Hadith for the World
Ang Fiqh ng mga Pagsamba

Ang Ṣalāh

126 hadiths

126 hadiths

Ayon kina `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya, at Al-Mughīrah bin Shu`bah, malugod si Allāh sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay [matagal] nagdarasal noon sa gabi hanggang sa nagkabitak-bitak ang mga paa niya kaya nagsabi ako sa kanya: "Bakit mo ginagawa ito, o Sugo ni Allah, gayong nagpatawad na si Allah sa iyo sa nauna sa pagkakasala mo at nahuli?" Nagsabi siya: "Kaya hindi ko ba iibiging ako ay maging isang lingkod na mapagpasalamat?"Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang pinakakaibig-ibig sa mga bayan kay Allāh ay ang mga masjid ng mga ito at ang pinakakasuklam-suklam sa mga bayan kay Allāh ay ang mga palengke ng mga ito."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Sa tingin ba ninyo kung sakaling may isang ilog sa tabi ng pinto ng isa sa inyo, na naliligo siya mula rito sa bawat araw nang limang ulit, magsasabi ka bang iyon ay magtitira pa mula sa karumihan niya?" Nagsabi sila: "Hindi po iyon magtitira mula sa karumihan niya ng anuman." Nagsabi siya: "Kaya iyon ay tulad ng limang ṣalāh: nagpapawi si Allāh sa pamamagitan ng mga ito ng mga kasalanan."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya.-Nagsabi siya:((Tumiklop ang Araw [nawala ang kanyang liwanag] sa panahon ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagdasal ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga tao,Tinagalan niya ang pagtayo pagkatapos at yumuko siya at tinagalan niya ang pagyuko,pagkatapos ay tumayo siya,at tinagalan niya ang pagyuko,at ito ay liban pa sa unang pagtayo-pagkatapos ay yumuko siya,at tinagalan niya ang pagyuko-at ito ay liban pa sa unang pagyuko- pagkatapos ay nagpatirapa siya,tinagalan niya ang pagpapatirapa,pagkatapos ay ginawa niya ito sa ibang tindig ang tulad ng ginawa niya sa unang tindig,pagkatapos ay umalis siya,at naging hayag na ang araw,Nagsermon siya sa mga tao,Nagluwalhati siya kay Allah at Nagpuri siya sa Kanya,Pagkatapos ay sinabi niya: Tunay na ang Araw at ang Buwan ay dalawang palatandaan mula sa tanda ni Allah,Hindi sila nagtitiklop [nawawala ang kanilang liwanag] dahil sa pagkamatay ng isang tao at hindi sa pagkabuhay nito,Kapag nakita ninyo ito,Manalangin kayo kay Allah at mag-alay kayo ng Pagdadakila;Magdasal kayo at Magkawanggawa kayo.Pagkatapos ay sinabi niya: O Ummah ni Muhammad,Wala ni isa sa sinuman ang may pinakamatinding pagseselos liban kay Allah ,sa pangangalunya ng alipin niya o pangangalunya ng Umah ni Muhammad,Sumpa kay Allah;Kung nalalaman lang ninyo ang nalalaman ko,Tunay na matatawa kayo ng kaunti at tunay na maiiyak kayo ng marami)) At sa isang pananalita:((Ginanap niya sa apat na tindig at apat na pagpapatirapa))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay `Aishah malugod si Allah sa kanya,siya ay nagsabi:(( Sa bawat gabi ay nagdadasal ng Witr ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: mula sa unang gabi,at kalagitnaan nito at huli nito,at natatapos ang pagdadasal niya ng Witr sa huling bahagi ng gabi.))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay `Amr bin Shu`ayb, ayon sa ama niya, ayon sa lolo niya na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mag-utos kayo sa mga anak ninyo ng pagdarasal kapag sila ay pitong taong gulang. Mamalo kayo sa kanila dahil [sa pagkukulang] dito kapag sila ay sampung taong gulang. Magpahiwalay kayo sa kanila sa mga higaan."}Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud
Ayon kay `Abdullāh binZaid bin `Asim Al-Mazini, malugod si Allah sa kanya.Nagsabi siya:Lumabas ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nagdadasal [upang manalangin ng ulan],Humarap siya sa Qiblah,pagkatapos ay nagdasal ng dalawang tindig,at ginawa niyang hayag ang pagbabasa rito)) at sa isang pananalita (( sa pinagdadasalan))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay `Abdurraḥmān bin Abī Laylā na nagsabi: {Nakipagtagpo sa akin si Ka`b bin `Ujrah saka nagsabi ito: "Hindi ba ako magreregalo sa iyo ng isang regalo? Tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay lumabas sa amin saka nagsabi kami: "O Sugo ni Allāh, nakaalam na kami kung papaano kaming babati sa iyo kaya naman papaano kaming dadalangin ng basbas sa iyo?" Nagsabi siya: "Kaya magsabi kayo: Allāhumma ṣalli `alā muḥammadin wa-`alā āli Muḥammad, kamā ṣallayta `alā ibrāhīma wa-`alā āli ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd. Allāhumma bārik `alā muḥammadin wa-`alā āli muḥammad, kamā bārakta `alā ibrāhīma wa-`alā āli ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd. (O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbasbas Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal. O Allāh, biyayaan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbiyaya Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal.)"}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Ubādah bin Aṣ-Ṣāmit (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Walang ṣalāh sa sinumang hindi bumigkas ng Pambungad ng Aklat."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya-Sa Hadith na Marfu: ((Hindi pa ako nakapagdasal sa likod ng Imam kailanman ng higit na magaan na pagdarasal,at higit na ganap na pagdarasal maliban sa [Pagdarasal] ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Jundub bin `Abdillāh Al-Qasrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagdasal ng dasal sa madaling-araw, siya ay nasa pangangalaga ni Allāh. Kaya huwag ngang magpapanagot sa inyo si Allāh ng anuman dahil sa pangangalaga Niya sapagkat tunay na ang sinumang pinanagot Niya ng anuman dahil sa pangangalaga Niya ay makaabot Siya rito, pagkatapos magsusubsob Siya rito ng mukha nito sa apoy ng Impiyerno."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang pumunta sa umaga sa masjid o pumunta sa gabi, maghahanda si Allāh para sa kanya sa Paraiso ng isang tuluyan sa tuwing pumupunta siya sa umaga o pumupunta siya sa gabi."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Umar bi Al-Khattab-malugod si Allah sa kanya-sa Hadith na Marfu- (( Sinuman ang nakatulog mula sa pagdarasal nito [gitna ng ]Gabi,o di kaya`y sa ilang bahagi nito,Pagkatapos ay binasa niya ito sa pagitan ng Dasal ng Fajr at Dasal ng Dhuhr,Isusulat sa kanya,na para niya itong binasa sa [gitna ng ] Gabi.))Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Abdullāh bin Salām (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Noong dumating ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Madīnah, napasugod ang mga tao sa dako niya at sinabi: "Dumating ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), dumating ang Sugo ni Allāh, dumating ang Sugo ni Allāh" nang tatlong ulit. Kaya dumating ako sa mga tao upang tumingin. Noong nakaaninag ako sa Mukha niya, nalaman ko na ang mukha niya ay hindi isang mukha ng isang palasinungaling. Ang kauna-unahang bagay na narinig ko na sinalita niya ay na nagsabi siya: "O mga tao, magpalaganap kayo ng kapayapaan, magpakain kayo ng pagkain, makipag-ugnayan kayo sa mga kaanak, at magdasal kayo sa gabi habang ang mga tao ay tulog; papasok kayo sa Paraiso nang may kapayapaan."}Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Kapag nag-amen ang imām ay mag-amen kayo sapagkat tunay na ang sinumang natapat ang pag-amen niya sa pag-amen ng mga anghel ay magpapatawad sa kanya sa nauna sa pagkakasala niya."Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay pumasok sa silid nito at sa piling nito ay may isang babae. Nagsabi siya: Sino ito? Nagsabi ito: Ito ay si Polana. Binabanggit nito ang [dami ng] pagdarasal nito. Nagsabi siya: "Ahem, manatili kayo sa nakakaya ninyo; sapagkat sumpa man kay Allah, hindi nanghihinawa si Allah hanggang sa manghinawa kayo. Ang pinakakaibig-ibig na pagrerelihiyon sa Kanya ay ang pinamamalagi ng nagsasagawa nito."Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay A-ieshah-malugod si Allah sa kanya -Na ang Sugo ni Allah-Pagplain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsasabi sa pagyuko niya at pagtirapa niya:(( Napaka-Maluwalhati Niya,Napaka-Banal Niya,Panginoon ng mga Anghel at ni Anghel Jibreel))Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: Itinalaga lamang ang imām upang sundan kaya huwag kayong umiba sa kanya. Kapag nagsagawa siya ng takbīr, magsagawa kayo ng takbīr. Kapag yumukod siya, yumukod kayo. Kapag nagsabi siya ng Sami`a -llāhu liman ḥamidah (Dinggin nawa ni Allāh ang sinumang nagpuri sa Kanya), magsabi kayo ng Rabbanā wa laka -lḥamd (Panginoon namin, at ukol sa Iyo ang papuri). Kapag nagpatirapa siya, magpatirapa kayo. Kapag nagdasal siya nang nakaupo, magdasal kayo nang mga nakaupong lahat.Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Zuhayr bin `Umārah bin Ru’aybah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang lulusot sa Impiyerno na isang nagdarasal bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog nito."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Walang anumang isang taong Muslim na dinaratnan ng isang ṣalāh na iniatas saka nagpapahusay siya ng pagsasagawa ng wuḍū' dito, kataimtiman dito, at pagyukod dito, malibang ito ay nagiging isang panakip-sala sa anumang bago nito na mga pagkakasala, hanggat hindi siya nakagawa ng isang malaking kasalanan. Iyon ay ang panahon sa kabuuan nito."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Ka`b bin `Ujrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "May mga binabalik-balikang hindi nabibigo ang tagapagsabi ng mga ito – o ang tagagawa ng mga ito – sa katapusan ng bawat ṣalāh na iniatas: Tatlumpu't tatlong pagluluwalhati, tatlumpu't tatlong pagpapapuri, at tatlumpu't apat na pagdadakila."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Buraydah bin Al-Ḥuṣayb (malugod si Allāh sa kanya), siya ay nagsabi: {Magpakaaga kayo sa ṣalāh sa hapon sapagkat tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nagwaksi ng ṣalāh sa hapon, bumagsak nga ang gawa niya."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Sa`d bin Abī Waqqāṣ (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang nagsabi, kapag naririnig niya ang mu'adhdhin, ng: Ashhadu an lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lah, wa-anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. Raḍītu bi-llāhi rabban, wa-bi-muḥammadir rasūlan, wa-bi-l'islāmi dīnā. (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya; at na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya. Nalugod ako kay Allāh bilang Panginoon, kay Muḥammad bilang Sugo, at sa Islām bilang Relihiyon.), patatawarin para sa kanya ang pagkakasala niya."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allāh sa kanya, ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag tumindig noon para sa pagdarasal, ay nagsasabi: "Wajjahtu wajhī lilladhī faṭara -ssamāwāti wa -l'arḍa hanīfan wa mā anā mina -lmushrikīn. Inna ṣalātī wa nusukī wa maḥyāya wa mamātī lillāhi rabbi -l`ālamīna lā sharīka lahu wa bidhālika umirtu wa anā mina -lmuslimīn. Allāhumma anta -lmaliku lā ilāha illa anta, anta rabbī wa anā `abduka, đalamtu nafsī wa`taraftu bidhambī fa-ghfir lī dhunūbī jamī`an, innahu lā yaghfiru -dhdhunūba illā anta, wa -hdinī li'aḥsani -l'akhlāqi, lā yahdī li'aḥsanihā illā anta, wa -ṣrif `annī sayyi'ahā, lā yaṣrifu `annī sayyi'ahā illā anta, labbayka wa sa`dayka, wa -lkhayru kulluhu fī yadayka, wa -shsharru laysa ilayka, anā bika wa ilayka, tabārakta wa ta`ālayta, astaghfiruka wa atūbu ilayka. (Ibinaling ko ang mukha ko sa naglalang ng mga langit at lupa bilang isang makatotoo, at hindi ako kabilang sa mga nagtatambal sa Panginoon. Tunay na ang dasal ko, ang handog ko, ang buhay ko, at ang kamatayan ko ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang, walang katambal sa Kanya. Iyon ay ipinag-utos sa akin, at ako ay kabilang sa mga Muslim. O Allāh, Ikaw ang Hari, walang Diyos kundi Ikaw. Ikaw ay Panginoon ko at ako ay lingkod Mo. Lumabag ako sa katarungan sa sarili ko at inamin ko ang pagkakasala ko kaya patawarin Mo ako sa lahat ng mga pagkakasala ko; tunay na walang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi Ikaw. Patnubayan Mo ako sa pinakamaganda sa mga kaasalan; walang magpapatnubay sa pinakamaganda sa mga iyon kundi Ikaw. Ilayo Mo sa akin ang masagwa sa mga iyon; walang magpapalayo sa akin sa masagwa sa mga iyon kundi Ikaw. Bilang pagtugon sa Iyo at bilang pagsunod sa Iyo, ang mabuti, lahat ng ito, ay nasa mga kamay Mo. Ang masama ay hindi inuugnay sa Iyo. Ako ay nagagabayan sa pamamagitan Mo at nagpapakanlong sa Iyo. Napakamapagpala Mo at pagkataas-taas Mo. Humihingi ako ng tawad sa Iyo at nagbabalik-loob ako sa Iyo.)" Kapag yumukod siya, nagsasabi siya: "Allāhumma laka raka`tu, wa bika āmantu, wa laka aslamtu, khasha`a laka sam`ī wa baṣarī, wa mukhkhī wa `ađmī wa `aṣabī. (O Allāh sa Iyo ako yumukod, sa Iyo ako sumampalataya, at sa Iyo ako nagpasakop. Nagpakababa sa Iyo ang pandinig ko, ang paningin ko, ang utak ko, ang buto ko, at ang litid ko." Kapag umangat siya, nagsasabi siya: "Allāhumma rabbanā laka -lḥamd, mil'a -ssamāwāti wa mil'a -l'arḍ, wa mil'a mā baynahumā wa mil'a mā shi'ta min shay'im ba`d. (O Allah, Panginoon namin, ukol sa Iyo ang papuri, na makapupuno sa mga langit, makapupuno sa lupa, makapupuno sa anumang nasa pagitan ng mga ito, at makapupuno ng anumang bagay na niloob Mo pagkatapos.)" Kapag nagpatirapa siya, nagsasabi siya: "Allāhumma laka sajadtu, wa bika āmantu, wa laka aslamtu, sajada wajhī lillādhī khalaqahu wa ṣawwarahu, wa sḥaqqa sam`ahu wa baṣarahu, tabāraka -llāhu aḥsanu -lkhāliqīn. (O Allāh, sa Iyo ako nagpatirapa, sa Iyo ako sumampalataya, at sa Iyo ako nagpasakop. Nagpatirapa ang mukha ko sa Kanya na lumikha rito, nag-anyo rito, nagbukas sa pandinig at paningin nito. Napakamapagpala ni Allāh, ang pinakamagaling sa mga tagapaglikha.)" Pagkatapos kabilang sa huli sa sinasabi niya sa pagitan ng tashahhud at taslīm: "Allāhumma -ghfir lī mā qaddamtu wa mā akhkhartu, wa mā asrartu wa mā a`lantu, wa mā asraftu, wa mā anta a`lamu bihi minnī, anta -lmuqaddimu wa anta -lmu'akhkhiru, lā ilāha illā anta. (O Allāh, patawarin Mo ako sa [kasalanang] naunang nagawa ko at nahuling nagawa ko, [kasalanang] inilihim ko at inihayag ko, at [kasalanang] ipinagmalabis at [kasalanang] Ikaw ay higit na nakaaalam doon kaysa sa akin. Ikaw ay ang nagpapauna at Ikaw ay ang nagpapahuli; walang Diyos kundi Ikaw.)"Nagsalaysay nito si Imām Muslim