Hadith for the World
Topic

Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

288 hadiths

288 hadiths

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "O Abū Sa`īd, ang sinumang nalugod kay Allāh bilang Panginoon, sa Islām bilang Relihiyon, at kay Muḥammad bilang Propeta, nagindapat para sa kanya ang Paraiso." Kaya nagtaka rito si Abū Sa`īd saka nagsabi ito: "Ulitin mo po iyan sa akin, O Sugo ni Allāh." Kaya ginawa niya, pagkatapos nagsabi siya: "May iba pang iaangat sa pamamagitan nito ang tao ng isandaang antas sa Paraiso, na ang pagitan ng bawat dalawang antas ay gaya ng pagitan ng langit sa lupa." Nagsabi ito: "Ano po ito, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang pakikibaka sa landas ni Allāh, ang pakikibaka sa landas ni Allāh."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Qatādah (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay humanap sa isang nagkautang sa kanya ngunit nagtago ito sa kanya, pagkatapos natagpuan niya ito kaya nagsabi ito: "Tunay na ako ay nagigipit." Kaya nagsabi siya: "Sumpa man kay Allāh?" Nagsabi ito: "Sumpa man kay Allāh!" Nagsabi siya: "Sapagkat tunay na ako ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: 'Ang sinumang nagpagalak sa kanya na magligtas sa kanya si Allāh mula sa mga pighati ng Araw ng Pagbangon, pumawi siya [ng pighati] sa isang nagigipit o mag-alis siya ng utang nito.'"}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nag-ayuno sa Ramaḍān dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang anumang nauna na pagkakasala niya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagdasal sa Gabi ng Pagtatakda (Laylatulqadr) dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang anumang nauna sa pagkakasala niya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Sālim bin `Abdillāh bin `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allāh sa kanila, ayon sa ama niya: Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsabi: "Mainam na lalaki si `Abdullāh kung sakaling siya ay nagdarasal sa gabi." Nagsabi Sālim: "Kaya si `Abdullāh noon matapos niyon ay hindi natutulog sa gabi malibang kakaunti."Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang nag-ayuno ng isang araw sa landas ni Allāh, magpapalayo si Allāh sa mukha niya sa Impiyerno ng pitumpung taglagas."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Sahl bin Sa`d (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi matitigil ang mga tao sa pagiging nasa kabutihan hanggat nagmamadali sila sa pagtigil-ayuno."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Zayd bin Thābit (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kumain kami ng saḥūr kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Pagkatapos tumindig siya papunta sa ṣalāh. Nagsabi ako: "Gaano katagal sa pagitan ng adhān at saḥūr?" Nagsabi siya: "Singtagal [ng pagbigkas] ng limampung talata [ng Qur'ān]."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh dito), na maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasagawa noon ng i`tikāf sa huling sampung araw ng Ramaḍān hanggang sa nagpapanaw sa kanya si Allāh. Pagkatapos nagsagawa ng i`tikāf ang mga maybahay niya noong matapos niya.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kumain kayo ng saḥūr sapagkat tunay na sa saḥūr ay may pagpapala."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Jābir bin `Abdullāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay minsang nasa isang paglalakbay saka nakakita siya ng isang siksikan at isang lalaking nililiman nga iyon. Kaya nagsabi siya: "Ano iyan?" Nagsabi naman sila: "Nag-aayuno." Kaya nagsabi siya: "Hindi bahagi ng pagsasamabuting-loob ang pag-aayuno sa paglalakbay."Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong manguna sa Ramaḍān ng pag-aayuno ng isang araw ni ng dalawang araw, maliban sa isang taong dating nag-aayuno ng isang pag-aayuno kaya mag-ayuno siya nito."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsatungkulin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa zakāh ng pagtigil-ayuno ng isang ṣā` ng datiles o ng isang ṣā` ng sebada, na kailangan sa alipin at malaya, lalaki at babae, at nakababata at nakatatanda kabilang sa mga Muslim. Nag-utos siya nito na ibigay ito bago ng paglabas ng mga tao papunta sa ṣalāh.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ipinahihintulot para sa isang babaing Muslim na maglakbay ng isang distansiya ng isang gabi [na paglalakbay] malibang kapag may kasama sa kanya na isang lalaking may pagkamaḥram sa kanya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Aishah at Umm Salamah-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Hadith na marfu:(( Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay muntik na siyang inaabutan ng Fajr at siya ay nasa kalagayan ng Junub sa kanyang asawa,pagkatapos ay naliligo siya at nag-aayuno))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nakalimot habang siya ay nag-aayuno, kaya nakakain o nakainom, maglubos siya ng pag-aayuno niya sapagkat nagpakain lamang sa kanya si Allāh at nagpainom sa kanya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagtagubilin sa akin ang kaibigang matalik ko (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng tatlo: pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan, dalawang rak`ah ng [ṣalāh na] ḍuḥā, at na magsagawa ako ng [ṣalāh na] witr bago ako matulog.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hanapin ninyo ang Gabi ng Pagtatakda sa gansal [na petsa] mula sa huling sampung gabi ng Ramaḍān."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah, (s): "Kapag lumapit ang gabi mula rito at lumayo ang maghapon mula rito, titigil nga sa pag-aayuno ang nag-aayuno."Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Kapag nakita ninyo iyon ay mag-ayuno kayo at kapag nakita ninyo iyon ay tumigil-ayuno kayo ngunit kapag pinalabo sa inyo ay magtaya kayo para rito."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abu Al-Ḥawzā' As-Sa`dīy na nagsabi: {Nagsabi ako kay Al-Ḥasan bin Alīy (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): "Ano ang naisaulo mo mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)?" Nagsabi ito: "Naisaulo ko mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Iwan mo ang nagpapaalinlangan sa iyo patungo sa hindi nagpapaalinlangan sa iyo sapagkat tunay na ang katapatan ay kapanatagan at tunay na ang kasinungalingan ay pag-aalinlangan."}Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, at Imām Aḥmad
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang dasal ng lalaki sa isang kongregasyon ay nakahihigit sa dasal niya sa bahay niya at sa dasal niya sa palengke niya nang higit sa dalawampu't higit pang antas. Iyon ay dahil sa ang isa sa kanila – kapag nagsagawa siya ng wuḍū' at nagpahusay siya sa pagsasagawa ng wuḍū', pagkatapos pumunta siya sa masjid, na walang nag-uudyok sa kanya kundi ang pagdarasal, na walang ninanais kundi ang pagdarasal – walang hahakbanging hakbang malibang mag-aangat para sa kanya dahil dito ng isang antas at mag-aalis sa kanya dahil dito ng isang kasalanan hanggang sa makapasok siya sa masjid. Kapag naman nakapasok siya sa masjid, siya ay nasa pagdarasal hanggat ang pagdarasal ay nagpapanatili sa kanya. Ang mga anghel ay dumadalangin ng basbas sa isa sa inyo hanggat siya ay nasa inuupuan niya na pinagdasalan niya, na nagsasabi: 'O Allāh, maawa Ka sa kanya; O Allāh, magpatawad Ka sa kanya; O Allāh, tumanggap Ka ng pagbabalik-loob sa kanya.' hanggat hindi siya namemerhuwisyo rito, hanggat hindi siya nasisiraan ng wuḍū' rito."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ang ipinagbawal ko sa inyo ay iwasan ninyo at ang ipinag-utos ko sa inyo ay gampanan ninyo mula rito ang makakaya ninyo sapagkat napahamak lamang ang mga nauna sa inyo dahil sa dami ng mga tanong nila at pagsalungat nila sa mga propeta nila."Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Dharr, malugod si Allāh sa kanya: "Inilahad sa akin ang mga gawa ng Kalipunan ko: ang maganda sa mga ito at ang masagwa sa mga ito. Natagpuan ko sa mga kagandahan ng mga gawa nito ang nakapipinsala ay inaalis sa daan at natagpuan ko sa mga kasagwaan ng mga gawa nito ang plema ay nasa masjid hindi inililibing."Nagsalaysay nito si Imām Muslim