231 hadiths
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya.Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nakakita ng sipon sa [may bandang] Qiblah,Kamunghi-munghi ito para sa kanya,hanggang sa makikita mo ito sa mukha niya,Tumayo siya at kinamot ito gamit ang kamay niya, Nagsabi siya: ((Tunay na ang isa sa inyo,kapag tumindig sa pagdarasal niya,tunay na nananalangin siya sa Panginoon niya,At tunay na ang Panginoon niya ay nasa pagitan niya at pagitan ng Qiblah,Kaya huwag magdura ang isa sa inyo sa harap ng Qiblah niya,ngunit sa kanyang bandang kaliwa o sa ilalim ng dalawang paa niya))Pagkatapos ay kinuha niya ang dulo ng damit niya,at nagdura rito,Pagkatapos ay kinamot niya ang bawat isa rito,Nagsabi siya: ( O di kaya ay gawin niya ang ganito))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa-Sinabi niya:Binuksan ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang kurtina,At ang mga Tao ay nakalinya sa likod ni Abu Bakar,Nagsabi siya: (( O Sangkatauhan,Tunay na wala ng natira sa mga magagandang bagay mula sa mga Propeta maliban sa magandang panaginip,na nakikita ng Muslim,o ipinapakita sa kanya,Hindi ba`t ako`y pinagbawalan na basahin ang Qur-an habang ako ay nakayuko o nakapagpatirapa,At sa pagyuko,ay dakilain ninyo rito ang Panginoon-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan,At sa pagpapatirapa,magsumikap kayo sa pananalangin at isipin ninyo na tatanggapin ito sa inyo))Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Al-Hakam,siya ay nagsabi:Nanatili sa Kufa ang isang lalaking -tinatawag sa pangalang- Zaman Bin Al-Ash-ath, Ipinag-utos niya kay Aba `Ubaydah bin `Abdullah na magdasal sa mga tao,At siya ay nagdarasal,At kapag itinaas niya ang ulo mula sa pagyuko,tumatayo siya sa tagal ng pagsabi ko ng: O Allah! Panginoon namin ang lahat ng papuri ay sa Iyo,napupuno ang langit at napupuno ang kalupaan at napupuno ang anumang ibigin Mo sa anumang bagay pagkatapos nito,Ang karapat-dapat sa pagpuri at pagdakila, Walang nakahahadlang sa anumang ipinagkakaloob mo, At walang nakapagkakaloob sa anumang hinahadlangan mo,At hindi pakikinabangan ng nagmamay-ari ng kayamanan, sa Iyo ang kayamanan [nito],Nagsabi si Al-Hakam: Binanggit ko ito kay `Abdurrahman bin Abe Layla,at siya ay nagsabing: Narinig ko si `Al-Barra`bin A`zib,-na nagsasabing: ((Ang pagdarasal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pagyuko niya,[at gayundin] kapag itinaas niya ang ulo niya mula sa pagyuko,at ang pagpapatirapa niya, At ang pagitan ng dalawang pagpapatirapa niya ay malapit sa pagkakapareho)) Nagsabi si Shu`bah:Binanggit ko ito kay `Amr bin Murrah,at nagsabi siya: Tunay na nakita ko si Ibn Abe Layla,ngunit ang pagdarasal niya ay hindi naging ganoonNagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi sa pagitan ng dalawang pagkakapatirapa: "Allāhumma –ghfir lī, wa-rḥamnī, wa-`āfinī, wa-hdinī, wa-rzuqnī. (O Allāh, patawarin Mo ako, kaawaan Mo ako, paligtasin Mo ako, patnubayan Mo ako, at tustusan Mo ako.)"}Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad