TL
All hadiths
The complete card collection, filter by chapter
Ang Marangal na Qur'ān at ang mga Agham Nito
26
Ang Ḥadīth at ang mga Agham Nito
3
Ang Pinaniniwalaan
135
Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito
288
Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan
288
Ang Pag-aanyaya at ang Pagpapanagot
15
Ang Talambuhay at ang Kasaysayan
38
655 hadiths
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang Oxus, ang Jaxartes, ang Yufrates, at ang Nilo ay lahat mula sa mga ilog ng Paraiso."
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allāh sa kanya, ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag tumindig noon para sa pagdarasal, ay nagsasabi: "Wajjahtu wajhī lilladhī faṭara -ssamāwāti wa -l'arḍa hanīfan wa mā anā mina -lmushrikīn. Inna ṣalātī wa nusukī wa maḥyāya wa mamātī lillāhi rabbi -l`ālamīna lā sharīka lahu wa bidhālika umirtu wa anā mina -lmuslimīn. Allāhumma anta -lmaliku lā ilāha illa anta, anta rabbī wa anā `abduka, đalamtu nafsī wa`taraftu bidhambī fa-ghfir lī dhunūbī jamī`an, innahu lā yaghfiru -dhdhunūba illā anta, wa -hdinī li'aḥsani -l'akhlāqi, lā yahdī li'aḥsanihā illā anta, wa -ṣrif `annī sayyi'ahā, lā yaṣrifu `annī sayyi'ahā illā anta, labbayka wa sa`dayka, wa -lkhayru kulluhu fī yadayka, wa -shsharru laysa ilayka, anā bika wa ilayka, tabārakta wa ta`ālayta, astaghfiruka wa atūbu ilayka. (Ibinaling ko ang mukha ko sa naglalang ng mga langit at lupa bilang isang makatotoo, at hindi ako kabilang sa mga nagtatambal sa Panginoon. Tunay na ang dasal ko, ang handog ko, ang buhay ko, at ang kamatayan ko ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang, walang katambal sa Kanya. Iyon ay ipinag-utos sa akin, at ako ay kabilang sa mga Muslim. O Allāh, Ikaw ang Hari, walang Diyos kundi Ikaw. Ikaw ay Panginoon ko at ako ay lingkod Mo. Lumabag ako sa katarungan sa sarili ko at inamin ko ang pagkakasala ko kaya patawarin Mo ako sa lahat ng mga pagkakasala ko; tunay na walang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi Ikaw. Patnubayan Mo ako sa pinakamaganda sa mga kaasalan; walang magpapatnubay sa pinakamaganda sa mga iyon kundi Ikaw. Ilayo Mo sa akin ang masagwa sa mga iyon; walang magpapalayo sa akin sa masagwa sa mga iyon kundi Ikaw. Bilang pagtugon sa Iyo at bilang pagsunod sa Iyo, ang mabuti, lahat ng ito, ay nasa mga kamay Mo. Ang masama ay hindi inuugnay sa Iyo. Ako ay nagagabayan sa pamamagitan Mo at nagpapakanlong sa Iyo. Napakamapagpala Mo at pagkataas-taas Mo. Humihingi ako ng tawad sa Iyo at nagbabalik-loob ako sa Iyo.)" Kapag yumukod siya, nagsasabi siya: "Allāhumma laka raka`tu, wa bika āmantu, wa laka aslamtu, khasha`a laka sam`ī wa baṣarī, wa mukhkhī wa `ađmī wa `aṣabī. (O Allāh sa Iyo ako yumukod, sa Iyo ako sumampalataya, at sa Iyo ako nagpasakop. Nagpakababa sa Iyo ang pandinig ko, ang paningin ko, ang utak ko, ang buto ko, at ang litid ko." Kapag umangat siya, nagsasabi siya: "Allāhumma rabbanā laka -lḥamd, mil'a -ssamāwāti wa mil'a -l'arḍ, wa mil'a mā baynahumā wa mil'a mā shi'ta min shay'im ba`d. (O Allah, Panginoon namin, ukol sa Iyo ang papuri, na makapupuno sa mga langit, makapupuno sa lupa, makapupuno sa anumang nasa pagitan ng mga ito, at makapupuno ng anumang bagay na niloob Mo pagkatapos.)" Kapag nagpatirapa siya, nagsasabi siya: "Allāhumma laka sajadtu, wa bika āmantu, wa laka aslamtu, sajada wajhī lillādhī khalaqahu wa ṣawwarahu, wa sḥaqqa sam`ahu wa baṣarahu, tabāraka -llāhu aḥsanu -lkhāliqīn. (O Allāh, sa Iyo ako nagpatirapa, sa Iyo ako sumampalataya, at sa Iyo ako nagpasakop. Nagpatirapa ang mukha ko sa Kanya na lumikha rito, nag-anyo rito, nagbukas sa pandinig at paningin nito. Napakamapagpala ni Allāh, ang pinakamagaling sa mga tagapaglikha.)" Pagkatapos kabilang sa huli sa sinasabi niya sa pagitan ng tashahhud at taslīm: "Allāhumma -ghfir lī mā qaddamtu wa mā akhkhartu, wa mā asrartu wa mā a`lantu, wa mā asraftu, wa mā anta a`lamu bihi minnī, anta -lmuqaddimu wa anta -lmu'akhkhiru, lā ilāha illā anta. (O Allāh, patawarin Mo ako sa [kasalanang] naunang nagawa ko at nahuling nagawa ko, [kasalanang] inilihim ko at inihayag ko, at [kasalanang] ipinagmalabis at [kasalanang] Ikaw ay higit na nakaaalam doon kaysa sa akin. Ikaw ay ang nagpapauna at Ikaw ay ang nagpapahuli; walang Diyos kundi Ikaw.)"
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag nagsagawa siya ng tahajjud sa gabi, ay nagsasabi: "Allāhumma rabbanā, laka -lḥamdu anta qayyimu -ssamāwāti wa -l’arḍ, wa laka -lḥamdu anta rabbu -ssamāwāti wa -l’arḍi wa man fīhinna, wa laka -lḥamdu anta nūru -ssamāwāti wa -l’arḍi wa man fīhinn, anta -lḥaqqu, wa qawluka -lḥaqqu, wa wa`duka -lḥaqqu, wa liqā’uka -lḥaqqu, wa -ljannatu ḥaqqun, wa -nnāru ḥaqqun, wa -ssā`atu ḥaqq; Allāhumma laka aslamtu, wa bika āmantu, wa `alayka tawakkaltu, wa ilayka khāṣamtu, wa bika ḥākamtu, fa-ghfir lī mā qaddamtu, wa mā akhkhartu, wa asrartu, wa a`lantu, wa mā anta a`lamu bihi minnī; lā ilāha illā anta (O Allāh Panginoon namin; ukol sa Iyo ang papuri, Ikaw ay Tagapagpanatili ng mga langit at lupa; ukol sa Iyo ang papuri, Ikaw ay Panginoon ng mga langit at lupa at ng sinumang nasa mga ito; ukol sa Iyo ang papuri, Ikaw ay Liwanag ng mga langit at lupa at ng sinumang nasa mga ito; Ikaw ay ang Totoo, ang sabi Mo ay ang totoo, ang pangako Mo ay ang totoo, ang pagkikipagkita sa Iyo ay ang totoo, ang Paraiso ay totoo, ang Impiyerno ay totoo, at ang Huling Sandali ay totoo; o Allāh, sa Iyo ako nagpasakop, sa Iyo ako sumampalataya, sa Iyo ako nanalig, dahil sa Iyo ako nakipagtalo, at sa Iyo ako nagpahukom, kaya magpatawad Ka sa akin sa anumang [kasalanang] naunang nagawa ko, anumang [kasalanang] nahuling nagawa ko, inilihim ko, inihayag ko, at anumang Ikaw ay higit na nakaaalam hinggil doon kaysa sa akin; walang Diyos kundi Ikaw)."
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya: "Wala nang araw na higit na marami sa pagpapalaya si Allāh doon ng alipin mula sa Impiyerno kaysa sa Araw ng `Arafah. Tunay na Siya ay talagang lumalapit. Pagkatapos ay ipinagkakapuri Niya sila sa mga anghel at nagsasabi: Ano ang ninais ng mga ito?"
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang mga naaawa ay kaaawaan sila ng Napakamaawain. Kaawaan ninyo ang mga naninirahan sa lupa, kaaawaan kayo Niyang nasa langit."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām Aḥmad
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), siya noon, kapag pumasok sa masjid, ay nagsasabi ng: "A`ūdhu bi-llāhi –l`ađīm, wa-bi-wajhihi –lkarīm, wa-sulṭānihi –lqadīm, mina –shshayṭāni –rrajīm. (Nagpapakupkop ako kay Allāh, ang Sukdulan, sa mukha Niyang marangal, at sa kapamahalaan Niyang datihan, laban sa demonyong isinumpa.)" Nagsabi siya: "Sapat na ba?" Nagsabi ako: "Oo." Nagsabi siya: "Kaya kapag sinabi niya iyan, magsasabi ang demonyo: Iningatan siya laban sa akin sa nalalabi sa araw."}
Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: Nagsasabi si Allah: "Kapag ninais ng lingkod Ko na gumawa ng isang gawang masagwa, huwag ninyong itala ito laban sa kanya hanggang sa ginawa niya ito. Kung ginawa niya ito, itala ninyo ito katumbas sa tulad nito. Kung iniwan niya ito alang-alang sa Akin, itala ninyo ito para sa kanya bilang isang gawang maganda. Kapag ninais niyang gumawa ng isang gawang maganda, ngunit hindi niya nagawa ito, itala ninyo ito para sa kanya bilang isang gawang maganda. Kung ginawa niya ito, itala ninyo para sa kanya katumbas sa sampung tulad nito hanggang sa pitong daang ulit."
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kina Abū Sa`īd Al-Khuḍrīy at Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "May mananawagang isang tagapanawagan: Tunay na ukol sa inyo na lumusog kayo saka hindi kayo magkakaramdaman magpakailanman. Tunay na ukol sa inyo na mabuhay kayo saka hindi kayo mamatay magpakailanman. Tunay na ukol sa inyo na bumata kayo saka hindi kayo tumanda magpakailanman. Tunay na ukol sa inyo na guminhawa kayo saka hindi kayo magmiserable magpakailanman." Kaya iyon ang sabi Niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): {Tatawagin sila: "Iyon ay ang Paraiso; ipinamana sa inyo iyon dahil sa dati ninyong ginagawa."} (Qur’ān 7:43)
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Tunay na si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay magsasabi sa mga maninirahan sa Paraiso: "O mga maninirahan sa Paraiso." Kaya magsasabi sila: "Bilang pagtugon sa Iyo, Panginoon namin, at bilang pagpapaligaya sa Iyo." Kaya magsasabi Siya: "Nalugod ba kayo?" Kaya magsasabi sila: "Ano ang mayroon sa amin na hindi kami nalulugod samantalang nagbigay Ka nga sa amin ng hindi Mo ibinigay sa isa mula sa nilikha Mo?" Kaya magsasabi Siya: "Ako ay magbibigay sa inyo ng higit na mainam kaysa roon." Magsasabi sila: "O Panginoon, at aling bagay ang higit na mainam kaysa roon?" Kaya magsasabi Siya: "Magpapadapo Ako sa inyo ng kaluguran Ko kaya hindi Ako maiinis sa inyo matapos nito magpakailanman."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Tunay na ang mga mananampalataya sa Paraiso ay talagang may isang kubol na yari sa iisang perlas na ginuwang, na ang haba nito ay animnapung milya. Ang mga mananampalataya rito ay may mga asawa. Lilibot sa kanila ang mananampalataya ngunit hindi makakikita ang isa't isa sa kanila."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: {Kapag nagising ang isa sa inyo mula sa pagkatulog niya, suminghot siya ng tubig at magsinga nito nang tatlong ulit sapagkat tunay na ang demonyo ay nagpapagabi sa mga butas-ilong niya.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Laqīṭ bin Ṣabirah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: Ako ay naging delegado ng Angkan ng Muntafiq — o sa delegasyon ng Angkan ng Muntafiq — sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Noong dumating kami sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), hindi kami nakasumpong sa kanya sa tahanan niya at nakasumpong naman kami kay `Ā'ishah na Ina ng mga Mananampalataya. Nag-utos siya na maghanda para sa amin ng khazīrah saka ginawa naman ito para sa amin. Dinalhan kami ng isang bandehadong may datiles. Pagkatapos dumating ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi siya: "Hinainan ba kayo ng anuman o may ipinahanda ba para sa inyo na anuman?" Nagsabi kami: "Opo, O Sugo ni Allāh." Habang kami naman kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay mga nakaupo, biglang humangos ang pastol ng mga tupa niya papunta sa pahingahan habang may kasama itong isang korderong umuungol. Kaya nagsabi siya: "Ano ang ipinanganak niyan, O Polano?" Nagsabi ito: "Babaing tupa." Nagsabi siya: "Kaya magkatay ka para sa amin kapalit niyan ng isang tupa." Pagkatapos nagsabi pa siya: "Huwag ka nga magpalagay, huwag ka ngang magpalagay na kami alang-alang sa iyo ay magkakatay nito. Mayroon kaming isang daang tupa na hindi kami nagnanais na madagdagan. Kaya kapag nagpaanak ang pastol ng isang babaing tupa, nagkakatay kami kapalit nito ng isang tupa." Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, tunay na mayroon akong maybahay at tunay na sa dila niya ay may isang bagay." Tumutukoy ito sa kabastusan. Nagsabi siya: "Kaya diborsiyuhin mo siya, samakatuwid." Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, tunay na mayroon siyang pinagsamahan [sa akin] at may anak ako sa kanya." Nagsabi siya: "Kaya pag-utusan mo siya," nais niyang sabihing pangaralan mo siya, "sapagkat kung sa kanya ay may kabutihan, gagawin niya. Huwag kang mamalo sa kabiyak mo gaya ng pagpalo mo sa munting babaing alipin mo." Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, magpabatid ka sa akin tungkol sa wuḍū'. Nagsabi siya: "Maglubus-lubos ka sa pagsasagawa ng wuḍū'. Magsingit ka sa pagitan ng [isa't isa sa] mga daliri. Magpalabis ka sa pagsinghot ng tubig maliban na ikaw ay nag-aayuno."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, at Imām Ibnu Mājah
Ayon kay `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay umaalaala kay Allāh sa lahat ng mga sandali niya.}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
`Ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allah sa kanya: "Ang lagnat ay mula sa init ng Impiyerno kaya palamigin ninyo ito sa pamamagitan ng tubig."
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang pumatay ng isang tuko sa unang palo ay magkakamit siya ng ganito at gayong magandang gawa. Ang sinumang pumatay nito sa ikalawang palo ay magkakamit siya ng ganito at gayong magandang gawang mababa sa una. Kung pinatay niya ito sa ikatlong palo ay magkakamit siya ng ganito at gayong magandang gawa." Sa isang sanaysay: "Ang sinumang pumatay ng isang tuko sa unang palo ay magsusulat para sa kanya ng isandaang magandang gawa; sa ikalawang palo ay [magkakamit] ng mababa roon; at sa ikatlong palo ay [magkakamit] ng mababa roon."
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abe Al-Aswad,nagsabi siya:Dumating ako sa Madinah,umupo ako kay Umar bin Al-Khattab-malugod si Allah sa kanya-at dumaan sa kanila ang ililibing,at pinuri nila ang may-ari nito ng kabutihan,Nagsabi si Umar:Nararapat.Pagkatapos ay dumaan ang iba pa,at pinuri nila ang may-ari nito ng kabutihan,Nagsabi si Umar:Nararapat.Pagkatapos ay dumaan ang ikatlo,at pinuri nila ang may-ari nito ng kasamaan,Nagsabi si Umar:Nararapat.Nagsabi si Abu Al-Aswad,Nagsabi ako:At ano ang nararapat,O pinuno ng mga mananampalataya? Nagsabi siya:Sinabi ko ang tulad ng sinabi ng propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Kahit sinong muslim na magsasaksi sa kanya ang apat sa kabutihan,papapasukin Siya ni Allah sa Paraiso.)) Nagsabi kami: At kung tatlo? Nagsabi siya:(( at ang tatlo)),Nagsabi kami: At kung dalawa?Nagsabi siya:(( at ang dalawa)),Pagkatapos ay hindi na namin siya tinanong,kapag isa.
Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy
At ayon kay Abe Saed Al-Khudrie ,malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya: Dumating ang isang babae sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pngalagaan-Nagsabi siya:O Sugo ni Allah,pumunta ang mga kalalakihan dahil sa mga salita mo,Pumili ka sa amin mula sa sarili mo ng isang araw na pupunta kmi sa iyo rito at ituturo mo sa amin ang mula sa itinuro sa iyo ni Allah,Nagsabi siya:((Magtipon-tipon kayo sa araw na ganito at ganito)),At nagtipon-tipon sila ,at dumating sa kanila ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at tinuruan niya sila mula sa itinuro sa kanya ni Allah,pagkatapos ay nagsabi siya:((Wala mula sa inyo na isang babae na nakapag-alay ng tatlo mula sa kanyang anak maliban sa silay magiging panangga sa impyerno)) Nagsabi ang isang babae: At kung dalawa? Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:(( At ang dalawa)).
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Kapag nagsabi ang isang lalaki na nasawi ang mga tao,siya ay higit na [naging] sawi sa kanila))
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Hishām bin Ḥakīm bin Ḥizām (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Siya ay naparaan sa mga taong kabilang sa mga Nabateyo sa Sirya, na pinatayo nga sa ilalim ng araw. Kaya naman nagsabi siya: "Ano ang pumapatungkol sa kanila?" Nagsabi sila: "Ikinulong sila dahil sa jizyah." Kaya nagsabi si Ḥakīm: "Sumasaksi ako, talagang nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: Tunay na si Allāh ay magdudulot ng pagdurusa sa mga nagdudulot ng pagdurusa sa mga tao sa Mundo."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nadaanan ng isang asno na tinatakan sa mukha nito kaya nagsabi siya: "Sumpain ni Allāh ang nagtatak diyan." Sa isang sanaysay ayon kay Imām Muslim din: "Ipinagbawal ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pagsapak sa mukha at ang pagtatak sa mukha."
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Dharr, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Sinabi sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Ano po ang tingin mo sa lalaking gumagawa ng gawang kabilang sa kabutihan at pinupuri siya ng mga tao dahil doon? Nagsabi siya: Iyon ay maagang magandang balita sa Mananampalataya."
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi titingin ang lalaki sa kahubaran ng lalaki, ni ang babae sa kahubaran ng babae. Hindi tatabi ang lalaki sa lalaki sa iisang kumot, ni tatabi ang babae sa babae sa iisang kumot."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Isinumpa ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang lalaking nagsusuot ng kasuutan ng babae at ang babaing nagsusuot ng kasuutan ng lalaki.}
Nagsalaysay nito sina Imām An-Nasā’īy sa Al-Kubrā, Imām Ibnu Mājah ayon sa kahulugan niyon, at Imām Aḥmad
Ayon kay Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Nakakita ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng isang batang lalaki na inahit ang bahagi ng ulo nito at hinayaan ang iba rito. Ipinagbawal niya sa kanila iyon at sinabi: Ahitin ninyo ito: ang lahat nito, o hayaan ninyo ito: ang lahat nito."
Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud
Previous page
Page 18 of 28
Next page