Hadith for the World
Topic

Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

288 hadiths

288 hadiths

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Walang anumang araw na inuumaga ang mga tao roon malibang may dalawang anghel na bumababa saka nagsasabi ang isa sa kanilang dalawa: 'O Allāh, magbigay Ka sa isang tagagugol ng isang kabayaran,' at nagsasabi naman ang isa pa: 'O Allāh, magbigay Ka sa isang tagapagkait ng isang kasiraan.'"}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu: ((Ang dasal ng lalaki [kasama ang] Jamaah ay pinaparami sa dasal niya sa kanyang bahay at sa tindahan, nang dalawampung pagpaparami,Ito ay dahil: sa kapag siya ay nagsagawa ng Wudhu at pinagbuti ito,pagkatapos ay pumunta siya sa Masjid,at walang ibang dahilan na nagpalabas sa kanya maliban sa pagdarasal; Walang hakbang na hahakbangin niya maliban sa itoy magpapataas ng antas niya,at magbubura sa mga kasalanan niya.At kapag nagdasal na siya,nananatili ang mga Anghel sa pananalangin para sa kanya,habang nananatili siya sa pinagdadasalan niya.O Allah! pangalagaan mo siya,O Allah! patawarin mo siya,O Allah! mahabag ka sa kanya,At mananatili siya sa pananalangin hanggat naghihintay siya ng pagdarasal))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Zayd bin Khālid (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang naghanda ng isang tagalusob sa landas ni Allāh, lumusob nga siya. Ang sinumang humalili sa isang tagalusob sa landas ni Allāh nang mabuti, lumusob nga siya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga Mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa anumang kabilang sa mga pagsambang kinukusang-loob ay hindi naging higit na matindi sa pangangalaga kaysa sa dalawang rak`ah na dasal sa madaling-araw."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abe Shurayh Khuwaylid bin `Amr bin Al-Khuza-ie-malugod si Allah sa kanya-At Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-siya ay nagsabi:((O Allah! Ako ay nangangamba sa karapatan ng dalawang mahina: Ang batang ulila,at ang babae))Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay humawak sa kamay nito at nagsabi siya: "O Mu`ādh, sumpa man kay Allāh, tunay na ako ay umiibig sa iyo." Saka nagsabi siya: "Nagtatagubilin ako sa iyo, O Mu`ādh: Huwag kang makaliligta sa bawat katapusan ng ṣalāh na magsabi ng: Allāhumma a`innī `alā dhikrika wa-shukrika wa-ḥusni `ibādatik. (O Allāh, tulungan Mo ako sa pag-aalaala sa Iyo, pagpapasalamat sa Iyo, at pagpapahusay sa pagsamba sa Iyo.)"}Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām An-Nasā'īy, at Imām Aḥmad
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Hindi tumatanggap si Allāh ng ṣalāh ng isa sa inyo kapag naparumi siya [ng pagdumi o pag-ihi] hanggang sa makapagsagawa siya ng wuḍū'."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): "Ang bawat gawain ng anak ni Adan ay para sa kanya maliban sa pag-aayuno sapagkat tunay na ito ay para sa Akin at Ako ay gaganti sa Kanya." Ang pag-aayuno ay kalasag. Kapag araw ng pag-aayuno ng isa sa inyo, huwag siyang humalay at huwag siyang mag-ingay; saka kung nakipag-alipustaan sa kanya ang isa o nakipag-away ito sa kanya, magsabi siya: "Tunay na ako ay nag-aayuno." Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, talagang ang amoy ng bibig ng tagapag-ayuno ay higit na mabango sa ganang kay Allāh kaysa sa halimuyak ng musk. Ang tagapag-ayuno ay may dalawang tuwa, na natutuwa siya sa dalawang ito: Kapag tumigil-ayuno siya, matutuwa siya; at kapag nakipagkita siya sa Panginoon niya, matutuwa siya dahil sa pag-aayuno niya.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Nagpapatawad si Allah sa martir sa bawat bagay maliban sa utang." Sa isang sanaysay niya: "Ang pagpatay alang-alang sa landas ni Allah ay nagtatakip-sala sa bawat bagay maliban sa utang."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi: "Ang limang dasal, ang Biyernes hanggang sa Biyernes, at ang Ramaḍān hanggang sa Ramaḍān ay mga tagatakip-sala sa pagitan ng mga ito kapag umiwas sa malalaking kasalanan."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abē Hurayrah malugod si Allāh sa kanya-Tunay na ang isang lalaki ay dumating sa Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-naniningil ng utang sa kanya, naging mapusok siya sa kanya,kaya nagalit ang kanyang mga kasamahan.Nagsabi ang Sugo ni Allāh pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-:((Hayaan ninyo siya, sapagkat ang nagmamay-ari ng karapatan ay may katuwiran)) Pagkatapos ay Nagsabi siyang:((Bigyan ninyo siya ng kamelyong kasing gulang ng kamelyo niya))Nagsabi sila:O Sugo ni Allāh! Wala kaming natagpuan maliban sa mas mataas sa gulang [ng kamelyo niya], Nagsabi siya:((Ibigay ninyo ito sa kanya, sapagkat ang pinakamainam sa inyo,yaong pinakamabuti sa inyo magbayad))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Shurayḥ bin Hāni' na nagsabi: {Nagtanong ako kay `Ā'ishah. Nagsabi ako: "Sa aling bagay noon nagsisimula ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kapag pumasok siya sa bahay niya?" Nagsabi ito: "Sa siwāk."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Ibnu Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Alin sa inyo ang yaman ng tagapagmana niya ay higit na kaibig-ibig sa kanya kaysa sa yaman niya? Nagsabi sila: O Sugo ni Allāh, wala sa amin ni isa man na hindi higit na kaibig-ibig sa kanya ang yaman niya. Nagsabi siya: Sapagkat tunay na ang yaman niya ay ang ipinauna niya at ang yaman ng tagapagmana niya ay ang ipinahuli niya."Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Abū Mas`ūd Al-Badrīy, malugod si Allāh sa kanya: "May tutuusing isang lalaking kabilang noon sa nauna sa inyo ngunit walang natagpuan sa kanya na kabutihan na anuman malibang siya noon ay nakikihalubilo sa mga tao. Siya noon ay nagpapaluwag. Nag-uutos siya noon sa mga utusan niya na magpaumanhin sila sa nagigipit. Nagsabi si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan: Kami ay higit na karapat-dapat doon kaysa sa kanya; magpaumanhin kayo sa kanya."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Ma`dān bin Abī Ṭalḥah Al-Ya`marīy na nagsabi: {Nakatagpo ko si Thawbān na alila ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ako: "Magpabatid ka sa akin hinggil sa isang gawaing gagawin ko, na magpapapasok sa akin si Allāh dahil dito sa Paraiso." O nagsabi ako: "... hinggil sa pinakakaibig-ibig sa mga gawain kay Allāh." Nanahimik siya. Pagkatapos tinanong ko siya saka nanahimik siya. Pagkatapos tinanong ko siya sa ikatlong pagkakataon saka nagsabi siya: "Nagtanong ako tungkol doon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi siya: 'Mamalagi ka sa dami ng pagpapatirapa kay Allāh sapagkat tunay na ikaw ay hindi nagpapatirapa ng isang pagpapatirapa malibang mag-aangat sa iyo si Allāh dahil dito ng isang antas at magbababa Siya buhat sa iyo dahil dito ng isang pagkakamali.'" Nagsabi si Ma`dān: "Pagkatapos nakatagpo ko si Abu Ad-Dardā' saka nagtanong ako sa kanya saka nagsabi naman siya sa akin ng tulad sa sinabi sa akin ni Thawbān."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Kapag nagdasal ang isa sa inyo sa gabi at bumigat ang pagbigkas ng Qur'ān sa dila niya kaya hindi niya nalaman ang sinasabi niya, matulog muna siya."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Sahl (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: {Tunay na sa Paraiso ay may pintuan na tinatawag na Ar-Rayyān. Papasok mula roon ang mga tagapag-ayuno sa Araw ng Pagbangon; walang papasok mula roon na isang iba pa sa kanila. Sasabihin: "Nasaan ang mga tagapag-ayuno?" Kaya tatayo sila; walang papasok mula roon na isang iba pa sa kanila. Kaya kapag nakapasok sila, isasara ito saka walang papasok mula roon na isa man.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsisipag sa huling sampung araw [ng Ramaḍān] ng hindi niya ipinagsisipag sa iba pa rito.}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Ibnu Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya-Hadith na marfu: ((Walang nararapat na kaiinggitan maliban sa dalawang bagay: Isang lalaki na pinagkalooban ni Allah ng kayamanan,pinahintulutan Niya ito na gugulin sa karapat-dapat,At isang lalaking pinagkalooban ni Allah ng karunungan,Siya ay humahatol rito at nangangaral.)) At ayon kay Ibn `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa;Buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Siya ay nagsabi :((Walang nararapat na kaiinggitan maliban sa dalawang bagay: Isang lalaki na pinagkalooban ni Allah ng Qur-an,siya ay gumaganap rito sa tuwing gabi at araw,at isang lalaki na pinagkalooban ni Allah ng kayamanan,Siya ay gumugugol rito sa tuwing gabi at araw))napagkaisahan ang katumpakan sa dalawang salaysay niya
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Hindi papasok sa Impiyerno ang isang lalaking umiyak dahil sa takot kay Allah malibang bumalik ang gatas sa suso. Hindi magtatagpo ang alabok sa [digmaan] alang-alang sa landas ni Allah at ang usok ng Impiyerno."Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Az-Zubayr bin Al-`Awwām (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Talagang ang kumuha ang isa sa inyo ng lubid niya saka magdala siya ng isang bigkis ng panggatong sa ibabaw ng likod niya saka magtinda nito para makapigil si Allāh dahil dito sa [paghamak sa] mukha niya ay higit na mabuti para sa kanya kaysa sa manghingi siya sa mga tao: magbigay man sila sa kanya o magkait man sila sa kanya."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang nakikipag-ugnayan sa kaanak ay hindi ang nakikitumbas, bagkus ang nakikipag-ugnayan sa kaanak ay ang kapag pinutol ang ugnayang pangkaanak sa kanya ay nakikipag-ugnayan [pa rin] siya roon."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Walang nadarama ang martir na hapdi ng kamatayan malibang gaya ng nadarama ng isa sa inyo na hapdi ng kurot."Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dārimīy
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Sinabi: "O Sugo ni Allāh, ano ang nakatutumbas sa pakikibaka sa landas ni Allāh?" Nagsabi siya: "Hindi ninyo makakaya iyon." Kaya inulit nila sa kanya nang dalawang ulit o tatlo; bawat isa roon ay nagsasabi siya: "Hindi ninyo makakaya iyon." Pagkatapos ay nagsabi siya: "Ang paghahalintulad sa nakikibaka sa landas ni Allāh ay katulad ng nag-aayuno, na nagdarasal sa gabi, na sumusunod sa mga talata ni Allāh: hindi nananamlay sa pag-aayuno ni sa pagdarasal, hanggang sa makabalik ang nakikibaka sa landas ni Allāh." Sa sanaysay ni Imām Al-Bukhārīy: May isang lalaking nagsabi: "O Sugo ni Allāh, gabayan mo ako sa isang gawaing nakatutumbas sa pakikibaka." Nagsabi siya: "Hindi ko natatagpuan iyon." Pagkatapos ay nagsabi siya: "Makakaya mo ba, kapag lumabas ang nakikibaka, na pumasok sa masjid mo at magdasal ka sa gabi at hindi ka mananamlay, at mag-ayuno ka at hindi ka mananamlay?" Nagsabi ito: "Sino po ang makakakaya niyon?"Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Napagkaisahan ang katumpakan