TL
Ang Fiqh ng mga Pagsamba
Ang Ṣalāh
126 hadiths
Ang Pagkatungkulin ng Ṣalāh ang Hatol sa Nagwawaksi Nito
5
Ang Kalamangan ng Ṣalāh
10
Ang Adhān at ang Iqāmah
6
Ang mga Oras ng Pagbabawal sa Ṣalāh
2
Ang mga Kundisyon ng Ṣalāh
3
Ang mga Saligan ng Ṣalāh
2
Ang mga Kinakailangan sa Ṣalāh
1
Ang mga Sunnah ng Ṣalāh
1
Ang Paglalarawan sa Ṣalāh
10
Ang mga Dhikr sa Ṣalāh
15
Ang mga Nagpapawalang-saysay sa Ṣalāh
1
Ang mga Kamalian ng mga Nagdarasal
5
Ang Pagpapatirapa sa Pagkalingat [sa Ṣalāh], Pagbigkas, at Pasasalamat
4
Ang Kalamangan ng Ṣalāh sa Jamā`ah at ang mga Patakaran Nito
7
Ang mga Patakaran ng Imām (Pinuno) at Ma`mūm (Pinamumunuan) sa Ṣalāh
4
Ang Ṣalāh ng mga May Kadahilanan
1
Ang Ṣalāh sa Araw ng Biyernes
7
Ang Ṣalāh ng Pagkukusang-loob
40
Ang Ṣalāh sa Sandali ng Eklipse ng Araw at Eklipse ng Buwan
2
Ang Ṣalāh ng Paghiling ng Ulan
1
أحكام المساجد
9
126 hadiths
Ayon kay Abū Umāmah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang bumigkas ng Talata ng Kursīy sa katapusan ng bawat ṣalāh na iniatas, walang makakapagpigil sa kanya sa pagpasok sa Paraiso maliban na mamatay siya."}
Nagsalaysay nito si Imām An-Nasā'iy sa Al-Kubrā
Ayon kay `Imrān bin Ḥuṣayn (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagkaroon ako ng almoranas kaya nagtanong ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa ṣalāh saka nagsabi naman siya: "Magdasal ka nang patindig; ngunit kung hindi mo nakaya ay paupo; ngunit kung hindi mo nakaya ay [pahiga] sa tagiliran."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
عن عائشة رضي الله عنها ، قالت: «قامَ النبي صلى الله عليه وسلم بآيةٍ مِنَ القرآن ليلةً».
رواه الترمذي
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nagduda ang isa sa inyo sa ṣalāh niya, kaya hindi siya nakaalam kung nagdasal ba siya ng tatlo o apat [na rak`ah], ibato niya ang pagdududa at ibatay niya sa natiyak niya. Pagkatapos magpatirapa siya ng dalawang patirapa bago magsagawa ng taslīm; sapagkat kung nakapagdasal siya ng limang [rak`ah], gagawing tukol (even) ng mga ito para sa kanya ang ṣalāh niya; at kung nakapagdasal naman siya ng isang paglubos sa apat [na rak`ah], ang dalawang ito ay magiging isang pag-aaba para sa demonyo."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abe Rafi,Na si Abe Hurayrah ay nagbasa sa kanila:{ Kapag ang langit ay lansag-lansag na mabiyak} nagpatirapa siya rito,at nang siya ay umalis,sinabi niya sa mga tao na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagpatirapa rito
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abe Bakrah,buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Katotohanang siya ay:((Kapag dumating sa kanya ang bagay na nakakapag-pasaya ( sa kanya) o magandang balita sa kanya lumulugmok siya sa pagpapatirapa bilang pagpapasamat sa Allah))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Hafsah, malugod si Allah sa kanya.((Katotohanang ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-siya ay nagdadasal ng dalawang tindig na magaan pagkatapos ng pagsikat ng Bukang-liwayway)) at sa isang salaysay: Bago iganap ang pagtindig sa dasal
Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nag-iiwan noon ng apat na rak`ah bago ng ṣalāh sa tanghali at ng dalawang rak`ah bago ng madaling-araw.}
Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Ummu Ḥabībah (malugod si Allāh sa kanya) na maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang nangalaga sa apat na rak`ah bago ng ṣalāh sa tanghali at apat na rak`ah matapos nito, magkakait sa kanya si Allāh sa Impiyerno."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad
Ayon kay `Abdullah bin `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa- Nagsabi siya: Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:((Kinakaawaan ni Allah ang isang taong nagdasal bago ang dasal ng Asr nang apat na tindig))
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Abdullah bin Al-Maznie,nasabi siya,Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-( Magdasal kayo bago sumapit ang Maghrib ng dalawang tindig))pagkatapos ay nagsabi siya;((Magdasal kayo bago sumapit ang Maghrib ng dalawang tindig,sa sinumang mag-nais)) Pagkatakot na baka gawin ito ng mga Tao na Sunnah.
Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay 'Āishah malugod si Alla sa kanya-Nagsabi siya:(( Ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag natapos ang Nagtatawag ng Āzān sa unang beses mula sa dasal ng Fajr,titindig siya,at yuyuko sa dalawang tindig na magaan bago ang dasal ng Fajr,pagkatapos na maging hayag (tiyak) ang dasal ng Fajr,pagkatapos ay hihiga siya banda nitong kanan,hanggang sa dumating sa kanya ang nagtatawag ng Azan upang itindig ang dasal.
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): Nagtanong ang isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang siya ay nasa pulpito: "Ano po sa tingin mo ang salah sa gabi?" Nagsabi siya: "Dala-dalawahang [rak`ah]; ngunit kapag natakot siya na umabot sa madaling-araw, magdarasal siya ng iisang rak`ah saka magiging witr para sa kanya ang dinasal niya." Tunay na siya noon ay nagsasabi: "Gawin ninyo ang kahuli-hulihan sa salah ninyo bilang witr. Tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-utos nito.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Ibnu 'Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Ang pagdarasal sa gabi at araw ay dalawa dalawa))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya.nagsabi siya;Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Ang pinaka-mainam na pag-aayuno pagkatapos ng Buwan ng Ramadhan ay ang Buwan ng Allah na Muharram,at ang pinakamainam na Pagdarasal pagkatapos ng ng mga Obligado ay ang Dasal na Gabi
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Ayyūb Al-Ansārī-malugod si Allah sa kanya-Na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi:((Ang dasal na Witr ay tunay,Sinuman ang magnais ay magdasal ng Witr nang pitong (tindig),at sinuman ang magnais,at magdasal ng Witr nang limang tindig,at sinuman ang magnais ay magdasal ng Witr nang tatlong tindig at sinuman ang magnais ay magdasal ng Witr nang isang tindig))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud
Ayon kay Ali bin Abe Talib- malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:((Ang dasal na Witr ay hindi obligado na tulad ng pagsasagawa sa mga Dasal na Obligado,Ngunit ito ay Sunnah na ginawa ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay 'Aishah malugod si Allah sa kanya-at nagsabi:((Ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdarasal sa gabi nang labin-tatlong tindig,kabilang rito ang Witr,at dalawang tindig sa (dasal ng madaling araw).
Napagkaisahan ang katumpakan
At ayon kay Abdullah bin Am`r bin Al-A`s-malugod si Allah sa kanilang dalawa-nagsabi siya: Nagsabia sa akin ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(( O Alipin ni Allah, huwag kang maging tulad ni pulano,dati ay tumitindig(nagdadasal) sa gabi,Hanggang sa iniwan na niya ang pagtindig(pagdasal) sa gabi.))
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Ali malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya: Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(( O mga Taong Qur-an,Magdasal kayo ng Witr,Sapagkat si Allah ay Witr,Naiibigan niya ang Witr))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Abē Saīd Al-Khudrīy malugod si Allah sa kanya-Tunay na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi:(( Magdasal kayo ng Witr bago kayo umagahin))
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allah sa kanya- sa Haduth na Marfu-((Sinuman ang makatulog sa Dasal nito na Witr o nakalimot siya nito,magdasal siya nito kapag naalala niya ito.))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Jaber-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi;Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Sinuman ang natatakot na hindi makapag-dasal sa huling-gabi,ay magdasal ito ng Witr sa unang-gabi nito,at sinuman ang naghahangad na makapag-dasal sa huling-gabi nito,ay magdasal ito ng Witr sa huling-gabi nito,Dahil ang pagdarasal sa huling-gabi ay sinasaksihan,at ito ang mas-mainam))
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay 'Aishah malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya: ( Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay nagdadasal ng Duhā nang apat na tindig,at nagdadag-dag siya sa kapahintulutan ni Allah
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Previous page
Page 4 of 6
Next page