TopicAng Pinaniniwalaan
135 hadiths
135 hadiths
Ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang umibig sa pakikipagtagpo kay Allah, iibigin ni Allah ang pagkikipagtagpo sa kanya. Ang sinumang nasuklam sa pakikipagtagpo kay Allah, kasusuklaman ni Allah ang pakikipagtagpo sa kanya. Nagsabi ako: 'O Sugo ni Allah, pagkasuklam po ba sa kamatayan sapagkat lahat tayo ay nasusuklam sa kamatayan?' Nagsabi siya: 'Hindi ganoon, bagkus ang mananampalataya, kapag binalitaan ng awa ni Allah, pagkalugod Niya, at Paraiso Niya, ay iibigin ang pakikipagtagpo kay Allah kaya iibigin din ni Allah ang pakikipagtagpo sa kanya. Tunay na ang tumatangging sumampalataya, kapag binalitaan ng pagpaparusa ni Allah at ngitngit Niya, ay kasusuklaman ang pakikipagtagpo kay Allah at kasusuklaman din ni Allah ang pakikipagtagpo sa kanya.'"Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), siya noon, kapag pumasok sa masjid, ay nagsasabi ng: "A`ūdhu bi-llāhi –l`ađīm, wa-bi-wajhihi –lkarīm, wa-sulṭānihi –lqadīm, mina –shshayṭāni –rrajīm. (Nagpapakupkop ako kay Allāh, ang Sukdulan, sa mukha Niyang marangal, at sa kapamahalaan Niyang datihan, laban sa demonyong isinumpa.)" Nagsabi siya: "Sapat na ba?" Nagsabi ako: "Oo." Nagsabi siya: "Kaya kapag sinabi niya iyan, magsasabi ang demonyo: Iningatan siya laban sa akin sa nalalabi sa araw."}Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya: "Tunay na ang tumatangging sumampalataya, kapag gumawa siya ng isang magandang gawa, ay pinatitikim dahil dito ng isang gantimpala sa Mundo. Tungkol naman sa manananampalataya, tunay na si Allah, pagkataas-taas Niya, ay nag-iimpok para sa kanya ng mga magandang gawa niya sa Kabilang-buhay at nagkakaloob sa kanya ng panustos sa Mundo ayon sa pagtalima niya." Sa isang sanaysay: "Tunay na si Allah ay hindi lalabag sa katarungan sa isang mananampalataya sa isang magandang gawa na bibigyan siya dahil dito sa Mundo at gagantihan siya dahil dito sa Kabilang-buhay. Tungkol naman sa tumatangging sumampalataya, patitikimin siya ng mga magandang gawa na ginawa niya para kay Allah, pagkataas-taas Niya, sa Mundo. Kapag humantong siya siya sa Kabilang-buhay, wala na siyang magandang gawang gagantimpalaan siya dahil dito."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay 'Ayyad bin Hemar Al-Majāshe-ie-malugod si Allah sa kanya-Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi sa isang araw sa pagbibigay nito ng Sermon:((Hindi bat tunay na ang Panginoon ko ay nag-utos sa akin na ituro ko sa inyo ang anumang hindi ninyo nalalaman,at mula sa mga itinuro niya sa akin sa araw na ito; Ang lahat ng yaman na na ipinagkaloob ko sa isang alipin ay ipinapahintulot,At katotohanang nilikha ko ang mga lingkod ko na mga Muslim silang lahat.At tunay,na sa kanila ay dumating ang mga Satanas,at niligaw nila ito sa kanilang Relihiyon,at ipinagbawal nito ang mga bagay na ipinahintulot ko sa kanila,at ipinag -utos nito sa kanila na tumambal sa pagsamba sa akin,sa mga bagay na hindi Ko ipinapanaog rito ang katibayan.At tunay na si Allah ay tumingin sa mga naninirahan sa kalupaan,at nagalit Siya sa kanila,Sa mga Arabo at Hindi Arabo,maliban sa mga natitira na mula sa mga Taong-Aklat.At sinabi niya na:Katotohanang walang ibang kadahilanan sa pagpapadala ko sa iyo maliban, upang ikaw ay subukin at susubukin kita ,At ipinadala ko sa iyo ang nag-iisang Aklat na hindi nahuhugasan ng tubig,nababasa mo ito sa pagtulog at paggising.at katotohang si Allah ay nag-utos sa akin na sunugin ko ang mga Quraysh,At nagsabi ako: O Panginoon ko, kapag binagsakan nila ang ulo ko ay gagawin nila itong parang tinapay,Nagsabi Siya;Palayasin mo sila tulad ng pagpapalayas nila sa iyo,makipandarambong ka sa kanila,at makikipandarambong kami na kasama mo,at gumugol ka(sa landas ni Allah) at gugugol Kami para sa iyo,at magpadala ka ng isang kawal at magpapadala kami ng limang kawal(Anghel)na tulad nito,at makipaglaban ka kasama ang mga sumusunod sa iyo sa sinumang sumusuway sa iyo.At ang mga Taong nananahanan sa Paraiso ay may tatlong uri; Pinuno na matuwid,mapagkawang-gawa,at matagumpay, at Lalaking maawain,malambot ang puso lalo na sa mga kamag-anak nito at sa lahat ng mga Muslim,at Lalaking dalisay (walang-kapintasan), pinapanatili sa sarili nito ang kadalisayan at may pamilya,At ang mga Taong mananahanan sa Impiyerno ay limang klase:Ang Taong mahina na walang tamang pag-iisip, sila iyong taong sunod-sunuran sa inyo,hindi sila naghahangad ng pamilya at kayamanan (Na ipinapahintulot),At Ang Taksil na hindi naitatago sa kanya ang kasakiman,kahit sa napakamaliit nito ay pagtataksilan nito,At Lalaking hindi inaabutan ng umaga at gabi maliban sa siya ay makapanlinlang sa iyo,sa pamilya mo at sa kayamanan mo,(( at nabanggit)) Ang Taong maramot,at Sinungaling,Gumagawa ng kalaswaan na may Masamang pag-uugali.Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Ibnu 'Abbās-malugod si Allah sa kanilang dalawa-ay nagsabi siya;Ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nananalangin:(( O Allah tulungan ako sa mga mabuting gawa,at huwag sa masama,Pagkalooban ako ng Tagumpay sa mabuti at huwag sa masama,At linlangin sila para sa akin at huwag ipagkaloob ang paglinlang sa kanila, laban sa akin,At gabayan ako at padaliin ang pagpapatnubay sa akin,Tulungan ako sa sinumang umaapi sa akin, O Allah,Ibilang mo ako, sa Iyo magpasalamat,at sa Iyo ay mapag-alaala,at sa Iyo ay may takot,at sa Iyo ay sumunod, at sa Iyo ay mapag-kumbaba o magbalik-loob,O Allah,tanggapin Mo ang aking Pagsisi,at dalisayin ang mga kasalanan ko,at Tugunan ang panalangin ko,at panatilihin ang pananalita ko,at Patnubayan ang puso ko,at ituwid ang dila ko,at tanggalin ang masama sa puso ko))Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad