Hadith for the World
Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Ang Fiqh ng mga Pagsamba

231 hadiths

231 hadiths

Ayon kay Ummu Ḥabībah (malugod si Allāh sa kanya) na maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang nangalaga sa apat na rak`ah bago ng ṣalāh sa tanghali at apat na rak`ah matapos nito, magkakait sa kanya si Allāh sa Impiyerno."}Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad
Ayon kay `Abdullah bin `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa- Nagsabi siya: Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:((Kinakaawaan ni Allah ang isang taong nagdasal bago ang dasal ng Asr nang apat na tindig))Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Abdullah bin Al-Maznie,nasabi siya,Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-( Magdasal kayo bago sumapit ang Maghrib ng dalawang tindig))pagkatapos ay nagsabi siya;((Magdasal kayo bago sumapit ang Maghrib ng dalawang tindig,sa sinumang mag-nais)) Pagkatakot na baka gawin ito ng mga Tao na Sunnah.Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay 'Āishah malugod si Alla sa kanya-Nagsabi siya:(( Ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag natapos ang Nagtatawag ng Āzān sa unang beses mula sa dasal ng Fajr,titindig siya,at yuyuko sa dalawang tindig na magaan bago ang dasal ng Fajr,pagkatapos na maging hayag (tiyak) ang dasal ng Fajr,pagkatapos ay hihiga siya banda nitong kanan,hanggang sa dumating sa kanya ang nagtatawag ng Azan upang itindig ang dasal.Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): Nagtanong ang isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang siya ay nasa pulpito: "Ano po sa tingin mo ang salah sa gabi?" Nagsabi siya: "Dala-dalawahang [rak`ah]; ngunit kapag natakot siya na umabot sa madaling-araw, magdarasal siya ng iisang rak`ah saka magiging witr para sa kanya ang dinasal niya." Tunay na siya noon ay nagsasabi: "Gawin ninyo ang kahuli-hulihan sa salah ninyo bilang witr. Tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-utos nito.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Ibnu 'Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Ang pagdarasal sa gabi at araw ay dalawa dalawa))Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya.nagsabi siya;Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Ang pinaka-mainam na pag-aayuno pagkatapos ng Buwan ng Ramadhan ay ang Buwan ng Allah na Muharram,at ang pinakamainam na Pagdarasal pagkatapos ng ng mga Obligado ay ang Dasal na GabiNagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Ayyūb Al-Ansārī-malugod si Allah sa kanya-Na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi:((Ang dasal na Witr ay tunay,Sinuman ang magnais ay magdasal ng Witr nang pitong (tindig),at sinuman ang magnais,at magdasal ng Witr nang limang tindig,at sinuman ang magnais ay magdasal ng Witr nang tatlong tindig at sinuman ang magnais ay magdasal ng Witr nang isang tindig))Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud
Ayon kay Ali bin Abe Talib- malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:((Ang dasal na Witr ay hindi obligado na tulad ng pagsasagawa sa mga Dasal na Obligado,Ngunit ito ay Sunnah na ginawa ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan))Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay 'Aishah malugod si Allah sa kanya-at nagsabi:((Ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdarasal sa gabi nang labin-tatlong tindig,kabilang rito ang Witr,at dalawang tindig sa (dasal ng madaling araw).Napagkaisahan ang katumpakan
At ayon kay Abdullah bin Am`r bin Al-A`s-malugod si Allah sa kanilang dalawa-nagsabi siya: Nagsabia sa akin ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(( O Alipin ni Allah, huwag kang maging tulad ni pulano,dati ay tumitindig(nagdadasal) sa gabi,Hanggang sa iniwan na niya ang pagtindig(pagdasal) sa gabi.))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Ali malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya: Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(( O mga Taong Qur-an,Magdasal kayo ng Witr,Sapagkat si Allah ay Witr,Naiibigan niya ang Witr))Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Abē Saīd Al-Khudrīy malugod si Allah sa kanya-Tunay na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi:(( Magdasal kayo ng Witr bago kayo umagahin))Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allah sa kanya- sa Haduth na Marfu-((Sinuman ang makatulog sa Dasal nito na Witr o nakalimot siya nito,magdasal siya nito kapag naalala niya ito.))Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Jaber-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi;Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Sinuman ang natatakot na hindi makapag-dasal sa huling-gabi,ay magdasal ito ng Witr sa unang-gabi nito,at sinuman ang naghahangad na makapag-dasal sa huling-gabi nito,ay magdasal ito ng Witr sa huling-gabi nito,Dahil ang pagdarasal sa huling-gabi ay sinasaksihan,at ito ang mas-mainam))Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay 'Aishah malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya: ( Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay nagdadasal ng Duhā nang apat na tindig,at nagdadag-dag siya sa kapahintulutan ni AllahNagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Nakalalamang ang ṣalāh ng pagtitipon sa ṣalāh ng isa sa inyo nang mag-isa ng dalawampu't limang bahagi. Nagtitipon ang mga anghel ng gabi at ang mga anghel ng maghapon sa ṣalāh sa madaling-araw."} Pagkatapos nagsasabi si Abū Hurayrah: "Kaya bigkasin ninyo, kung niloob ninyo (Qur'ān 17:78): {tunay na ang [pagbigkas ng] Qur'ān sa madaling-araw ay laging sinasaksihan [ng mga anghel].}"}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na isang lalaking bulag saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, tunay na wala akong isang tagaakay na aakay sa akin patungo sa masjid." Kaya humiling ito sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magpahintulot siya rito para magdasal ito sa bahay nito. Kaya nagpahintulot siya rito ngunit noong nakalisan ito ay tinawag niya ito saka nagsabi siya: "Naririnig mo ba ang panawagan sa pagdarasal?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya tugunin mo."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Zaid Bin Thabit, malugod si Allah sa kanya.na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay gumawa ng kuwarto sa loob ng Masjid mula sa banig,Nagdasal ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan rito ng ilang gabi hanggang sa nagtipon ang mga tao sa kanya,Pagkatapos ay nawala sa kanila ang boses niya sa isang gabi,inakala nila na siya ay nakatulog,Kaya`t ang bawat isa sa kanila ay nagpalabas ng boses upang lumabas siya sa kanila,Nagsabi siya:((Nanatili parin sa inyo ang anumang nakita ko mula sa ginawa ninyo,Hanggang sa natakot ako na itoy maging obligado sa inyo,at kapag ito`y naging obligado sa inyo,ay hindi ninyo ito gagampanan,Kaya magdasal kayo o mga Tao sa mga bahay ninyo,dahil ang pinakamainam na dasal ng tao ay sa bahay niya maliban sa dasal na Obligado))Napagkaisahan ang katumpakan
عن أبي هريرة رضي الله عنه أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: "خير الصدقة ما كان عن ظَهْر غِنى، واليدُ العُليا خيرٌ مِن اليد السُّفلى، وليَبدأْ أحدُكم بِمَن يَعول". تقول امرأته: أنْفِقْ علَيَّ، وتقول أمُّ ولده: إلى مَن تَكِلُني، ويقول له عَبْدُه: أطْعِمْنِي واسْتَعْمِلْنِي.رواه البخاري وابن حبان واللفظ له
عن عمرو بن شعيب، عن أبيه، عن جده قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «يَدُ المسلمين على مَن سِواهم، تَتَكافَأُ دِماؤهم وأموالُهم، ويُجِيرُ على المسلمين أدْناهم، ويَرُدُّ على المسلمين أَقْصَاهم».رواه أبو داود وابن ماجه وأحمد
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, pagpapanatili sa ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, [pagsasagawa ng] ḥajj, at pag-aayuno sa Ramaḍān."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Mālik Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pagkadalisay ay kalahati ng pananampalataya. Ang [pagsasabi ng:] alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pupuno sa timbangan [ng mga gawa]. Ang [pagsasabi ng:] subḥāna –llāh (kaluwalhatian kay Allāh) at alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pupuno sa nasa pagitan ng mga langit at lupa. Ang pagdarasal ay liwanag. Ang kawanggawa ay patotoo. Ang pagtitiis ay tanglaw. Ang Qur'ān ay katwiran para sa iyo o laban sa iyo. Ang bawat isa sa mga tao ay maagang lumilisan saka nagtitinda ng sarili niya kaya nagpapalaya nito o nagpapahamak nito."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Kapag nakarinig kayo ng [adhān ng] mu'adhdhin, magsabi kayo ng tulad ng sinasabi niya. Pagkatapos dumalangin kayo ng basbas para sa akin sapagkat tunay na ang sinumang dumalangin para sa akin ng isang basbas, magbabasbas si Allāh sa kanya dahil doon ng sampung [basbas]. Pagkatapos hilingin ninyo kay Allāh para sa akin ang Kaparaanan sapagkat tunay na ito ay isang katayuan sa Paraiso, na hindi nararapat kundi para sa isang lingkod kabilang sa mga lingkod ni Allāh. Umaasa ako na ako ay maging siya; sapagkat ang sinumang humiling para sa akin ng Kaparaanan, mauukol para sa kanya ang Pamamagitan."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim