Hadith for the World
Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Ang Fiqh ng mga Pagsamba

231 hadiths

231 hadiths

Ayon kay Ma`dān bin Abī Ṭalḥah Al-Ya`marīy na nagsabi: {Nakatagpo ko si Thawbān na alila ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ako: "Magpabatid ka sa akin hinggil sa isang gawaing gagawin ko, na magpapapasok sa akin si Allāh dahil dito sa Paraiso." O nagsabi ako: "... hinggil sa pinakakaibig-ibig sa mga gawain kay Allāh." Nanahimik siya. Pagkatapos tinanong ko siya saka nanahimik siya. Pagkatapos tinanong ko siya sa ikatlong pagkakataon saka nagsabi siya: "Nagtanong ako tungkol doon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi siya: 'Mamalagi ka sa dami ng pagpapatirapa kay Allāh sapagkat tunay na ikaw ay hindi nagpapatirapa ng isang pagpapatirapa malibang mag-aangat sa iyo si Allāh dahil dito ng isang antas at magbababa Siya buhat sa iyo dahil dito ng isang pagkakamali.'" Nagsabi si Ma`dān: "Pagkatapos nakatagpo ko si Abu Ad-Dardā' saka nagtanong ako sa kanya saka nagsabi naman siya sa akin ng tulad sa sinabi sa akin ni Thawbān."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Kapag nagdasal ang isa sa inyo sa gabi at bumigat ang pagbigkas ng Qur'ān sa dila niya kaya hindi niya nalaman ang sinasabi niya, matulog muna siya."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Sahl (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: {Tunay na sa Paraiso ay may pintuan na tinatawag na Ar-Rayyān. Papasok mula roon ang mga tagapag-ayuno sa Araw ng Pagbangon; walang papasok mula roon na isang iba pa sa kanila. Sasabihin: "Nasaan ang mga tagapag-ayuno?" Kaya tatayo sila; walang papasok mula roon na isang iba pa sa kanila. Kaya kapag nakapasok sila, isasara ito saka walang papasok mula roon na isa man.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsisipag sa huling sampung araw [ng Ramaḍān] ng hindi niya ipinagsisipag sa iba pa rito.}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Ibnu Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya-Hadith na marfu: ((Walang nararapat na kaiinggitan maliban sa dalawang bagay: Isang lalaki na pinagkalooban ni Allah ng kayamanan,pinahintulutan Niya ito na gugulin sa karapat-dapat,At isang lalaking pinagkalooban ni Allah ng karunungan,Siya ay humahatol rito at nangangaral.)) At ayon kay Ibn `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa;Buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Siya ay nagsabi :((Walang nararapat na kaiinggitan maliban sa dalawang bagay: Isang lalaki na pinagkalooban ni Allah ng Qur-an,siya ay gumaganap rito sa tuwing gabi at araw,at isang lalaki na pinagkalooban ni Allah ng kayamanan,Siya ay gumugugol rito sa tuwing gabi at araw))napagkaisahan ang katumpakan sa dalawang salaysay niya
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Hindi papasok sa Impiyerno ang isang lalaking umiyak dahil sa takot kay Allah malibang bumalik ang gatas sa suso. Hindi magtatagpo ang alabok sa [digmaan] alang-alang sa landas ni Allah at ang usok ng Impiyerno."Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Walang nadarama ang martir na hapdi ng kamatayan malibang gaya ng nadarama ng isa sa inyo na hapdi ng kurot."Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dārimīy
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Sinabi: "O Sugo ni Allāh, ano ang nakatutumbas sa pakikibaka sa landas ni Allāh?" Nagsabi siya: "Hindi ninyo makakaya iyon." Kaya inulit nila sa kanya nang dalawang ulit o tatlo; bawat isa roon ay nagsasabi siya: "Hindi ninyo makakaya iyon." Pagkatapos ay nagsabi siya: "Ang paghahalintulad sa nakikibaka sa landas ni Allāh ay katulad ng nag-aayuno, na nagdarasal sa gabi, na sumusunod sa mga talata ni Allāh: hindi nananamlay sa pag-aayuno ni sa pagdarasal, hanggang sa makabalik ang nakikibaka sa landas ni Allāh." Sa sanaysay ni Imām Al-Bukhārīy: May isang lalaking nagsabi: "O Sugo ni Allāh, gabayan mo ako sa isang gawaing nakatutumbas sa pakikibaka." Nagsabi siya: "Hindi ko natatagpuan iyon." Pagkatapos ay nagsabi siya: "Makakaya mo ba, kapag lumabas ang nakikibaka, na pumasok sa masjid mo at magdasal ka sa gabi at hindi ka mananamlay, at mag-ayuno ka at hindi ka mananamlay?" Nagsabi ito: "Sino po ang makakakaya niyon?"Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "O Abū Sa`īd, ang sinumang nalugod kay Allāh bilang Panginoon, sa Islām bilang Relihiyon, at kay Muḥammad bilang Propeta, nagindapat para sa kanya ang Paraiso." Kaya nagtaka rito si Abū Sa`īd saka nagsabi ito: "Ulitin mo po iyan sa akin, O Sugo ni Allāh." Kaya ginawa niya, pagkatapos nagsabi siya: "May iba pang iaangat sa pamamagitan nito ang tao ng isandaang antas sa Paraiso, na ang pagitan ng bawat dalawang antas ay gaya ng pagitan ng langit sa lupa." Nagsabi ito: "Ano po ito, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang pakikibaka sa landas ni Allāh, ang pakikibaka sa landas ni Allāh."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nag-ayuno sa Ramaḍān dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang anumang nauna na pagkakasala niya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagdasal sa Gabi ng Pagtatakda (Laylatulqadr) dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang anumang nauna sa pagkakasala niya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Sālim bin `Abdillāh bin `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allāh sa kanila, ayon sa ama niya: Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsabi: "Mainam na lalaki si `Abdullāh kung sakaling siya ay nagdarasal sa gabi." Nagsabi Sālim: "Kaya si `Abdullāh noon matapos niyon ay hindi natutulog sa gabi malibang kakaunti."Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang nag-ayuno ng isang araw sa landas ni Allāh, magpapalayo si Allāh sa mukha niya sa Impiyerno ng pitumpung taglagas."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Sahl bin Sa`d (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi matitigil ang mga tao sa pagiging nasa kabutihan hanggat nagmamadali sila sa pagtigil-ayuno."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Zayd bin Thābit (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kumain kami ng saḥūr kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Pagkatapos tumindig siya papunta sa ṣalāh. Nagsabi ako: "Gaano katagal sa pagitan ng adhān at saḥūr?" Nagsabi siya: "Singtagal [ng pagbigkas] ng limampung talata [ng Qur'ān]."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh dito), na maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasagawa noon ng i`tikāf sa huling sampung araw ng Ramaḍān hanggang sa nagpapanaw sa kanya si Allāh. Pagkatapos nagsagawa ng i`tikāf ang mga maybahay niya noong matapos niya.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kumain kayo ng saḥūr sapagkat tunay na sa saḥūr ay may pagpapala."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Jābir bin `Abdullāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay minsang nasa isang paglalakbay saka nakakita siya ng isang siksikan at isang lalaking nililiman nga iyon. Kaya nagsabi siya: "Ano iyan?" Nagsabi naman sila: "Nag-aayuno." Kaya nagsabi siya: "Hindi bahagi ng pagsasamabuting-loob ang pag-aayuno sa paglalakbay."Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong manguna sa Ramaḍān ng pag-aayuno ng isang araw ni ng dalawang araw, maliban sa isang taong dating nag-aayuno ng isang pag-aayuno kaya mag-ayuno siya nito."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsatungkulin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa zakāh ng pagtigil-ayuno ng isang ṣā` ng datiles o ng isang ṣā` ng sebada, na kailangan sa alipin at malaya, lalaki at babae, at nakababata at nakatatanda kabilang sa mga Muslim. Nag-utos siya nito na ibigay ito bago ng paglabas ng mga tao papunta sa ṣalāh.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ipinahihintulot para sa isang babaing Muslim na maglakbay ng isang distansiya ng isang gabi [na paglalakbay] malibang kapag may kasama sa kanya na isang lalaking may pagkamaḥram sa kanya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Aishah at Umm Salamah-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Hadith na marfu:(( Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay muntik na siyang inaabutan ng Fajr at siya ay nasa kalagayan ng Junub sa kanyang asawa,pagkatapos ay naliligo siya at nag-aayuno))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nakalimot habang siya ay nag-aayuno, kaya nakakain o nakainom, maglubos siya ng pag-aayuno niya sapagkat nagpakain lamang sa kanya si Allāh at nagpainom sa kanya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagtagubilin sa akin ang kaibigang matalik ko (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng tatlo: pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan, dalawang rak`ah ng [ṣalāh na] ḍuḥā, at na magsagawa ako ng [ṣalāh na] witr bago ako matulog.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito