Hadith for the World
Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Ang Fiqh ng mga Pagsamba

231 hadiths

231 hadiths

Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hanapin ninyo ang Gabi ng Pagtatakda sa gansal [na petsa] mula sa huling sampung gabi ng Ramaḍān."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah, (s): "Kapag lumapit ang gabi mula rito at lumayo ang maghapon mula rito, titigil nga sa pag-aayuno ang nag-aayuno."Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Kapag nakita ninyo iyon ay mag-ayuno kayo at kapag nakita ninyo iyon ay tumigil-ayuno kayo ngunit kapag pinalabo sa inyo ay magtaya kayo para rito."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang dasal ng lalaki sa isang kongregasyon ay nakahihigit sa dasal niya sa bahay niya at sa dasal niya sa palengke niya nang higit sa dalawampu't higit pang antas. Iyon ay dahil sa ang isa sa kanila – kapag nagsagawa siya ng wuḍū' at nagpahusay siya sa pagsasagawa ng wuḍū', pagkatapos pumunta siya sa masjid, na walang nag-uudyok sa kanya kundi ang pagdarasal, na walang ninanais kundi ang pagdarasal – walang hahakbanging hakbang malibang mag-aangat para sa kanya dahil dito ng isang antas at mag-aalis sa kanya dahil dito ng isang kasalanan hanggang sa makapasok siya sa masjid. Kapag naman nakapasok siya sa masjid, siya ay nasa pagdarasal hanggat ang pagdarasal ay nagpapanatili sa kanya. Ang mga anghel ay dumadalangin ng basbas sa isa sa inyo hanggat siya ay nasa inuupuan niya na pinagdasalan niya, na nagsasabi: 'O Allāh, maawa Ka sa kanya; O Allāh, magpatawad Ka sa kanya; O Allāh, tumanggap Ka ng pagbabalik-loob sa kanya.' hanggat hindi siya namemerhuwisyo rito, hanggat hindi siya nasisiraan ng wuḍū' rito."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Dharr, malugod si Allāh sa kanya: "Inilahad sa akin ang mga gawa ng Kalipunan ko: ang maganda sa mga ito at ang masagwa sa mga ito. Natagpuan ko sa mga kagandahan ng mga gawa nito ang nakapipinsala ay inaalis sa daan at natagpuan ko sa mga kasagwaan ng mga gawa nito ang plema ay nasa masjid hindi inililibing."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag nakaalpas sa kanya ang dasal sa gabi dahil sa sakit o iba pa rito, nagdarasal siya sa maghapon ng labindalawang rak`ah."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kina `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya, at Al-Mughīrah bin Shu`bah, malugod si Allāh sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay [matagal] nagdarasal noon sa gabi hanggang sa nagkabitak-bitak ang mga paa niya kaya nagsabi ako sa kanya: "Bakit mo ginagawa ito, o Sugo ni Allah, gayong nagpatawad na si Allah sa iyo sa nauna sa pagkakasala mo at nahuli?" Nagsabi siya: "Kaya hindi ko ba iibiging ako ay maging isang lingkod na mapagpasalamat?"Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang pinakakaibig-ibig sa mga bayan kay Allāh ay ang mga masjid ng mga ito at ang pinakakasuklam-suklam sa mga bayan kay Allāh ay ang mga palengke ng mga ito."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumasok ang sampung [huling araw ng Ramaḍān], ay nagpupuyat sa gabi, nanggigising ng mag-anak niya, nagpapakasigasig, at naghihigpit ng tapis.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Sa tingin ba ninyo kung sakaling may isang ilog sa tabi ng pinto ng isa sa inyo, na naliligo siya mula rito sa bawat araw nang limang ulit, magsasabi ka bang iyon ay magtitira pa mula sa karumihan niya?" Nagsabi sila: "Hindi po iyon magtitira mula sa karumihan niya ng anuman." Nagsabi siya: "Kaya iyon ay tulad ng limang ṣalāh: nagpapawi si Allāh sa pamamagitan ng mga ito ng mga kasalanan."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya.-Nagsabi siya:((Tumiklop ang Araw [nawala ang kanyang liwanag] sa panahon ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagdasal ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga tao,Tinagalan niya ang pagtayo pagkatapos at yumuko siya at tinagalan niya ang pagyuko,pagkatapos ay tumayo siya,at tinagalan niya ang pagyuko,at ito ay liban pa sa unang pagtayo-pagkatapos ay yumuko siya,at tinagalan niya ang pagyuko-at ito ay liban pa sa unang pagyuko- pagkatapos ay nagpatirapa siya,tinagalan niya ang pagpapatirapa,pagkatapos ay ginawa niya ito sa ibang tindig ang tulad ng ginawa niya sa unang tindig,pagkatapos ay umalis siya,at naging hayag na ang araw,Nagsermon siya sa mga tao,Nagluwalhati siya kay Allah at Nagpuri siya sa Kanya,Pagkatapos ay sinabi niya: Tunay na ang Araw at ang Buwan ay dalawang palatandaan mula sa tanda ni Allah,Hindi sila nagtitiklop [nawawala ang kanilang liwanag] dahil sa pagkamatay ng isang tao at hindi sa pagkabuhay nito,Kapag nakita ninyo ito,Manalangin kayo kay Allah at mag-alay kayo ng Pagdadakila;Magdasal kayo at Magkawanggawa kayo.Pagkatapos ay sinabi niya: O Ummah ni Muhammad,Wala ni isa sa sinuman ang may pinakamatinding pagseselos liban kay Allah ,sa pangangalunya ng alipin niya o pangangalunya ng Umah ni Muhammad,Sumpa kay Allah;Kung nalalaman lang ninyo ang nalalaman ko,Tunay na matatawa kayo ng kaunti at tunay na maiiyak kayo ng marami)) At sa isang pananalita:((Ginanap niya sa apat na tindig at apat na pagpapatirapa))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay `Aishah malugod si Allah sa kanya,siya ay nagsabi:(( Sa bawat gabi ay nagdadasal ng Witr ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: mula sa unang gabi,at kalagitnaan nito at huli nito,at natatapos ang pagdadasal niya ng Witr sa huling bahagi ng gabi.))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay `Amr bin Shu`ayb, ayon sa ama niya, ayon sa lolo niya na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mag-utos kayo sa mga anak ninyo ng pagdarasal kapag sila ay pitong taong gulang. Mamalo kayo sa kanila dahil [sa pagkukulang] dito kapag sila ay sampung taong gulang. Magpahiwalay kayo sa kanila sa mga higaan."}Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud
Ayon kay `Abdullāh binZaid bin `Asim Al-Mazini, malugod si Allah sa kanya.Nagsabi siya:Lumabas ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nagdadasal [upang manalangin ng ulan],Humarap siya sa Qiblah,pagkatapos ay nagdasal ng dalawang tindig,at ginawa niyang hayag ang pagbabasa rito)) at sa isang pananalita (( sa pinagdadasalan))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ, malugod si Allāh sa kanilang dalawa-Hadith na Marfu-"Kumaain kayo,uminom kayo,magkawang-gawa kayo,nang walang halong pagmamataas at walang pagwawaldas"Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy bilang Mu'allaq - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong mang-alipusta sa mga patay sapagkat tunay na sila ay humantong sa [mga gawang] ipinauna nila."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay `Abdurraḥmān bin Abī Laylā na nagsabi: {Nakipagtagpo sa akin si Ka`b bin `Ujrah saka nagsabi ito: "Hindi ba ako magreregalo sa iyo ng isang regalo? Tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay lumabas sa amin saka nagsabi kami: "O Sugo ni Allāh, nakaalam na kami kung papaano kaming babati sa iyo kaya naman papaano kaming dadalangin ng basbas sa iyo?" Nagsabi siya: "Kaya magsabi kayo: Allāhumma ṣalli `alā muḥammadin wa-`alā āli Muḥammad, kamā ṣallayta `alā ibrāhīma wa-`alā āli ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd. Allāhumma bārik `alā muḥammadin wa-`alā āli muḥammad, kamā bārakta `alā ibrāhīma wa-`alā āli ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd. (O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbasbas Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal. O Allāh, biyayaan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbiyaya Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal.)"}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Ubādah bin Aṣ-Ṣāmit (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Walang ṣalāh sa sinumang hindi bumigkas ng Pambungad ng Aklat."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya-Sa Hadith na Marfu: ((Hindi pa ako nakapagdasal sa likod ng Imam kailanman ng higit na magaan na pagdarasal,at higit na ganap na pagdarasal maliban sa [Pagdarasal] ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abe Hurayrah- malugod si Allah sa kanya-Buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Sinuman Ang magsaksi ng ililibing hanggang sa maipanalangin ito,mapapa sa kanya Ang Qiraat (malaking gantimpala),at sinuman ang magsaksi nito hanggang sa mailibing,mapapa sa kanya ang dalawang Qiraat (malaking gantimpala),Sinabi sa kanya;Ano ang dalawang Qiraat? Sinabi niya; Katulad ng dalawang malaking bundok)), At Ayon sa ulat ni Imam Muslim; (( Ang pinaka maliit sa dalawang ito ay tulad ng bundok ng Uhod))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Jundub bin 'Abdillah Al-Bajallīy malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:((Nagdasal ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa araw ng Pagkatay,pagkatapos ay nagsermon,pagkatapos ay nagkatay, at Nagsabi siya: Sinuman ang kumatay bago siya magdasal,ay magkatay ng iba bilang kapalit niya,at sinuman ang hindi pa nakapagkatay,ay kumatay sa pangalan ni Allah))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Jundub bin `Abdillāh Al-Qasrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagdasal ng dasal sa madaling-araw, siya ay nasa pangangalaga ni Allāh. Kaya huwag ngang magpapanagot sa inyo si Allāh ng anuman dahil sa pangangalaga Niya sapagkat tunay na ang sinumang pinanagot Niya ng anuman dahil sa pangangalaga Niya ay makaabot Siya rito, pagkatapos magsusubsob Siya rito ng mukha nito sa apoy ng Impiyerno."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang pumunta sa umaga sa masjid o pumunta sa gabi, maghahanda si Allāh para sa kanya sa Paraiso ng isang tuluyan sa tuwing pumupunta siya sa umaga o pumupunta siya sa gabi."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Umar bi Al-Khattab-malugod si Allah sa kanya-sa Hadith na Marfu- (( Sinuman ang nakatulog mula sa pagdarasal nito [gitna ng ]Gabi,o di kaya`y sa ilang bahagi nito,Pagkatapos ay binasa niya ito sa pagitan ng Dasal ng Fajr at Dasal ng Dhuhr,Isusulat sa kanya,na para niya itong binasa sa [gitna ng ] Gabi.))Nagsalaysay nito si Imām Muslim