin Aws (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pangunahin sa paghingi ng tawad ay na magsabi ka ng: Allāhumma anta rabbī. Lā ilāha illā anta. Khalaqtanī wa-anā `abduka, wa-anā `alā `ahdika wa-wa`dika ma -staṭa`tu. A`ūdhu bika min sharri mā ṣana`tu. Abū'u laka bi-ni`matika `alayya wa-abū'u bi-dhambī, fa-ghfir lī fa-innahū lā yaghfiru -l dhdhunūba illā anta. (O Allāh, Ikaw ay Panginoon ko. Walang Diyos kundi Ikaw. Nilikha Mo ako at ako ay alipin Mo. Ako ay nasa ilalim ng kasunduan sa Iyo at pangako sa Iyo hanggang sa abot ng makakaya ko. Nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa kasamaan ng nagawa ko. Kumikilala ako sa Iyo sa biyaya Mo sa akin at kumikilala ako sa Iyo sa pagkakasala ko kaya magpatawad Ka para sa akin sapagkat tunay na walang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi Ikaw.) Ang sinumang nagsabi nito sa maghapon habang nakatitiyak dito saka namatay sa araw nito bago gumabi, siya ay kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso. Ang sinumang nagsabi nito sa gabi habang nakatitiyak dito saka namatay sa araw nito bago mag-umaga, siya ay kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Manatili kayo sa katapatan sapagkat tunay na ang katapatan ay pumapatnubay tungo sa pagsasamabuting-loob at tunay na ang pagsasamabuting-loob ay pumapatnubay tungo sa Paraiso. Hindi natitigil ang tao na nagpapakatapat at naghahangad ng katapatan hanggang sa itala siya sa ganang kay Allāh bilang napakatapat. Kaingat kayo sa pagsisinungaling sapagkat tunay na ang pagsisinungaling ay pumapatnubay tungo sa pagsasamasamang-loob at tunay na ang pagsasamasamang-loob ay pumapatnubay tungo sa Impiyerno. Hindi natitigil ang tao na nagsisinungaling at naghahangad ng kasinungalingan hanggang sa itala siya sa ganang kay Allāh bilang palasinungaling."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "May dalawang pangungusap na magaan sa dila, na mabigat sa timbangan [ang gantimpala], na kaibig-ibig sa Napakamaawain: Subḥana –llāhi –l-`aḍ̆īm (Kaluwalhatian kay Allāh, ang Sukdulan) at Subḥana –llāhi wa-biḥamdih (Kaluwalhatian kay Allāh at kalakip ng papuri sa Kanya)."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Walang anumang higit na marangal kay Allāh (napakataas Siya) kaysa sa panalangin."}Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Walang naibawas ang isang kawanggawa mula sa yaman. Walang naidagdag si Allāh sa isang tao dahil sa pagpapaumanhin kundi karangalan. Walang nagpakumbabang isa man kay Allāh malibang nag-angat sa kanya si Allāh."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Ad-Dardā' (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang nagsanggalang sa dangal ng kapatid niya, magsasanggalang si Allāh sa mukha niya sa Apoy sa Araw ng Pagbangon."}Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Aḥmad