Hadith for the World
Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Ang Fiqh ng mga Pagsamba

231 hadiths

231 hadiths

Ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang umibig sa pakikipagtagpo kay Allah, iibigin ni Allah ang pagkikipagtagpo sa kanya. Ang sinumang nasuklam sa pakikipagtagpo kay Allah, kasusuklaman ni Allah ang pakikipagtagpo sa kanya. Nagsabi ako: 'O Sugo ni Allah, pagkasuklam po ba sa kamatayan sapagkat lahat tayo ay nasusuklam sa kamatayan?' Nagsabi siya: 'Hindi ganoon, bagkus ang mananampalataya, kapag binalitaan ng awa ni Allah, pagkalugod Niya, at Paraiso Niya, ay iibigin ang pakikipagtagpo kay Allah kaya iibigin din ni Allah ang pakikipagtagpo sa kanya. Tunay na ang tumatangging sumampalataya, kapag binalitaan ng pagpaparusa ni Allah at ngitngit Niya, ay kasusuklaman ang pakikipagtagpo kay Allah at kasusuklaman din ni Allah ang pakikipagtagpo sa kanya.'"Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allāh sa kanya, ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag tumindig noon para sa pagdarasal, ay nagsasabi: "Wajjahtu wajhī lilladhī faṭara -ssamāwāti wa -l'arḍa hanīfan wa mā anā mina -lmushrikīn. Inna ṣalātī wa nusukī wa maḥyāya wa mamātī lillāhi rabbi -l`ālamīna lā sharīka lahu wa bidhālika umirtu wa anā mina -lmuslimīn. Allāhumma anta -lmaliku lā ilāha illa anta, anta rabbī wa anā `abduka, đalamtu nafsī wa`taraftu bidhambī fa-ghfir lī dhunūbī jamī`an, innahu lā yaghfiru -dhdhunūba illā anta, wa -hdinī li'aḥsani -l'akhlāqi, lā yahdī li'aḥsanihā illā anta, wa -ṣrif `annī sayyi'ahā, lā yaṣrifu `annī sayyi'ahā illā anta, labbayka wa sa`dayka, wa -lkhayru kulluhu fī yadayka, wa -shsharru laysa ilayka, anā bika wa ilayka, tabārakta wa ta`ālayta, astaghfiruka wa atūbu ilayka. (Ibinaling ko ang mukha ko sa naglalang ng mga langit at lupa bilang isang makatotoo, at hindi ako kabilang sa mga nagtatambal sa Panginoon. Tunay na ang dasal ko, ang handog ko, ang buhay ko, at ang kamatayan ko ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang, walang katambal sa Kanya. Iyon ay ipinag-utos sa akin, at ako ay kabilang sa mga Muslim. O Allāh, Ikaw ang Hari, walang Diyos kundi Ikaw. Ikaw ay Panginoon ko at ako ay lingkod Mo. Lumabag ako sa katarungan sa sarili ko at inamin ko ang pagkakasala ko kaya patawarin Mo ako sa lahat ng mga pagkakasala ko; tunay na walang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi Ikaw. Patnubayan Mo ako sa pinakamaganda sa mga kaasalan; walang magpapatnubay sa pinakamaganda sa mga iyon kundi Ikaw. Ilayo Mo sa akin ang masagwa sa mga iyon; walang magpapalayo sa akin sa masagwa sa mga iyon kundi Ikaw. Bilang pagtugon sa Iyo at bilang pagsunod sa Iyo, ang mabuti, lahat ng ito, ay nasa mga kamay Mo. Ang masama ay hindi inuugnay sa Iyo. Ako ay nagagabayan sa pamamagitan Mo at nagpapakanlong sa Iyo. Napakamapagpala Mo at pagkataas-taas Mo. Humihingi ako ng tawad sa Iyo at nagbabalik-loob ako sa Iyo.)" Kapag yumukod siya, nagsasabi siya: "Allāhumma laka raka`tu, wa bika āmantu, wa laka aslamtu, khasha`a laka sam`ī wa baṣarī, wa mukhkhī wa `ađmī wa `aṣabī. (O Allāh sa Iyo ako yumukod, sa Iyo ako sumampalataya, at sa Iyo ako nagpasakop. Nagpakababa sa Iyo ang pandinig ko, ang paningin ko, ang utak ko, ang buto ko, at ang litid ko." Kapag umangat siya, nagsasabi siya: "Allāhumma rabbanā laka -lḥamd, mil'a -ssamāwāti wa mil'a -l'arḍ, wa mil'a mā baynahumā wa mil'a mā shi'ta min shay'im ba`d. (O Allah, Panginoon namin, ukol sa Iyo ang papuri, na makapupuno sa mga langit, makapupuno sa lupa, makapupuno sa anumang nasa pagitan ng mga ito, at makapupuno ng anumang bagay na niloob Mo pagkatapos.)" Kapag nagpatirapa siya, nagsasabi siya: "Allāhumma laka sajadtu, wa bika āmantu, wa laka aslamtu, sajada wajhī lillādhī khalaqahu wa ṣawwarahu, wa sḥaqqa sam`ahu wa baṣarahu, tabāraka -llāhu aḥsanu -lkhāliqīn. (O Allāh, sa Iyo ako nagpatirapa, sa Iyo ako sumampalataya, at sa Iyo ako nagpasakop. Nagpatirapa ang mukha ko sa Kanya na lumikha rito, nag-anyo rito, nagbukas sa pandinig at paningin nito. Napakamapagpala ni Allāh, ang pinakamagaling sa mga tagapaglikha.)" Pagkatapos kabilang sa huli sa sinasabi niya sa pagitan ng tashahhud at taslīm: "Allāhumma -ghfir lī mā qaddamtu wa mā akhkhartu, wa mā asrartu wa mā a`lantu, wa mā asraftu, wa mā anta a`lamu bihi minnī, anta -lmuqaddimu wa anta -lmu'akhkhiru, lā ilāha illā anta. (O Allāh, patawarin Mo ako sa [kasalanang] naunang nagawa ko at nahuling nagawa ko, [kasalanang] inilihim ko at inihayag ko, at [kasalanang] ipinagmalabis at [kasalanang] Ikaw ay higit na nakaaalam doon kaysa sa akin. Ikaw ay ang nagpapauna at Ikaw ay ang nagpapahuli; walang Diyos kundi Ikaw.)"Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag nagsagawa siya ng tahajjud sa gabi, ay nagsasabi: "Allāhumma rabbanā, laka -lḥamdu anta qayyimu -ssamāwāti wa -l’arḍ, wa laka -lḥamdu anta rabbu -ssamāwāti wa -l’arḍi wa man fīhinna, wa laka -lḥamdu anta nūru -ssamāwāti wa -l’arḍi wa man fīhinn, anta -lḥaqqu, wa qawluka -lḥaqqu, wa wa`duka -lḥaqqu, wa liqā’uka -lḥaqqu, wa -ljannatu ḥaqqun, wa -nnāru ḥaqqun, wa -ssā`atu ḥaqq; Allāhumma laka aslamtu, wa bika āmantu, wa `alayka tawakkaltu, wa ilayka khāṣamtu, wa bika ḥākamtu, fa-ghfir lī mā qaddamtu, wa mā akhkhartu, wa asrartu, wa a`lantu, wa mā anta a`lamu bihi minnī; lā ilāha illā anta (O Allāh Panginoon namin; ukol sa Iyo ang papuri, Ikaw ay Tagapagpanatili ng mga langit at lupa; ukol sa Iyo ang papuri, Ikaw ay Panginoon ng mga langit at lupa at ng sinumang nasa mga ito; ukol sa Iyo ang papuri, Ikaw ay Liwanag ng mga langit at lupa at ng sinumang nasa mga ito; Ikaw ay ang Totoo, ang sabi Mo ay ang totoo, ang pangako Mo ay ang totoo, ang pagkikipagkita sa Iyo ay ang totoo, ang Paraiso ay totoo, ang Impiyerno ay totoo, at ang Huling Sandali ay totoo; o Allāh, sa Iyo ako nagpasakop, sa Iyo ako sumampalataya, sa Iyo ako nanalig, dahil sa Iyo ako nakipagtalo, at sa Iyo ako nagpahukom, kaya magpatawad Ka sa akin sa anumang [kasalanang] naunang nagawa ko, anumang [kasalanang] nahuling nagawa ko, inilihim ko, inihayag ko, at anumang Ikaw ay higit na nakaaalam hinggil doon kaysa sa akin; walang Diyos kundi Ikaw)."Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya: "Wala nang araw na higit na marami sa pagpapalaya si Allāh doon ng alipin mula sa Impiyerno kaysa sa Araw ng `Arafah. Tunay na Siya ay talagang lumalapit. Pagkatapos ay ipinagkakapuri Niya sila sa mga anghel at nagsasabi: Ano ang ninais ng mga ito?"Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: {Kapag nagising ang isa sa inyo mula sa pagkatulog niya, suminghot siya ng tubig at magsinga nito nang tatlong ulit sapagkat tunay na ang demonyo ay nagpapagabi sa mga butas-ilong niya.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Laqīṭ bin Ṣabirah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: Ako ay naging delegado ng Angkan ng Muntafiq — o sa delegasyon ng Angkan ng Muntafiq — sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Noong dumating kami sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), hindi kami nakasumpong sa kanya sa tahanan niya at nakasumpong naman kami kay `Ā'ishah na Ina ng mga Mananampalataya. Nag-utos siya na maghanda para sa amin ng khazīrah saka ginawa naman ito para sa amin. Dinalhan kami ng isang bandehadong may datiles. Pagkatapos dumating ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi siya: "Hinainan ba kayo ng anuman o may ipinahanda ba para sa inyo na anuman?" Nagsabi kami: "Opo, O Sugo ni Allāh." Habang kami naman kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay mga nakaupo, biglang humangos ang pastol ng mga tupa niya papunta sa pahingahan habang may kasama itong isang korderong umuungol. Kaya nagsabi siya: "Ano ang ipinanganak niyan, O Polano?" Nagsabi ito: "Babaing tupa." Nagsabi siya: "Kaya magkatay ka para sa amin kapalit niyan ng isang tupa." Pagkatapos nagsabi pa siya: "Huwag ka nga magpalagay, huwag ka ngang magpalagay na kami alang-alang sa iyo ay magkakatay nito. Mayroon kaming isang daang tupa na hindi kami nagnanais na madagdagan. Kaya kapag nagpaanak ang pastol ng isang babaing tupa, nagkakatay kami kapalit nito ng isang tupa." Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, tunay na mayroon akong maybahay at tunay na sa dila niya ay may isang bagay." Tumutukoy ito sa kabastusan. Nagsabi siya: "Kaya diborsiyuhin mo siya, samakatuwid." Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, tunay na mayroon siyang pinagsamahan [sa akin] at may anak ako sa kanya." Nagsabi siya: "Kaya pag-utusan mo siya," nais niyang sabihing pangaralan mo siya, "sapagkat kung sa kanya ay may kabutihan, gagawin niya. Huwag kang mamalo sa kabiyak mo gaya ng pagpalo mo sa munting babaing alipin mo." Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, magpabatid ka sa akin tungkol sa wuḍū'. Nagsabi siya: "Maglubus-lubos ka sa pagsasagawa ng wuḍū'. Magsingit ka sa pagitan ng [isa't isa sa] mga daliri. Magpalabis ka sa pagsinghot ng tubig maliban na ikaw ay nag-aayuno."}Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, at Imām Ibnu Mājah
Ayon kay Abe Al-Aswad,nagsabi siya:Dumating ako sa Madinah,umupo ako kay Umar bin Al-Khattab-malugod si Allah sa kanya-at dumaan sa kanila ang ililibing,at pinuri nila ang may-ari nito ng kabutihan,Nagsabi si Umar:Nararapat.Pagkatapos ay dumaan ang iba pa,at pinuri nila ang may-ari nito ng kabutihan,Nagsabi si Umar:Nararapat.Pagkatapos ay dumaan ang ikatlo,at pinuri nila ang may-ari nito ng kasamaan,Nagsabi si Umar:Nararapat.Nagsabi si Abu Al-Aswad,Nagsabi ako:At ano ang nararapat,O pinuno ng mga mananampalataya? Nagsabi siya:Sinabi ko ang tulad ng sinabi ng propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Kahit sinong muslim na magsasaksi sa kanya ang apat sa kabutihan,papapasukin Siya ni Allah sa Paraiso.)) Nagsabi kami: At kung tatlo? Nagsabi siya:(( at ang tatlo)),Nagsabi kami: At kung dalawa?Nagsabi siya:(( at ang dalawa)),Pagkatapos ay hindi na namin siya tinanong,kapag isa.Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Ummu Salamah na ina mga mananampalataya, na maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang may makakatay na kakatayin, saka kapag dumating ang bagong buwan ng Dhulḥijjah, huwag nga siyang kukuha mula sa buhok niya ni mula sa mga kuko niya ng anuman hanggang sa makapag-alay siya."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Ummu `Aṭīyah (malugod si Allāh sa kanya), nang nangako ito ng katapatan sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nagsabi: {Kami noon ay hindi nagtuturing ng anuman sa pangingitim at kadilawan matapos ng pagkadalisay.}Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud ayon sa pagkakasambit na ito. Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy nang walang dagdag ng pariralang "matapos ng pagkadalisay"
Ayon kay Huzayfah-malugod si Allah sa kanya--Hadith na Marfu-(( Ginawa tayong higit na mainam sa sangkatauhan mula sa tatlong bagay:Ginawang ang linya natin sa [pag-aalay ng dasal] ay tulad ng paglinya ng mga Anghel,at Ginawa ang buong kalupaan para sa atin ay Masjid,at Ginawa ang alabok nito para sa atin ay dalisay kapag hindi tayo nakatagpo ng tubig,at nabanggit niya ang iba pang bagay))Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Samrah, malugod si Allah sa kanya.-Hadith na Marfu: ((Sinuman ang magsagawa ng wudhu sa araw ng Jumu`ah,dahil rito [ay naisagawa niya ang sunnah] at siya ay tatangkilikin,at sinuman ang maligo,ito ay higit na mainam))Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dārimīy
Ayon kay `Amr bin Sulaym Al-Anṣārīy na nagsabi: {Sumasaksi ako kay Abū Sa`īd na nagsabi: Sumasaksi ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang pagpaligo sa araw ng Biyernes ay kinakailangan sa bawat muḥtalim, na magsipilyo siya, at na magpahid siya ng isang pabango kung nakatagpo siya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Bakrah, malugod si Allāh sa kanya: "Tunay na ang panahon ay nakaikot na gaya ng anyo nito nang araw na nilikha ni Allāh ang mga langit at lupa. Ang taon ay labindalawang buwan, na mula sa mga ito ay may apat na bawal makipaglaban: tatlong magkakasunod: Dhulqa`dah, Dhulḥijjah, at Al-Muḥarram, at ang Rajab ng Muḍar na nasa pagitan ng Jumādā at Sha`bān. Aling buwan ito? Nagsabi kami: Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam. Nanahimik siya hanggang sa inakala naming siya ay magpapangalan nito ng iba sa pangalan nito. Nagsabi siya: Ito ba ay hindi Dhulḥijjah? Nagsabi kami: Opo. Nagsabi siya: At aling bayan ito? Nagsabi kami: Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam. Nanahimik siya hanggang sa inakala naming siya ay magpapangalan nito ng iba sa pangalan nito. Nagsabi siya: Ito ba ay hindi Al-Baldah? Nagsabi kami: Opo." Nagsabi siya: At aling araw ito? Nagsabi kami: Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam. Nanahimik siya hanggang sa inakala naming siya ay magpapangalan nito ng iba sa pangalan nito. Nagsabi siya: Ito ba ay hindi Araw ng Pag-aalay? Nagsabi kami: Opo. Nagsabi siya: Kaya tunay na ang mga buhay ninyo, ang mga ari-arian ninyo, at ang mga dangal ninyo sa inyo ay bawal labagin gaya ng pagkabawal labagin ng araw ninyong ito sa bayan ninyong ito sa buwan ninyong ito. Makatatagpo ninyo ang Panginoon ninyo at tatanungin Niya kayo tungkol sa mga gawa ninyo. Makinig, kaya huwag kayong manumbalik matapos ko sa pagiging mga Kāfir na tinataga ng ilan sa inyo ang mga leeg ng mga iba. Makinig, magpaabot ang nakasaksi sa nakaliban sapagkat harinawang ang ilan sa aabutan nito ay maging higit na nakatatalos dito kaysa sa ilan sa nakarinig ito." Pagkatapos ay nagsabi siya: Makinig, naipaabot ko ba? Makinig, naipaabot ko ba? Nagsabi kami: Opo. Nagsabi siya: O Allāh, sumaksi Ka."Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag dumating ang Ramaḍān, binubuksan ang mga pinto ng Paraiso, ipinipinid ang mga pinto ng Impiyerno, at iginagapos ang mga demonyo."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Dharr, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Kapag mag-aayuno ka sa isang buwan nang tatlong araw, mag-ayuno ka sa ikalabintatlo, ikalabing-apat, at ikalabinlimang araw. Ayon kay Qatādah bin Malḥān, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nag-uutos sa amin noon na mag-ayuno sa mga araw ng Bīḍ: sa ikalabintatlo, ikalabing-apat, at ikalabinlimang araw." Ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay hindi tumitigil sa pag-aayuno sa mga araw ng Bīḍ sa pananatili ni sa paglalakbay."Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Kapag nanawagan para sa pagdarasal, tumatalikod ang demonyo at mayroon siyang utot upang hindi niya marinig ang pananawagan. Kapag natapos ang panawagan, humaharap siya hanggang sa kapag isinagawa na ang iqāmah, tumatalikod siya hanggang sa kapag natapos na ang iqāmah, humaharap siya hanggang sa manligalig siya sa pagitan ng tao at sarili nito. Sinasabi niya: 'Alalahanin mo ang ganito at alalahanin mo ang gayon,' para sa hindi niya naalaala noong una hanggang sa manatili ang lalaki na hindi nakaaalam kung ilan ang dinasal nito."Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Mu`ādhah, siya ay nagtanong kay`Ā'ishah, malugod si Allāh dito: "Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nag-aayuno ba noon sa bawat buwan ng tatlong araw?" Nagsabi ito: "Oo." Kaya nagsabi ako: "Mula sa aling buwan siya nag-aayuno noon?" Nagsabi ito: "Hindi niya pinapansin noon mula sa aling buwan siya nag-aayuno."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Mu`āwiyah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang mga mu'adhdhin ay ang pinakamahaba sa mga tao sa mga leeg sa Araw ng Pagbangon."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Ibnu`Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa, ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nag-ayuno sa Araw ng `Āshurā’ at ipinag-utos niya ang pag-aayuno roon.Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Shurayh bin Hani;Nagsabi siya:Dumating ako kay `Aishah ,tatanungin ko siya tungkol sa pagpunas ng dalawang medyas, Nagsabi siya:Nararapat ka (magtanong kay) ibn Abe Talib,Tanungin mo siya sapagkat siya ay naglalakbay kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at tinanong namin siya,Nagsabi siya: ((Ginawa ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang tatlong araw at gabi nito sa manlalakbay;at isang araw at isang gabi sa naninirahan))Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay 'Āeishah-malugod si Allah sa kanya-atynagsabi:Gusto ba ninyo na ikwento ko sa inyo ang tungkol sa akin at sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi kami: Oo,Sinabi niya,Nagsabi siya:Sa isang gabi na kung saan ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nasa akin,lumingon siya at inilagay nito ang damit niya at tinanggal nito ang sapatos niya,at inilagay ang dalawang ito sa paa niya,at iniunat niya ang dulo ng malong niya sa higaan niya,hanggang sa humiga siya,hindi siya nagtagal at sa oras na iyon ay inakala niyang nakatulog na ako,kinuha niya ang damit niya nang malumanay,at isinuot niya ang sapatos niya ng malumanay,at binuksan niya ang pintuan at lumabas siya,at isinarado niya ito ng dahan-dahan,inilagay ko ang damit ko sa ulo ko at nagtakip ako at nagtakip ako ng aking mukha at isinuot ko ang malong ko,Pagkatapos ay lumabas ako na (sumusunod) likod niya. Hanggang sa dumating siya sa Al-Baq'ē at tumayo siya,pinatagal niya ang pagtayo,Pagkatapos ay itinaas niya and kamay niya ng tatlong beses,Pagkatapos ay umalis na siya at umalis narin ako,nagmadali siya at nagmadali din ako,tumakbo siya at tumakbo narin ako,dumating siya at dumating din ako,nauna Ako sa kanya kayat pumasok na ako,at wala akong (nagawa) kundi humiga,kayat pumasok siya;at nagsabi: (( Ano nangyari sa iyo? O 'Āieshah,at hinika ka at hiningalo kana))Nagsabi siya:Sinabi ko;Wala anuman ito,Nagsabi siya;(( Sasabihin moba sa akin o hahayaan mong ang katotohanan ay sabihin sa akin ng Napaka-bait na Mas higit na Nakaka-alam)) Nagsabi Ako:Sinabi ko: O Sugo ni Allah,sumpa man sa aking ama at ina,at sinabi ko sa kanya.Nagsabi siya;(Ikaw ba na nakita ko sa harap ko ?)) Sinabi ko:Oo,biglang sumakit ang dibdib ko na (parang) bigat na humapdi sa akin,pagkatapos ay sinabi niya: Inakala moba na (gagawan)ka ng hindi makatarungan ni Allah at nang kanyang Sugo?)) Ang sabi niya:(( Kahit Ano pa ang itago ng Tao ay malalaman din ni Allah,Oo.Ang sabi niya:Katotohanang si Jibrēl ay dumating sa akin sa oras na nakita mo,ay tinawag niya ako,at itinago niya ito sa iyo,tinugon ko ito at itinago ko rin sa iyo,at hindi na siya pumasok sa iyo sapagkat ibinaba mona nag damit mo,at inakala korin na nakatulog kana.Kayat namunghi akong gisingin kita at natakot akong madistorbo kita,Nagsabi siya (Jibrel) :Katotohanan and Panginoon mo ay nag-uutos sa iyo na pumunta ka ng libingan sa Al-Baqēi,at ihingi mo sila ng kapatawaran",Nagsabi siya:Sinabi ko:Papaano ko sasabihin sa kanila O Sugo ni Allah?Ang sabi niya:Sabihin mong:((Sumainyo nawa ang kapayapaan sa mga naninirahan ng libingan na ito,mula sa mga naniniwalang Mu'min at Muslim at,Pagpalain nawa ni Allah ang mga nauna sa atin at ang pinaka-huli sa atin at katotohanan kami sa kapahintulutan ni Allah ay susunod sa inyo))Nagsalaysay nito si Imām Muslim
عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: قال النبي صلى الله عليه وسلم : «إذا كان يوم الجمعة وقَفَتِ الملائكةُ على باب المسجد يَكْتُبون الأوّلَ فالأوّلَ، ومَثَلُ المُهَجِّر كمثل الذي يُهْدي بَدَنةً، ثم كالذي يُهْدي بقرة، ثم كَبْشا، ثم دَجاجة، ثم بَيضة، فإذا خرج الإمام طَوَوُا صُحُفَهم، ويسْتَمعون الذِّكرَ».متفق عليه
عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «إذا قَرَأ ابنُ آدم السجدةَ فسجد اعْتَزَل الشيطانُ يبكي، يقول: يا وَيْلَه -وفي روايةٍ: يا وَيْلي- أُمِر ابنُ آدمَ بالسجودِ فسجدَ فله الجنة، وأُمِرتُ بالسجود فأبَيْتُ فَلِيَ النارُ».رواه مسلم
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya-Katotohanan ang Sugo ni Allag-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya: ((Sinuman ang umabot mula sa dasal na Subh ng isang tindig bago sumikat ang araw,ay tunay na inabutan niya ang dasal na Subh,at sinuman ang umabot ng isang tindig mula sa dasal na Asr bago lumubog ang araw,ay tunay na inabutan niya ang dasal na Asr))Napagkaisahan ang katumpakan