Hadith for the World
Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Ang Fiqh ng mga Pagsamba

231 hadiths

231 hadiths

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag nagsabi ka sa kasamahan mo: Manahimik ka, sa [ṣalāh sa] araw ng Biyernes habang ang imām ay nagtatalumpati, nagwalang-kabuluhan ka nga."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdullāh bin Umar, malugod si Allah sa kanya.-siya ay nagsabi :((Nagpaalam si Al-`Abbas bin Abdul Muttalib sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na matulog sa Meccah sa gabi ng Mina,upang magsagawa ng Siqayah [para sa mga nagsagawa ng Hajj],ipinahintulot ito sa kanya))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Magmabilis kayo sa libing; sapagkat kung ito ay naging maayos, may isang kabutihang ipinauuna ninyo; at kung ito ay naging iba roon, may isang kasamaang inaalis ninyo palayo sa mga leeg ninyo."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang naturalesa [ng kalinisan] ay lima: ang pagpapatuli, ang pag-aahit sa ari, ang pagputol ng bigote, ang paggupit ng mga kuko, at ang pagbunot [ng buhok] sa kilikili."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumasok siya sa palikuran, ay nagsasabi ng: "Allāhumma innī a`ūdhu bika mina -lkhubthi wa-lkhabā'ith. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa mga lalaking demonyo at mga babaing demonyo.)"}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Ummu `Aṭīyah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Sinaway kami laban sa pagdalo sa mga libing at hindi ito iginiit sa amin.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag nagsagawa ng wuḍū' ang taong Muslim o ang mananampalataya kaya naghugas siya ng mukha niya, lalabas mula sa mukha niya ang bawat pagkakamali, na tiningnan niya ng mga mata niya, kasama ng tubig – o kasama ng huling patak ng tubig; saka kapag naghugas siya ng mga kamay niya, lalabas mula sa mga kamay niya ang bawat pagkakamali, na ginawa ng mga kamay niya, kasama ng tubig – o kasama ng huling patak ng tubig; saka kapag naghugas siya ng mga paa niya, lalabas ang bawat pagkakamali, na nilakad ng mga paa niya, kasama ng tubig – o kasama ng huling patak ng tubig – hanggang sa lumabas siya na isang dalisay sa mga pagkakasala."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Jābir bin `Abdullāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtuturo sa amin ng istikhārah sa lahat ng mga gawain kung paanong nagtuturo siya sa amin ng sūrah mula sa Qur'ān. Nagsasabi siya: "Kapag nagbalak ang isa sa inyo ng isang bagay, magdasal siya ng dalawang rak`ah na hindi tungkulin. Pagkatapos magsabi siya: Allāhumma innī astakhīruka bi-`ilmika, wa-astaqdiruka bi-qudratik, wa-as'aluka min faḍlika ­-l`aḍ̆īm, fa-innaka taqdiru wa-lā aqdir, wa-ta`lamu wa-lā a`lam, wa anta `allāmu -­lghuyūb. Allāhumma in kunta ta`lamu anna hādha -­l'amra khayrun lī fī dīnī wa-ma`āshī wa-`āqibati amrī," – o nagsabi siya: "`ājili amrī wa-ājilihi" – "fa­-qdurhu lī wa yassirhu lī, thumma bārik lī fīhi, wa-in kunta ta`lamu anna hādha ­-l'amra sharrun lī fī dīnī wa ma`āshī wa-`āqibati amrī," – o nagsabi siya: "fī `ājili amrī wa-ājilihi" – "fa-ṣrifhu `annī wa-ṣrifnī `anhu, wa-­qdur liya -­lkhayra ḥaythu kāna thumma arḍinī bih. (O Allāh, sumasangguni ako sa Iyo sa pamamagitan ng kaalaman Mo. Nagpapakaya ako sa Iyo sa pamamagitan ng kakayahan Mo. Humihingi ako mula sa kabutihang-loob Mo na sukdulan sapagkat tunay na Ikaw ay nakakakaya, samantalang hindi ako nakakakaya, at nakaaalam, samantalang hindi ako nakaaalam. Ikaw ay ang Palaalam sa mga nakalingid. O Allāh, kung nakaaalam Ka na ang balak na ito ay mabuti para sa akin: sa relihiyon ko, pamumuhay ko, at kahihinatnan ng balak ko," – o nagsabi siya: "maaga sa balak ko at huli sa balak ko" – "magtakda Ka nito para sa akin at magpagaan Ka nito para sa akin, pagkatapos magpala Ka para sa akin dito. Kung nakaaalam Ka na ang balak na ito ay masama para sa akin: sa relihiyon ko, pamumuhay ko at kahihinatnan ng balak ko, – o nagsabi siya: "sa maaga sa balak ko at huli sa balak ko" – "magbaling Ka rito palayo sa akin, magbaling Ka sa akin palayo rito, at magtakda Ka nito para sa akin ng mabuti saanman ito naging, pagkatapos magpalugod Ka sa akin.)" Nagsabi siya: "At babanggit siya ng kailangan niya."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya.-Siya ay nagsabi:Dumaan ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa isang babaing umiiyak sa libingan.Nagsabi siya:((Katakutan mo si Allah at magtimpi ka)),Nagsabi siya: Lumayo ka sa akin;sapagkat hindi dumating sa iyo ang [pagsubok], na dumating sa akin.at hindi mo siya kilala;Sinabi sa kanya:Siya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Dumating siya sa pintuan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at wala siyang nakita dito na nagbabantay,Nagsabi siya:Hindi kita nakilala,Nagsabi siya:(( Tunay na ang pagtitimpi ay sa unang pagsubok)) At sa ibang salaysay:((Umiiyak siya dahil sa anak niya))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Allāh, huwag Mong gawin ang libingan ko bilang isang diyus-diyusan." Sumumpa si Allāh sa mga taong gumawa sa mga libingan ng mga propeta nila bilang mga sambahan.}Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-((Kapag kayo ay nagsuot ng damit,at kapag kayo ay nagsagawa ng wudhu,magsimula kayo sa inyong kanan))Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang pinakamabigat na ṣalāh sa mga mapagpaimbabaw ay ang ṣalāh sa gabi at ang ṣalāh sa madaling-araw. Kung sakaling nakaaalam sila sa [gantimpala sa] dalawang ito, talaga sanang pumunta sila sa dalawang ito kahit pa man pagapang. Talaga ngang nagbalak ako na mag-utos [na magsagawa] ng ṣalāh saka magsagawa ng iqamāh, pagkatapos mag-utos ako sa isang lalaki saka mamuno ito sa ṣalāh sa mga tao, pagkatapos lumisan ako na may kasama sa akin na mga lalaking may mga bigkis ng panggatong patungo sa mga taong hindi dumadalo sa ṣalāh saka manunog ako sa kanila ng mga bahay nila sa apoy."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi,Nagsabi ang Sugo ni Allag-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ((Katotohanan na ang mga Henerasyon ko ay tatawagin sa Araw ng Pagkabuhay na may liwanag sa kanilang mga mukha at sa bahagi ng kanilang mga katawan dahil sa bakas ng Wudhu)) Sinuman ang may kakayanan sa inyo sa pagpapataas ng liwanag nito,gawin niya ito.At sa pananalita ni Imam Muslim:(( Nakita ko si Aba Hurayrah na nagsasagawa ng Wudhu,hinugasan niya ang mukha nito at dalawang kamay nito,hanggang sa muntik na itong umabot sa dalawang balikat,pagkatapos ay hinugasan niya ang dalawang paa niya hanggang sa itinaas niya ito sa dalawang binti,Pagkatapos ay nagsabi siya: Katotohanan na ang mga Henerasyon ko ay tatawagin sa Araw ng Pagkabuhay na may liwanag sa kanilang mga mukha at sa bahagi ng kanilang mga katawan dahil sa bakas ng Wudhu ) ) Sinuman ang may kakayanan sa inyo sa pagpapataas ng liwanag nito sa mukha at sa mga bahagi ng katawan nito,gawin niya ito.At sa pananalita ni Imam Muslim:Narinig ko ang kaibigan ko-pagpalain siya niAllah at pangalagaan-na nagsasabi:(( Umaabot ang pagpapalamuti sa isang mananampalataya ayon sa ina-abot ng kanyang Wudhu))Isinaysay ito ni Imam Muslim sa dalawang salaysay niya - Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Walang anumang araw na inuumaga ang mga tao roon malibang may dalawang anghel na bumababa saka nagsasabi ang isa sa kanilang dalawa: 'O Allāh, magbigay Ka sa isang tagagugol ng isang kabayaran,' at nagsasabi naman ang isa pa: 'O Allāh, magbigay Ka sa isang tagapagkait ng isang kasiraan.'"}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu: ((Ang dasal ng lalaki [kasama ang] Jamaah ay pinaparami sa dasal niya sa kanyang bahay at sa tindahan, nang dalawampung pagpaparami,Ito ay dahil: sa kapag siya ay nagsagawa ng Wudhu at pinagbuti ito,pagkatapos ay pumunta siya sa Masjid,at walang ibang dahilan na nagpalabas sa kanya maliban sa pagdarasal; Walang hakbang na hahakbangin niya maliban sa itoy magpapataas ng antas niya,at magbubura sa mga kasalanan niya.At kapag nagdasal na siya,nananatili ang mga Anghel sa pananalangin para sa kanya,habang nananatili siya sa pinagdadasalan niya.O Allah! pangalagaan mo siya,O Allah! patawarin mo siya,O Allah! mahabag ka sa kanya,At mananatili siya sa pananalangin hanggat naghihintay siya ng pagdarasal))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Zayd bin Khālid (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang naghanda ng isang tagalusob sa landas ni Allāh, lumusob nga siya. Ang sinumang humalili sa isang tagalusob sa landas ni Allāh nang mabuti, lumusob nga siya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga Mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa anumang kabilang sa mga pagsambang kinukusang-loob ay hindi naging higit na matindi sa pangangalaga kaysa sa dalawang rak`ah na dasal sa madaling-araw."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay humawak sa kamay nito at nagsabi siya: "O Mu`ādh, sumpa man kay Allāh, tunay na ako ay umiibig sa iyo." Saka nagsabi siya: "Nagtatagubilin ako sa iyo, O Mu`ādh: Huwag kang makaliligta sa bawat katapusan ng ṣalāh na magsabi ng: Allāhumma a`innī `alā dhikrika wa-shukrika wa-ḥusni `ibādatik. (O Allāh, tulungan Mo ako sa pag-aalaala sa Iyo, pagpapasalamat sa Iyo, at pagpapahusay sa pagsamba sa Iyo.)"}Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām An-Nasā'īy, at Imām Aḥmad
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Hindi tumatanggap si Allāh ng ṣalāh ng isa sa inyo kapag naparumi siya [ng pagdumi o pag-ihi] hanggang sa makapagsagawa siya ng wuḍū'."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): "Ang bawat gawain ng anak ni Adan ay para sa kanya maliban sa pag-aayuno sapagkat tunay na ito ay para sa Akin at Ako ay gaganti sa Kanya." Ang pag-aayuno ay kalasag. Kapag araw ng pag-aayuno ng isa sa inyo, huwag siyang humalay at huwag siyang mag-ingay; saka kung nakipag-alipustaan sa kanya ang isa o nakipag-away ito sa kanya, magsabi siya: "Tunay na ako ay nag-aayuno." Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, talagang ang amoy ng bibig ng tagapag-ayuno ay higit na mabango sa ganang kay Allāh kaysa sa halimuyak ng musk. Ang tagapag-ayuno ay may dalawang tuwa, na natutuwa siya sa dalawang ito: Kapag tumigil-ayuno siya, matutuwa siya; at kapag nakipagkita siya sa Panginoon niya, matutuwa siya dahil sa pag-aayuno niya.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Nagpapatawad si Allah sa martir sa bawat bagay maliban sa utang." Sa isang sanaysay niya: "Ang pagpatay alang-alang sa landas ni Allah ay nagtatakip-sala sa bawat bagay maliban sa utang."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi: "Ang limang dasal, ang Biyernes hanggang sa Biyernes, at ang Ramaḍān hanggang sa Ramaḍān ay mga tagatakip-sala sa pagitan ng mga ito kapag umiwas sa malalaking kasalanan."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Shurayḥ bin Hāni' na nagsabi: {Nagtanong ako kay `Ā'ishah. Nagsabi ako: "Sa aling bagay noon nagsisimula ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kapag pumasok siya sa bahay niya?" Nagsabi ito: "Sa siwāk."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Ibnu Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Alin sa inyo ang yaman ng tagapagmana niya ay higit na kaibig-ibig sa kanya kaysa sa yaman niya? Nagsabi sila: O Sugo ni Allāh, wala sa amin ni isa man na hindi higit na kaibig-ibig sa kanya ang yaman niya. Nagsabi siya: Sapagkat tunay na ang yaman niya ay ang ipinauna niya at ang yaman ng tagapagmana niya ay ang ipinahuli niya."Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy