Hadith for the World
Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Ang mga Kainaman

64 hadiths

64 hadiths

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagpawi buhat sa isang mananampalataya ng isang pighati mula sa mga pighati sa Mundo, magpapawi si Allāh buhat sa kanya ng isang pighati mula sa mga pighati sa Araw ng Pagbangon. Ang sinumang nagpaginhawa sa isang nagigipit, magpapaginhawa si Allāh sa kanya sa Mundo at Kabilang-buhay. Ang sinumang nagtakip sa isang Muslim, magtatakip sa kanya si Allāh sa Mundo at Kabilang-buhay. Si Allāh ay nasa pagtulong sa tao hanggat ang tao ay naging nasa pagtulong sa kapwa niya. Ang sinumang tumahak sa isang daan habang naghahanap dahil doon ng isang kaalaman, magpapadali si Allāh para sa kanya dahil doon sa isang daan patungo sa Paraiso. Walang nagtitipong mga tao sa isang bahay kabilang sa mga bahay ni Allāh, na bumibigkas ng Aklat ni Allāh at nag-aaralan nito sa gitna nila, malibang bababa sa kanila ang kapanatagan, babalot sa kanila ang awa, magpapaligid sa kanila ang mga anghel, at babanggit sa kanila si Allāh sa sinumang nasa piling Niya. Ang sinumang nagpabagal sa kanya ang gawa niya, hindi magpapabilis sa kanya ang kaangkanan niya."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Agharr (malugod si Allāh sa kanya), na kabilang sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O mga tao, magbalik-loob kayo kay Allāh sapagkat tunay na ako ay nagbabalik-loob sa Kanya nang isandaang ulit sa isang araw."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa isinasaysay niya tungkol sa Panginoon niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Nagsabi siya: {Nagkasala ang isang tao ng isang pagkakasala kaya nagsabi ito: "O Allāh, magpatawad Ka sa akin ng pagkakasala ko." Kaya magsasabi naman Siya (napakamapagpala Siya at napakataas): "Nagkasala ang lingkod Ko ng isang pagkakasala saka nakaalam siya na mayroon siyang isang Panginoong nagpapatawad sa pagkakasala at nagpaparusa sa pagkakasala." Pagkatapos nanumbalik ito saka nagkasala ito saka nagsabi ito: "O Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin ng pagkakasala ko." Kaya magsasabi Siya (napakamapagpala Siya at napakataas): "Nagkasala ang lingkod Ko ng isang pagkakasala saka nakaalam siya na mayroon siyang isang Panginoong nagpapatawad sa pagkakasala at nagpaparusa sa pagkakasala. Gawin mo ang niloob mo sapagkat nagpatawad nga Ako sa iyo."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Jubayr bin Muṭ`im (malugod si Allāh sa kanya), siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Hindi papasok sa Paraiso ang isang tagaputol ng ugnayan sa kaanak."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang umibig na paluwagan para sa kanya sa panustos sa kanya at antalaan para sa kanya sa taning niya ay magpanatili siya ng ugnayan sa kaanak niya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Umāmah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Narinig ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsasabi: Bigkasin ninyo ang Qur'an sapagkat tunay na ito ay darating sa Araw ng Pagkabuhay bilang tagapamagitan sa mga tagatangkilik nito."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abe Zarr Al-Ghaffarie-malugod si Allah sa kanya-Buhat sa Sugo ni Allah-Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Ipapa-alam koba sa iyo ang pinaka-mamahal na salita para kay Allah? Katotohanan ang pinaka-mamahal na salita para kay Allah: (Subhanallahi Wa Bihamdihi);Napaka-Maluwalhati ni Allah at Ang lahat ng Papuri ay sa kanya.Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu:((Sumpa sa kaluluwa ko na nasa Kamay Niya,Kung hindi kayo nagkakasala,aalisin kayo ni Allah,at papalitan [kayo] ni Allah ng mga grupo ng tao na nagkakasala,at humihingi ng kapatawaran sa Allah-Pagkataas-taas Niya,at papatawarin sila))Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ang mga matitirang matuwid ay Lā ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allah), Subḥāna –llāh (Napakamaluwalhati ni Allah), Al-ḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allah), at Lā ḥawla wa lā qūwata illā bi-llāh (Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allah)Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Habba`n - Isinalaysay ito ni Imām Al-Ḥākim - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy
Ayon kay An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang pagdalangin ay ang pagsamba." Pagkatapos bumigkas siya (Qur'ān 40:60): {Nagsabi ang Panginoon ninyo: “Dumalangin kayo sa Akin, tutugon Ako sa inyo.” Tunay na ang mga nagmamalaki sa [pag-ayaw sa] pagsamba sa Akin ay papasok sa Impiyerno na mga nagpapakaaba.}}Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Walang anumang higit na marangal kay Allāh (napakataas Siya) kaysa sa panalangin."}Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nagsabi ng Subḥāna llāhi wa-biḥamdihi (Kaluwalhatian kay Allāh at kalakip ng papuri sa Kanya) nang isandaang ulit sa isang araw, aalisin sa kanya ang mga kamalian niya kahit pa ang mga ito ay tulad [ng dami] ng mga bula ng dagat."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Mu`āwiyah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang nagnais si Allāh sa kanya ng isang kabutihan, magpapaunawa Siya sa kanya sa Relihiyon. Ako ay tagapaghati lamang at si Allāh ay nagbibigay. Hindi matitigil ang Kalipunang ito bilang tagapagtaguyod sa utos ni Allāh, na hindi pipinsala sa kanila ang sinumang sumalungat sa kanila, hanggang sa dumating ang utos ni Allāh."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdullāh bin Salām (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Noong dumating ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Madīnah, napasugod ang mga tao sa dako niya at sinabi: "Dumating ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), dumating ang Sugo ni Allāh, dumating ang Sugo ni Allāh" nang tatlong ulit. Kaya dumating ako sa mga tao upang tumingin. Noong nakaaninag ako sa Mukha niya, nalaman ko na ang mukha niya ay hindi isang mukha ng isang palasinungaling. Ang kauna-unahang bagay na narinig ko na sinalita niya ay na nagsabi siya: "O mga tao, magpalaganap kayo ng kapayapaan, magpakain kayo ng pagkain, makipag-ugnayan kayo sa mga kaanak, at magdasal kayo sa gabi habang ang mga tao ay tulog; papasok kayo sa Paraiso nang may kapayapaan."}Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad
Ayon kay `Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Narinig ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsasabi: Walang Muslim na dumadalaw sa isang Muslim na maysakit sa umaga malibang dadalangin ng pagpapala para sa kanya ang pitumpong libong anghel hanggang sa gumabi. Kung dinalaw niya ito sa gabi, dadalangin ng pagpapala para sa kanya ang pitumpong libong anghel hanggang sa mag-umaga. Magkakaroon siya ng isang hardin sa Paraiso."Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)': "Ang sinumang bumigkas ng isang titik mula sa Aklat ni Allāh ay magkakaroon siya dahil dito ng isang gawang maganda. Ang gawang maganda ay [may gantimpalang] katumbas sa sampung tulad nito. Hindi ko sinasabing ang alif lām mīm ay isang titik, bagkus ang alif ay isang titik, ang lām ay isang titik at ang mīm ay isang titik."}Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy
عن أبي هريرة رضي الله عنه عن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: «النَّاسُ مَعَادِن كَمَعَادِن الذَّهَب وَالفِضَّة، خِيَارُهُم فِي الجَاهِلِيَّة خِيَارُهُم فِي الإِسْلاَم إِذَا فَقُهُوا، والأَرْوَاحُ جُنُودٌ مُجَنَّدَة، فَمَا تَعَارَفَ مِنْهَا ائتَلَفَ، وَمَا تَنَاكَرَ مِنْهَا اخْتَلَفَ». وعن أبي هريرة رضي الله عنه قال: قال رسول الله -صلى الله عليه وسلم: «تَجِدُون النَّاسَ مَعَادِن: خِيَارُهُم فِي الجَاهِليَّة خِيَارُهُم فِي الإِسْلاَم إِذَا فَقِهُوا، وَتَجِدُون خِيَار النَّاس فِي هَذَا الشَّأْن أَشَدُّهُم كَرَاهِيَة لَه، وَتَجِدُون شَرَّ النَّاس ذَا الوَجْهَين، الَّذِي يَأْتِي هَؤُلاَء بِوَجه، وَهَؤُلاَء بِوَجْه».الحديث الأول: متفق عليه، ولفظه لمسلم؛ وروى البخاري أوله، وروى آخره عن عائشة -رضي الله عنها-. الحديث الثاني: متفق عليه
Ayon kina Anas bin Mālik at Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, hinggil sa isinaysay niya ayon sa Panginoon niya, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, na nagsabi: "Kapag nagpakalapit ang tao sa Akin ng isang dangkal, magpapakalapit Ako sa kanya ng isang siko. Kapag nagpakalapit siya sa Akin ng isang siko, magpapakalapit Ako sa kanya ng isang dipa. Kapag pinuntahan niya Ako nang naglalakad, pupuntahan Ko siya nang payagyag."Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Samantalang may isang lalaking naglalakad sa isang daan, na nakatagpo ng isang sanga ng mga tinik sa daan saka nagpatabi siya nito kaya nagpasalamat si Allāh sa kanya saka nagpatawad sa kanya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Magpaningning si Allāh sa isang taong nakarinig mula sa amin ng isang bagay saka nagpaabot nito kung paanong narinig niya sapagkat marahil may isang pinagpaparatingang higit na nakamamalay kaysa sa isang nakarinig."}Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: Nagsasabi si Allah: "Kapag ninais ng lingkod Ko na gumawa ng isang gawang masagwa, huwag ninyong itala ito laban sa kanya hanggang sa ginawa niya ito. Kung ginawa niya ito, itala ninyo ito katumbas sa tulad nito. Kung iniwan niya ito alang-alang sa Akin, itala ninyo ito para sa kanya bilang isang gawang maganda. Kapag ninais niyang gumawa ng isang gawang maganda, ngunit hindi niya nagawa ito, itala ninyo ito para sa kanya bilang isang gawang maganda. Kung ginawa niya ito, itala ninyo para sa kanya katumbas sa sampung tulad nito hanggang sa pitong daang ulit."Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang pumatay ng isang tuko sa unang palo ay magkakamit siya ng ganito at gayong magandang gawa. Ang sinumang pumatay nito sa ikalawang palo ay magkakamit siya ng ganito at gayong magandang gawang mababa sa una. Kung pinatay niya ito sa ikatlong palo ay magkakamit siya ng ganito at gayong magandang gawa." Sa isang sanaysay: "Ang sinumang pumatay ng isang tuko sa unang palo ay magsusulat para sa kanya ng isandaang magandang gawa; sa ikalawang palo ay [magkakamit] ng mababa roon; at sa ikatlong palo ay [magkakamit] ng mababa roon."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
At ayon kay Abe Saed Al-Khudrie ,malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya: Dumating ang isang babae sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pngalagaan-Nagsabi siya:O Sugo ni Allah,pumunta ang mga kalalakihan dahil sa mga salita mo,Pumili ka sa amin mula sa sarili mo ng isang araw na pupunta kmi sa iyo rito at ituturo mo sa amin ang mula sa itinuro sa iyo ni Allah,Nagsabi siya:((Magtipon-tipon kayo sa araw na ganito at ganito)),At nagtipon-tipon sila ,at dumating sa kanila ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at tinuruan niya sila mula sa itinuro sa kanya ni Allah,pagkatapos ay nagsabi siya:((Wala mula sa inyo na isang babae na nakapag-alay ng tatlo mula sa kanyang anak maliban sa silay magiging panangga sa impyerno)) Nagsabi ang isang babae: At kung dalawa? Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:(( At ang dalawa)).Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Dharr, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Sinabi sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Ano po ang tingin mo sa lalaking gumagawa ng gawang kabilang sa kabutihan at pinupuri siya ng mga tao dahil doon? Nagsabi siya: Iyon ay maagang magandang balita sa Mananampalataya."Nagsalaysay nito si Imām Muslim