Hadith for the World

All hadiths

The complete card collection, filter by chapter

655 hadiths

Ayon kay Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa-Hadith na marfu: (( Huwag ninyong iwanan ang apoy sa tahanan ninyo kapag kayo ay matutulog))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Ummu Salamah na ina mga mananampalataya, na maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang may makakatay na kakatayin, saka kapag dumating ang bagong buwan ng Dhulḥijjah, huwag nga siyang kukuha mula sa buhok niya ni mula sa mga kuko niya ng anuman hanggang sa makapag-alay siya."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kapag umihip noon ang hangin, ay nagsasabi: Allāhumma innī as’aluka khayrahā, wa khayra mā fīhā, wa khayra mā ursilat bihi, wa a`ūdhu bika min sharrihā, wa sharri mā fīhā, wa sharri mā ursilat bih (O Allah, tunay na ako ay humihingi sa Iyo ng kabutihan nito, ng kabutihan ng nasa loob nito, at ng kabutihan ng bagay na ipinadala kalakip nito; at nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan nito, sa kasamaan ng nasa loob nito, at sa kasamaan ng bagay na ipinadala kalakip nito)."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Qatādah, malugod si Allah sa kanya, siya ay nakarinig sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsasabi: "Kaingat kayo sa madalas na panunumpa sa pagtitinda sapagkat tunay na ito ay nang-aakit sa pagbili, pagkatapos ay nagpapawalang-kabuluhan."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Buraydah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang sumumpa sa ipinagkatiwalang tungkulin, hindi siya kabilang sa atin."}Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām Aḥmad
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Lumabas ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa [pagdiriwang ng] Pag-aalay (Aḍḥā) o Pagtigil-ayuno (Fitr) papunta sa dasalan, saka naparaan siya sa mga babae saka nagsabi: "O katipunan ng mga babae, magkawanggawa kayo sapagkat tunay na ako ay pinakitaang kayo ay higit na marami sa mga maninirahan sa Impiyerno." Kaya nagsabi sila: "At dahil sa ano po, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Nagpaparami kayo ng pagsumpa at nagkakaila kayo sa utang na loob sa mga asawa. Hindi ako nakakita mula sa mga nagkukulang sa pag-iisip at pagrerelihiyon na higit na mapag-alis ng isip ng lalaking naghuhunos-dili kaysa sa isa sa inyo." Nagsabi sila: "At ano po ang kakulangan sa pagrerelihiyon namin at pag-iisip namin, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Hindi ba ang pagsaksi ng babae ay tulad ng kalahati ng pagsaksi ng lalaki?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya iyon ay bahagi ng kakulangan ng pag-iisip niya. Hindi ba kapag nagregla siya, hindi siya nagdarasal at hindi siya nag-aayuno?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya iyon ay bahagi ng kakulangan ng pagrerelihiyon niya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Ummu `Aṭīyah (malugod si Allāh sa kanya), nang nangako ito ng katapatan sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nagsabi: {Kami noon ay hindi nagtuturing ng anuman sa pangingitim at kadilawan matapos ng pagkadalisay.}Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud ayon sa pagkakasambit na ito. Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy nang walang dagdag ng pariralang "matapos ng pagkadalisay"
Ayon kay Huzayfah-malugod si Allah sa kanya--Hadith na Marfu-(( Ginawa tayong higit na mainam sa sangkatauhan mula sa tatlong bagay:Ginawang ang linya natin sa [pag-aalay ng dasal] ay tulad ng paglinya ng mga Anghel,at Ginawa ang buong kalupaan para sa atin ay Masjid,at Ginawa ang alabok nito para sa atin ay dalisay kapag hindi tayo nakatagpo ng tubig,at nabanggit niya ang iba pang bagay))Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Samrah, malugod si Allah sa kanya.-Hadith na Marfu: ((Sinuman ang magsagawa ng wudhu sa araw ng Jumu`ah,dahil rito [ay naisagawa niya ang sunnah] at siya ay tatangkilikin,at sinuman ang maligo,ito ay higit na mainam))Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dārimīy
Ayon kay `Amr bin Sulaym Al-Anṣārīy na nagsabi: {Sumasaksi ako kay Abū Sa`īd na nagsabi: Sumasaksi ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang pagpaligo sa araw ng Biyernes ay kinakailangan sa bawat muḥtalim, na magsipilyo siya, at na magpahid siya ng isang pabango kung nakatagpo siya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
عن أبي هريرة رضي الله عنه مرفوعاً: «إذا أَحَبَّ اللهُ تعالى العَبْدَ، نَادَى جِبْرِيلَ: إنَّ اللهَ تعالى يُحِبُّ فلاناً، فَأَحْبِبْهُ، فَيُحِبُّهُ جِبْرِيلُ، فَيُنَادِي في أَهْلِ السَّمَاءِ: إنَّ اللهَ يحِبُّ فلاناً، فَأَحِبُّوهُ، فَيُحِبُّهُ أَهْلُ السَّمَاءِ، ثُمَّ يُوضَعُ لَهُ القَبُولُ في الأرضِ». وفي رواية: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «إنَّ اللهَ تعالى إذا أَحَبَّ عَبْدًا دَعَا جِبْرِيلَ، فقال: إني أُحِبُّ فلاناً فَأَحْبِبْهُ، فَيُحِبُّهُ جِبْرِيلُ، ثم ينادي في السَّمَاءِ، فيقول: إنَّ اللهَ يُحِبُّ فلاناً فَأَحِبُّوهُ، فَيُحِبُّهُ أَهْلُ السَّمَاءِ، ثُمَّ يُوضَعُ له القَبُولُ في الأرضِ، وإذا أَبْغَضَ عَبْدًا دَعَا جِبْرِيلَ، فيقول: إني أُبْغِضُ فلاناً فَأَبْغِضْهُ. فَيُبْغِضُهُ جِبْرِيلُ، ثُمَّ ينادي في أَهْلِ السَّمَاءِ: إنَّ اللهَ يُبْغِضُ فلاناً فَأَبْغِضُوهُ، ثُمَّ تُوضَعُ له البَغْضَاءُ في الأرضِ».متفق عليه. الرواية الأولى لفظ البخاري، والثانية لفظ مسلم
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), habang si Mu`ādh ay angkas niya sa sasakyang hayop, ay nagsabi: "O Mu`ādh na anak ni Jabal!" Nagsabi ito: "Bilang pagtugon sa iyo, O Sugo ni Allāh, at bilang pagpapaligaya sa iyo." Nagsabi siya: "O Mu`ādh!" Nagsabi ito: "Bilang pagtugon sa iyo, O Sugo ni Allāh, at bilang pagpapaligaya sa iyo" nang makatatlo. Nagsabi siya: "Walang isa mang sumasaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo Niya nang tapat sa puso niya malibang nagbawal sa kanya si Allāh sa Impiyerno." Nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, kaya hindi po ba ako magpapabatid hinggil dito sa mga tao para magalak sila?" Nagsabi siya: "Samakatuwid, sasalig sila." Nagpabatid hinggil dito si Mu`ādh sa sandali ng pagkamatay niya bilang pag-iwas sa kasalanan.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Samantalang ang isang lalaki ay naglalakad sa isang daan, tumindi sa kanya ang uhaw. Nakatagpo siya ng isang balon kaya bumaba siya roon at uminom. Pagkatapos ay lumabas siya at walang anu-ano ay may isang asong humihingal na kumakain ng basang lupa dala ng pagkauhaw. Nagsabi ang lalaki: Talaga ngang umabot ang asong ito sa uhaw na tulad ng umabot nga sa akin. Bumaba siya sa balon at pinuno ang sapatos niya ng tubig. Pagkatapos ay binitbit ito ng bibig niya hanggang sa nakaakyat siya. Pinainom niya ang aso. Kinilala ni Allah ang kabutihan niya at pinatawad siya. Nagsabi sila: O Sugo ni Allah, tunay na may gantimpala para sa amin dahil sa mga hayop? Nagsabi siya: "Sa bawat buhay na nilalang ay may gantimpala." Sa isang sanaysay: "Kinilala ni Allah ang kabutihan niya, pinatawad siya, at papasukin siya sa Paraiso." Sa isa pang sanaysay: "Samantalang may isang asong paikut-ikot sa isang balon na halos patayin na ito ng uhaw, walang anu-ano ay nakita ito ng isang patutot na kabilang sa mga patutot ng mga anak ni Israel. Hinubad niya ang sapatos niya at ipinansalok ito para roon. Pinainom niya iyon kaya pinatawad siya dahil doon."Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang Muslim ay ang sinumang naligtas ang mga Muslim mula sa dila niya at kamay niya. Ang tagalikas ay ang sinumang umiwan ng sinaway ni Allāh."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Bakrah, malugod si Allāh sa kanya: "Tunay na ang panahon ay nakaikot na gaya ng anyo nito nang araw na nilikha ni Allāh ang mga langit at lupa. Ang taon ay labindalawang buwan, na mula sa mga ito ay may apat na bawal makipaglaban: tatlong magkakasunod: Dhulqa`dah, Dhulḥijjah, at Al-Muḥarram, at ang Rajab ng Muḍar na nasa pagitan ng Jumādā at Sha`bān. Aling buwan ito? Nagsabi kami: Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam. Nanahimik siya hanggang sa inakala naming siya ay magpapangalan nito ng iba sa pangalan nito. Nagsabi siya: Ito ba ay hindi Dhulḥijjah? Nagsabi kami: Opo. Nagsabi siya: At aling bayan ito? Nagsabi kami: Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam. Nanahimik siya hanggang sa inakala naming siya ay magpapangalan nito ng iba sa pangalan nito. Nagsabi siya: Ito ba ay hindi Al-Baldah? Nagsabi kami: Opo." Nagsabi siya: At aling araw ito? Nagsabi kami: Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam. Nanahimik siya hanggang sa inakala naming siya ay magpapangalan nito ng iba sa pangalan nito. Nagsabi siya: Ito ba ay hindi Araw ng Pag-aalay? Nagsabi kami: Opo. Nagsabi siya: Kaya tunay na ang mga buhay ninyo, ang mga ari-arian ninyo, at ang mga dangal ninyo sa inyo ay bawal labagin gaya ng pagkabawal labagin ng araw ninyong ito sa bayan ninyong ito sa buwan ninyong ito. Makatatagpo ninyo ang Panginoon ninyo at tatanungin Niya kayo tungkol sa mga gawa ninyo. Makinig, kaya huwag kayong manumbalik matapos ko sa pagiging mga Kāfir na tinataga ng ilan sa inyo ang mga leeg ng mga iba. Makinig, magpaabot ang nakasaksi sa nakaliban sapagkat harinawang ang ilan sa aabutan nito ay maging higit na nakatatalos dito kaysa sa ilan sa nakarinig ito." Pagkatapos ay nagsabi siya: Makinig, naipaabot ko ba? Makinig, naipaabot ko ba? Nagsabi kami: Opo. Nagsabi siya: O Allāh, sumaksi Ka."Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya: "Tunay na ang tumatangging sumampalataya, kapag gumawa siya ng isang magandang gawa, ay pinatitikim dahil dito ng isang gantimpala sa Mundo. Tungkol naman sa manananampalataya, tunay na si Allah, pagkataas-taas Niya, ay nag-iimpok para sa kanya ng mga magandang gawa niya sa Kabilang-buhay at nagkakaloob sa kanya ng panustos sa Mundo ayon sa pagtalima niya." Sa isang sanaysay: "Tunay na si Allah ay hindi lalabag sa katarungan sa isang mananampalataya sa isang magandang gawa na bibigyan siya dahil dito sa Mundo at gagantihan siya dahil dito sa Kabilang-buhay. Tungkol naman sa tumatangging sumampalataya, patitikimin siya ng mga magandang gawa na ginawa niya para kay Allah, pagkataas-taas Niya, sa Mundo. Kapag humantong siya siya sa Kabilang-buhay, wala na siyang magandang gawang gagantimpalaan siya dahil dito."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag dumating ang Ramaḍān, binubuksan ang mga pinto ng Paraiso, ipinipinid ang mga pinto ng Impiyerno, at iginagapos ang mga demonyo."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Dharr, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Kapag mag-aayuno ka sa isang buwan nang tatlong araw, mag-ayuno ka sa ikalabintatlo, ikalabing-apat, at ikalabinlimang araw. Ayon kay Qatādah bin Malḥān, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nag-uutos sa amin noon na mag-ayuno sa mga araw ng Bīḍ: sa ikalabintatlo, ikalabing-apat, at ikalabinlimang araw." Ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay hindi tumitigil sa pag-aayuno sa mga araw ng Bīḍ sa pananatili ni sa paglalakbay."Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Kapag nanawagan para sa pagdarasal, tumatalikod ang demonyo at mayroon siyang utot upang hindi niya marinig ang pananawagan. Kapag natapos ang panawagan, humaharap siya hanggang sa kapag isinagawa na ang iqāmah, tumatalikod siya hanggang sa kapag natapos na ang iqāmah, humaharap siya hanggang sa manligalig siya sa pagitan ng tao at sarili nito. Sinasabi niya: 'Alalahanin mo ang ganito at alalahanin mo ang gayon,' para sa hindi niya naalaala noong una hanggang sa manatili ang lalaki na hindi nakaaalam kung ilan ang dinasal nito."Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay dumating kay Sa`d bin `Ubādah, malugod si Allāh sa kanya, at naghain ito ng tinapay at langis at kumain. Pagkatapos ay nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Afṭara `indakumu ­ṣṣā'imūna wa akala ta`āmakumu -­l'abrāra wa ṣallat `alaykumu ­-lmalā'ikah. (Nagsagawa ng ifṭār sa piling ninyo ang mga nag-aayuno, kumain ng pagkain ninyo ang mga nagpapakabuti, at dumalangin para sa inyo ang mga anghel.)"Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dārimīy
Ayon kay Mu`ādhah, siya ay nagtanong kay`Ā'ishah, malugod si Allāh dito: "Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nag-aayuno ba noon sa bawat buwan ng tatlong araw?" Nagsabi ito: "Oo." Kaya nagsabi ako: "Mula sa aling buwan siya nag-aayuno noon?" Nagsabi ito: "Hindi niya pinapansin noon mula sa aling buwan siya nag-aayuno."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Sa`īd Rāfi` bin Al-Mu`allā, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi sa akin ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: 'Hindi ko ba ituturo sa iyo ang pinakadakilang kabanata sa Qur'ān bago ka lumabas ng masjid?' Kinuha niya ang kamay ko at noong ninais naming lumabas, nagsabi ako: 'O Sugo ni Allah, tunay na ikaw ay nagsabi: Talagang magtuturo nga ako sa iyo ng pinadkakilang kabanata sa Qur'ān.' Nagsabi siya: 'Ang Al-ḥamdu lillāhi rabbi -l`ālamīn (Ang papuri ay ukol kay Allah). ito ay ang pitong inuulit-ulit at ang Dakilang Qur'ān na ibinigay sa akin.'"Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Ang mahusay sa Qur'ān ay kasama ng mga tagapagtalang mararangal na mabubuting-loob. Ang nagbabasa ng Qur'ān at nauutal-utal dito habang siya rito ay nahihirapan ay magkakamit ng dalawang pabuya.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Uqbah bin `Āmir, malugod si Allah sa kanya: Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsabi: "Hindi mo ba napag-alaman ang mga talata [ng Qur'an] na ibinaba kagabi na hindi napag-alaman ang tulad ng mga ito kailanman? Ang Qul a`ūdhu birabbi -lfalaq at ang Qul a`ūdhu birabbi -nnās."Nagsalaysay nito si Imām Muslim