TopicAng Pinaniniwalaan
135 hadiths
135 hadiths
Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu: ((Ang dasal ng lalaki [kasama ang] Jamaah ay pinaparami sa dasal niya sa kanyang bahay at sa tindahan, nang dalawampung pagpaparami,Ito ay dahil: sa kapag siya ay nagsagawa ng Wudhu at pinagbuti ito,pagkatapos ay pumunta siya sa Masjid,at walang ibang dahilan na nagpalabas sa kanya maliban sa pagdarasal; Walang hakbang na hahakbangin niya maliban sa itoy magpapataas ng antas niya,at magbubura sa mga kasalanan niya.At kapag nagdasal na siya,nananatili ang mga Anghel sa pananalangin para sa kanya,habang nananatili siya sa pinagdadasalan niya.O Allah! pangalagaan mo siya,O Allah! patawarin mo siya,O Allah! mahabag ka sa kanya,At mananatili siya sa pananalangin hanggat naghihintay siya ng pagdarasal))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ginawa ni Allāh ang awa na isang daang bahagi at pinanatili Niya sa piling Niya ang siyamnapu't siyam. Nagpababa Siya sa lupa ng iisang bahagi. Mula sa bahaging iyon nag-aawaan ang mga nilikha hanggang sa nag-aangat ang hayop ng paa nito palayo sa anak nito sa takot na masagi ito." Sa isang sanaysay: "Tunay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay may isang daang awa. Nagpababa Siya mula sa mga ito ng iisang awa sa pagitan ng jinn at tao, at ng mga hayop at mga kulisap. Kaya sa pamamagitan nito nagdadamayan sila, sa pamamagitan nito nag-aawaan sila, at sa pamamagitan nito dumadamay ang mabangis na hayop sa anak nito. Ipinagpaliban ni Allāh, pagkataas-taas Niya, ang siyamnapu't siyam na awa na maaawa Siya sa pamamagitan ng mga ito sa Araw ng Pagkabuhay." Ayon kay Salmān Al-Fārisīy, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Tunay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay may isang daang awa. Mula sa mga ito ay isang awa na nag-aawaan sa pamamagitan nito ang mga nilikha sa pagitan nila at siyamnapu't siya para sa Araw ng Pagkabuhay." Sa isang sanaysay: "Tunay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay lumikha nang araw na nilikha Niya ang mga langit at ang lupa ng isang daang awa: bawat awa ay taklob sa pagitan ng langit hanggang sa lupa. Naglagay Siya mula sa mga ito sa lupa ng isang awa. Sa pamamagitan nito dumadamay ang ina sa anak nito, at ang mga mabangis na hayop at ang mga ibon sa isa't isa. Kapag Araw ng Pagkabuhay, lulubusin Niya ang mga iyon sa pamamagitan ng awang ito."Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Dharr (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa isinalaysay niya tungkol sa Panginoon niya (napakamapagpala Siya at napakataas): "O mga lingkod Ko, tunay na Ako ay nagbawal sa sarili Ko ng pang-aapi at ginawa Ko itong ipinagbabawal sa pagitan ninyo, kaya huwag kayong mag-apihan. O mga lingkod Ko, lahat kayo ay naliligaw maliban sa sinumang pinatnubayan Ko; kaya humiling kayo sa Akin ng patnubay, papatnubayan Ko kayo. O mga lingkod Ko, lahat kayo ay nagugutom maliban sa pinakain Ko; kaya humiling kayo sa akin ng makakain, pakakainin Ko kayo. O mga lingkod Ko, lahat kayo ay hubad maliban sa pinadamitan Ko; kaya humiling kayo sa Akin ng maidadamit, dadamitan Ko kayo. O mga lingkod Ko, tunay na kayo ay nagkakamali sa gabi at maghapon at Ako ay nagpapatawad sa mga pagkakasala nang lahatan; kaya humingi kayo sa Akin ng tawad, patatawarin Ko kayo. O mga lingkod Ko, tunay na kayo ay hindi makapagpapaabot ng pinsala sa Akin para mapinsala ninyo Ako at hindi makapagpapaabot ng pakinabang sa Akin para pakinabangin ninyo Ako. O mga lingkod Ko, kung sakaling ang una sa inyo at ang huli sa inyo at ang tao sa inyo at ang jinn sa inyo ay naging alinsunod sa pinakamapangilag magkasalang puso ng iisang lalaki kabilang sa inyo, hindi makadaragdag iyon sa paghahari Ko ng anuman. O mga lingkod Ko, kung sakaling ang una sa inyo at ang huli sa inyo at ang tao sa inyo at ang jinn sa inyo ay naging alinsunod sa pinakamasamang-loob na puso ng iisang lalaki kabilang sa inyo, hindi makababawas iyon sa paghahari Ko ng anuman. O mga lingkod Ko, kung sakaling ang una sa inyo at ang huli sa inyo at ang tao sa inyo at ang jinn sa inyo ay tumayo sa iisang kapatagan at humingi sa Akin, at magbibigay Ako sa bawat isa ng hiningi niya, hindi makababawas iyon mula sa taglay Ko malibang gaya ng naibabawas ng karayom kapag ipinasok ito sa dagat. O mga lingkod Ko, ang mga ito ay mga gawa ninyo lamang na binibilang Ko para sa inyo. Pagkatapos tutumbasan Ko kayo sa mga ito." Kaya ang sinumang nakatagpo ng isang kabutihan ay magpuri siya kay Allāh at ang sinumang nakatagpo ng iba roon ay huwag nga siyang maninisi kundi sa sarili niya.}Nagsalaysay nito si Imām Muslim