Hadith for the World

All hadiths

The complete card collection, filter by chapter

655 hadiths

Ayon kina Ummu Ad-Dardā' Abū Ad-Dardā' (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi: "Ang panalangin ng taong Muslim para sa kapatid niya nang palingid ay tinutugon. Sa tabi ng ulo niya ay may isang anghel na itinalaga, na sa tuwing dumalangin siya para sa kapatid niya ng mabuti ay nagsasabi ang anghel na itinalaga sa kanya ng: Amen, at ukol sa iyo ay tulad niyon."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Ummu `Aṭīyah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Sinaway kami laban sa pagdalo sa mga libing at hindi ito iginiit sa amin.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Jābir bin `Abdillah, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Huwag kayong dumalangin laban sa mga sarili ninyo. Huwag kayong dumalangin laban sa mga anak ninyo. Huwag kayong dumalangin laban sa mga yaman ninyo. Huwag ninyong itapat sa isang oras na kapag hiniling mula kay Allah sa sandaling ito ang isang bagay ay tutugon Siya sa inyo."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Tinutugon ang isa sa inyo hanggat hindi siya nagmadali, na nagsasabi: Dumalangin na ako sa Panginoon ko ngunit hindi Siya tumugon sa akin." Sa isang sanaysay ni Imām Muslim: "Hindi titigil sa pagtugon sa tao hanggat hindi siya dumadalangin ng isang kasalanan o paglagot sa ugnayang pangkamag-anak, hanggat hindi siya nagmamadali." Sinabi: "O Sugo ni Allah, ano ang pagmamadali?" Nagsabi siya: "Nagsasabi siya: Dumalangin na ako at dumalangin na ako ngunit hindi ko nakitang tumutugon Siya sa akin." Manghihinawa siya sandaling iyon at iiwan niya ang pagdalangin.Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Umāmah na nagsabi: {Nagsanaysay sa akin si `Amr bin `Abasah (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang pinakamalapit na [sandali ng] Panginoon mula sa lingkod ay sa kalaliman ng huling bahagi ng gabi. Kaya kung nakakaya mo na ikaw ay maging kabilang sa mga nag-aalaala kay Allāh sa oras na iyon, maging gayon ka."}Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īy
Ayon kay Thawbān (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakamainam na salaping ginugugol ng lalaki ay salaping ginugugol niya sa mag-anak niya, salaping ginugugol ng lalaki sa sasakyang hayop niya sa landas ni Allāh, at salaping ginugugol niya sa mga kasamahan niya sa landas ni Allāh." Nagsabi si Abū Qilābah: "Nagsimula siya sa mag-anak." Pagkatapos nagsabi pa si Abū Qilābah: "Aling lalaki ang higit na mabigat sa pabuya kaysa sa isang lalaking gumugugol sa mag-anak na mga bata, na pumipigil sa kanila [sa panghihingi], o nagpapakinabang sa kanila si Allāh sa pamamagitan nito at nagpapayaman Siya sa kanila."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, walang nakaririnig hinggil sa akin na isa mula sa kalipunang ito na isang Hudyo ni isang Kristiyano, pagkatapos namatay iyon habang hindi sumampalataya sa ipinasugo sa akin, malibang iyon ay magiging kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ang Pananampalataya ay higit sa pitumpu o higit sa animnapung sangay. Ang pinakamainam sa mga ito ay ang pagsabi ng Walang Diyos kundi si Allah, at ang pinakamababa sa mga ito ay ang pag-aalis ng nakasasakit palayo sa daan. Ang pagkahiya ay isang sangay ng Pananampalataya."Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag nagsagawa ng wuḍū' ang taong Muslim o ang mananampalataya kaya naghugas siya ng mukha niya, lalabas mula sa mukha niya ang bawat pagkakamali, na tiningnan niya ng mga mata niya, kasama ng tubig – o kasama ng huling patak ng tubig; saka kapag naghugas siya ng mga kamay niya, lalabas mula sa mga kamay niya ang bawat pagkakamali, na ginawa ng mga kamay niya, kasama ng tubig – o kasama ng huling patak ng tubig; saka kapag naghugas siya ng mga paa niya, lalabas ang bawat pagkakamali, na nilakad ng mga paa niya, kasama ng tubig – o kasama ng huling patak ng tubig – hanggang sa lumabas siya na isang dalisay sa mga pagkakasala."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Mu`ādh bin Anas, malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu:- (( Sinuman ang pumigil sa pagkagalit,na siya ay may kakayanan sa pagpapatupad nito,tatawagin siya ni Allah,napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas,sa harap ng mga nilalang sa Araw ng Pagkabuhay,upang papiliin siya mula sa magagandang babae [na mapapangasawa sa Paraiso],sa sinumang kanyang magustuhan))Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Jābir bin `Abdullāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtuturo sa amin ng istikhārah sa lahat ng mga gawain kung paanong nagtuturo siya sa amin ng sūrah mula sa Qur'ān. Nagsasabi siya: "Kapag nagbalak ang isa sa inyo ng isang bagay, magdasal siya ng dalawang rak`ah na hindi tungkulin. Pagkatapos magsabi siya: Allāhumma innī astakhīruka bi-`ilmika, wa-astaqdiruka bi-qudratik, wa-as'aluka min faḍlika ­-l`aḍ̆īm, fa-innaka taqdiru wa-lā aqdir, wa-ta`lamu wa-lā a`lam, wa anta `allāmu -­lghuyūb. Allāhumma in kunta ta`lamu anna hādha -­l'amra khayrun lī fī dīnī wa-ma`āshī wa-`āqibati amrī," – o nagsabi siya: "`ājili amrī wa-ājilihi" – "fa­-qdurhu lī wa yassirhu lī, thumma bārik lī fīhi, wa-in kunta ta`lamu anna hādha ­-l'amra sharrun lī fī dīnī wa ma`āshī wa-`āqibati amrī," – o nagsabi siya: "fī `ājili amrī wa-ājilihi" – "fa-ṣrifhu `annī wa-ṣrifnī `anhu, wa-­qdur liya -­lkhayra ḥaythu kāna thumma arḍinī bih. (O Allāh, sumasangguni ako sa Iyo sa pamamagitan ng kaalaman Mo. Nagpapakaya ako sa Iyo sa pamamagitan ng kakayahan Mo. Humihingi ako mula sa kabutihang-loob Mo na sukdulan sapagkat tunay na Ikaw ay nakakakaya, samantalang hindi ako nakakakaya, at nakaaalam, samantalang hindi ako nakaaalam. Ikaw ay ang Palaalam sa mga nakalingid. O Allāh, kung nakaaalam Ka na ang balak na ito ay mabuti para sa akin: sa relihiyon ko, pamumuhay ko, at kahihinatnan ng balak ko," – o nagsabi siya: "maaga sa balak ko at huli sa balak ko" – "magtakda Ka nito para sa akin at magpagaan Ka nito para sa akin, pagkatapos magpala Ka para sa akin dito. Kung nakaaalam Ka na ang balak na ito ay masama para sa akin: sa relihiyon ko, pamumuhay ko at kahihinatnan ng balak ko, – o nagsabi siya: "sa maaga sa balak ko at huli sa balak ko" – "magbaling Ka rito palayo sa akin, magbaling Ka sa akin palayo rito, at magtakda Ka nito para sa akin ng mabuti saanman ito naging, pagkatapos magpalugod Ka sa akin.)" Nagsabi siya: "At babanggit siya ng kailangan niya."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya.-Siya ay nagsabi:Dumaan ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa isang babaing umiiyak sa libingan.Nagsabi siya:((Katakutan mo si Allah at magtimpi ka)),Nagsabi siya: Lumayo ka sa akin;sapagkat hindi dumating sa iyo ang [pagsubok], na dumating sa akin.at hindi mo siya kilala;Sinabi sa kanya:Siya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Dumating siya sa pintuan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at wala siyang nakita dito na nagbabantay,Nagsabi siya:Hindi kita nakilala,Nagsabi siya:(( Tunay na ang pagtitimpi ay sa unang pagsubok)) At sa ibang salaysay:((Umiiyak siya dahil sa anak niya))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Ṣuhayb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Paghanga ay ukol sa lagay ng mananampalataya! Tunay na ang lagay niya sa kabuuan nito ay kabutihan. Iyan ay hindi ukol sa isa man kundi sa mananampalataya. Kung may dumapo sa kanya na kariwasaan, nagpapasalamat siya kaya ito ay naging kabutihan para sa kanya; at kung may dumapo sa kanya na kariwaraan, nagtitiis siya kaya ito ay naging kabutihan para sa kanya."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi:Ang salita ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay salitang hiwa-hiwalay,naiintindihan ito ng bawat taong nakakarinig sa kanya.Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu: ((Tunay na ang may pinakamasamang kalagayan sa mga tao para kay Allah sa Araw ng Pagkabuhay ay ang lalaking nakipagtalik sa kanyang asawa at nakipagtalik din siya sa kanya,pagkatapos ay ikakalat nito ang lihim niya))Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Umiwas kayo sa pitong tagapagpasawi." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, at ano po ang mga ito?" Nagsabi siya: "Ang pagtatambal kay Allāh, ang panggagaway, ang pagpatay sa kaluluwang ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa katwiran, ang pagkain ng patubo, ang pagkain ng yaman ng ulila, ang pagtalikod sa araw ng labanan, at ang paninirang-puri sa mga malinis na nakapag-asawang babae, na mga mananampalataya, na mga inosente."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Allāh, huwag Mong gawin ang libingan ko bilang isang diyus-diyusan." Sumumpa si Allāh sa mga taong gumawa sa mga libingan ng mga propeta nila bilang mga sambahan.}Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, siya ay nagsabi: "Tunay na ang bigat ng ganti ay kaalinsabay ng bigat ng pagsubok at tunay na si Allah, pagkataas-taas Niya, kapag umibig sa mga tao, ay sumusubok sa kanila. Kaya ang sinumang nalugod, ukol sa kanya ang lugod; at ang sinumang nayamot, ukol sa kanya ay ang pagkayamot."Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagsabi si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas): Ako ay ang pinakawalang-pangangailangan sa mga katambal sa pagtatambal. Ang sinumang gumawa ng isang gawa na nagtambal siya rito kasama sa Akin ng iba pa sa Akin, mag-iiwan Ako sa kanya kasama ng pagtatambal niya."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Kausapin ninyo ang mga tao ng nalalaman nilalaman nila. Ninanais ba ninyong pasinungalingan si Allāh at ang Sugo Niya."Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong gumawa sa mga bahay ninyo bilang mga libingan at huwag kayong gumawa sa libingan ko bilang pistahan. Dumalangin kayo ng basbas sa akin sapagkat tunay na ang pagdalangin ninyo ng basbas ay umaabot sa akin saan man kayo naroon."}Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay naninibugho. Tunay na ang mananampalataya ay naninibugho. Ang paninibugho ni Allāh ay na gumawa ang mananampalataya ng ipinagbawal Niya rito."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-((Kapag kayo ay nagsuot ng damit,at kapag kayo ay nagsagawa ng wudhu,magsimula kayo sa inyong kanan))Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagtaguyod ng dalawang batang babae hanggang sa nahustong gulang silang dalawa, darating sa Araw ng Pagbangon ako at siya." Nagdikit siya ng mga daliri niya.}Nagsalaysay nito si Imām Muslim